Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Dundee

Mga koordinado: 56°27′26″N 2°58′49″W / 56.4572°N 2.9803°W / 56.4572; -2.9803
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Gusaling Harris 

Ang Unibersidad ng Dundee (Ingles: University of Dundee, dinadaglat na bilang Dund. sa post-nominal) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa lungsod ng Dundee sa silangang baybayin ng Scotland. Itinatag noong 1881 ang institusyon bilang isang bahaging kolehiyo ng Unibersidad ng St Andrews kasama ng United College at St Mary's College na matatagpuan sa mismong bayan ng St Andrews. Kasunod ng makabuluhang pagpapalawak, ang Unibersidad ng Dundee ay naging isang malayang institusyon noong 1967 habang pinapanatili ang sinauna nitong pamana at istruktura.

Ang pangunahing kampus ng unibersidad ay matatagpuan sa West End ng Dundee na naglalaman ng maraming ng pasilidad sa pagtuturo at pananaliksik. Ang unibersidad ay may mga karagdagang mga pasilidad sa Ninewells Hospital, na naglalaman ng paaralan ng medisina; Perth Royal Infirmary; at sa Kirkcaldy, Fife, na naglalaman ng isang bahagi ng paaralan ng pagnanars.

56°27′26″N 2°58′49″W / 56.4572°N 2.9803°W / 56.4572; -2.9803 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.