Pumunta sa nilalaman

Luyang-dilaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Turmeric)
Para sa ibang gamit, tingnan ang luya (paglilinaw).

Luyang-dilaw
Curcuma longa
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Zingiberales
Pamilya: Zingiberaceae
Sari: Curcuma
Espesye:
C. longa
Pangalang binomial
Curcuma longa

Ang luyang-dilaw (Curcuma longa) ay isang uri ng halamang kahawig ng luya. Ginagamit ito bilang pangkulay ng tela at pagkain.[2] Mula ito sa pamiyla ng luya na Zingiberaceae. Ito ay katutubo sa mga tropikal na bansa saTimog Asya at nangangailangan ng temperaturang mula 20°C hanggang 30°C, at maraming ulan upang yumabong. Ang mga halaman ay inaani bawat taon para sa kanilang rhizome, ang ilan sa mga rhizome ay itinatanim para sa susunod na anihan.

Ang mga rhizome ay pinakukuluan ng ilang oras at pinatutuyo sa mainit na pugon. Pagkatapos, ito ay dinudurog upang maging manilaw-nilaw na naranghang pulbos na ginagamit sa mga pampalasa o kaya curry sa mga pagkain ng Timog Asya at Gitnang Silangan, pantina, at pangkulay ng mustasang kondimento. Ang aktibong bahagi nito ay tinatawag na curcumin na may malalupa, mapait at lasang katulad ng paminta at amoy na tulad ng mustasa.

Ito ay minsang tinatawag na turmeric. Sa Europa noong Gitnang Panahon, ang luyang-dilaw ay tinatawag na Sapron ng Indiya dahil ito ay ginagamit na pamalit sa mas mahal na sapron na panlasa.

Ang Sangli, isang bayan sa katimugang bahagi ng estadong Maharashtra ng Indiya ay ang pinakamalaki at pinakamahalagang lugar ng kalakalan ng luyang-dilaw sa Asya.[3]

Sa Pagkukusina

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pinulbos na luyang-dilaw ay ginagamit sa kusina ng Indiya.

Ginagamit ang luyang-dilaw sa mga inumin, mga hinurno na pagkain, mga sorbetes, sarsa atbp. Ginagamit din itong sangkap ng pulbos na curry. Maari din itong gamitin ng hilaw kagaya ng luya. Ang luyang-dilaw (tinatawag ring E100 kapag ginagamit bilang food additive) ay ginagamit upang protektahan ang mga pagkain laban sa sikat ng araw. Pag sinama sa annatto (E160b), ang luyang dilaw ay ginagamit sa pagkulay ng keso, yogurt, salad dressing, mantikilya at margarina.

Ang luyang-dilaw ay hindi magandang tina dahil hindi ito masyadong lightfast (ang kakayahan ng isang tina na di kumupas kapag nabilad sa araw). Subalit ginagamit ito sa sa mga kasuotang galing sa Indiya gaya ng sari.

Panseremonyang gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit ang luyang-dilaw sa iba't ibang ritwal tulad ng gaye holud na bahagi ng kasalang Bengali.

Keto na porma ng Curcumin
Enol na porma ng Curcumin

Ang luyang-dilaw ay mayroong 5% kinakailangang langis at hanggang 3% curcumin, isang polyphenol. Ito ang aktibong substansiya ng luyang-dilaw at kilala din bilang C.I. 75300, o Natural Yellow 3 (likas na dilaw 3). Ang sistematikong kemikal na pangalan nito ay (1E,6E)-1,7-bis(4-hydroxy-3-methoxyphenyl)-1,6-heptadiene-3,5-dione.

Maari itong makita sa hindi kukulang sa dalawang tautomerikong porma, ang keto at ang enol. Ang pormang keto ay mas ginagamit sa solidong porma at ang pormang enol kapag sa solusyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Curcuma longa information from NPGS/GRIN". www.ars-grin.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-20. Nakuha noong 2008-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  3. "SANGLI...The Turmeric City of India n home of brights". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-28. Nakuha noong 2009-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)