Unibersidad ng Newcastle (Australia)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Medical Sciences Building

Ang Unibersidad ng Newcastle (InglesUniversity of NewcastleUoN), impormal na kilala bilang Newcastle University, ay isang pampublikong unibersidad na itinatag noong 1965. Ito ay may pangunahing kampus sa Callaghan, isang suburb ng Newcastle, New South Wales,Australia. Ang unibersidad ay nagpapatakbo rin ng mga satelayt na kampus sa Ourimbah, Australia; Port Macquarie, Australia; Singapore, Newcastle CBD at Sydney CBD.[1]

Ayon sa kasaysayan, inimplementa ng University of Newcastle Medical School ang problem-based na sistema ng pag-aaral para sa mga mag-aaral ng programang Bachelor of Medicine – isang sistema na sa kalaunan ay ginawang mandato ng Australian Medical Council sa buong Australia.[2]

Ang Unibersidad ng Newcastle ay miyembro ng Universities Australia at ng Association to Advance Collegiate Schools of Business.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Locations". The University of Newcastle. Hinango noong 17 Enero 2010.
  2. "UMAT: A Validity Study" (PDF). Australian Council for Educational Research. Hinango noong 27 Disyembre 2010.
  3. "All Member Schools – ordered by country/region, state, name". AACSB International. Hinango noong 6 Enero 2012.