Unibersidad ng Kabul

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Zalmay Khalilzad at Ashraf Ghani sa University Library noong 2005

Ang Unibersidad ng Kabul (Pashto دکابل پوهنتون Da Kābul Pohantūn / Dari پوهنتون کابل Pohantūn-e Kābul / Ingles: Kabul University) ay matatagpuan sa Kabul, kabisera ng Afghanistan. Ito ay itinatag noong 1931 sa panahon ng pamahalaan ni Mohammed Nadir Shah at Punong Ministro Mohammad Hashim Khan

Ang unibersidad ay kasalukuyang bumabawi mula sa mahabang panahon ng digmaan. Ito ay kasalukuyang may humigit-kumulang 25,000 mag-aaral, na kung saan nasa 40% ay kababaihan. 

Ang misyon ng Kabul University ay ang umunlad bilang isang kinikilalang institusyon ng pag-aaral at pananaliksik sa buong mundo, at maging pamayanan ng mga stakeholder na pinahahalagahan ang magkakasamang pamamahala.