Unibersidad ng Tirana
Ang Unibersidad ng Tirana (Albanes: Universiteti i Tiranës: Ingles: University of Tirana) ay isang pampubliko at ang pinakamalaking unibersidad sa Albanya. Ito ay orihinal na itinatag noong 1957 bilang State University of Tirana sa pamamagitan ng pagsasama ng limang umiiral na instituto ng mas mataas na edukasyon, ang pinakamahalaga ay ang Institute of Sciences, na itinatag noong 1947.
Ang pangunahing wika ng pagtuturo ay Albanian, ngunit mayroong mga fakultad para sa Banyagang Wika na kung saan ay may kursong tinuturo sa Ingles, Pranses, Griyego, Italyano, Espanyol, Aleman, Intsik at iba pang mga wika.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Unibersidad ng Tirana ay itinatag noong 1957 bilang State University of Tirana (Albanes: Universiteti Shtetëror i Tiranës), sa pamamagitan ng pagsasama ng limang umiiral na mga instituto ng mas mataas na edukasyon, ang pinakamahalaga ay ang Institute of Sciences, na itinatag noong 1947. Sa panahon ng komunismo sa Albanya sa pagitan ng 1985 at 1992, ang unibersidad ay tinatawag na ang Enver Hoxha University of Tirana (Albanes: Universiteti i Tiranës Enver Hoxha).