Unibersidad ng Valle
Ang Unibersidad ng Valle (Kastila: Universidad del Valle, Ingles: University of Valle), na tinatawag ding Univalle, ay isang pampubliko, departamental, koedukasyonal, at para sa pananaliksik na unibersidad na nakabase sa lungsod ng Cali, sa departamento ng Valle del Cauca, Colombia. Ito ang pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa timog-kanluran ng bansa ayon sa bilang ng mag-aaral, at ang pangatlo sa Colombia, na may higit sa 30,000 mag-aaral. Ang unibersidad ay itinatag sa pamamagitan ng ordinansa Blg. 12 ng 1945 ng departamental na asembli bilang Industrial University of Valle del Cauca (Kastila: Universidad Industrial del Valle del Cauca).
3°22′30″N 76°32′04″W / 3.37501°N 76.53445°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.