Université catholique de Louvain
Ang Université catholique de Louvain (UCLouvain, Pranses para sa Katolikong Unibersidad ng Louvain, ngunit kadalasan ay hindi isinasalin upang maiwasan ang pagkalito sa Katholieke Universiteit Leuven) ay ang pinakamalaking unibersidad sa Belhika na may midyum na Pranses. Ito ay matatagpuan sa Louvain-la-Neuve, na sadyang itinatag upang maging tahanan ng unibersidad. Ang UCLouvain ay may satellite campus sa Brussels, Charleroi, Mons at Tournai.
Ang Universitas Lovaniensis ay itinatag sa sentro ng makasaysayang bayan ng Leuven (o Louvain) noong 1425. Ito ang unang unibersidad sa Belhika at sa Mabababang Bayan. Sa 1968, ang Katolikong Unibersidad ng Leuven ay nahati sa dalawa, isang gumagamit ng wikang Dutch, ang Katholieke Universiteit Leuven, na nanatili sa Leuven, at ang Pranses na Université catholique de Louvain, na lumipat sa Louvain-la-Neuve sa Wallonia, 20 km sa timog ng Brussels. Mula sa ika-15 na siglo, ang Leuven/Louvain ay nananatiling pangunahing kontribyutor sa pag-unlad ng Teolohiyang Katoliko.
50°40′11″N 4°36′56″E / 50.669687°N 4.615591°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.