Pumunta sa nilalaman

Usapang Wikipedia:Kapihan/Sinupan 19

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive This is an archive of past discussions. Do not edit the contents of this page. If you wish to start a new discussion or revive an old one, please do so on the current talk page.

Rumano/Rumanyano/Romaniano

Ano ba ang wastong pagsasalin para sa Romanian, Cherokee, atbp.? Saan din ako pwedeng makakakita ng talaan ng salin na demonym ng bawat bansa o wika?--JL 09 q?c 05:27, 14 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Walang umiiral na depinitibong tala. Gayunpaman, ang tamang salin dito ay "Rumano". Makikita ito sa diksiyonaryo ni Felicidad T.E. Sagalongos. --Sky Harbor (usapan) 14:35, 14 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Fundraising 2010

Kahit kung pahabol ang mensaheng ito, gawin natin ang ating parte upang makapag-fundraise ang Wikimedia Foundation sa Pilipinas gamit ng mga banner messages na makikita natin sa ibabaw ng Wikipedia. Maaaring magbigay ng mga mungkahi dito sa Meta. Salamat mga ka-Wikipedia! :) --Sky Harbor (usapan) 07:42, 15 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Baybayin sa Tagalog Wikipedia

Kahit kung hindi ko gustong buksan ang paksang ito dito sa Kapihan, nararapat na buksan ito dahil sa ilang mga pangyayaring naganap sa loob ng huling dalawang linggo, at dahil kailangan na nating resolusyonan ang isyu na ito:

  • Una, kinausap ako ni Jose77, isa sa mga tagagamit na aktibo sa isyu ng mga wika sa Meta, tungkol sa isang paraan para pagbigyan ng espasyo ang Baybayin sa Tagalog Wikipedia. Makikita ito sa artikulong Totoong Simbahan ni Hesus.
  • Ikalawa, bilang bahagi ng kilusan sa pagsasalin ng mga bagay-bagay sa fundraiser ngayong 2010 (na imbitado pa rin kayong makilahok, at dapat lang makilahok din kayo :P), nakibahagi ako at si 23prootie sa pagsasalin doon. Namangha ako noong nakita ko na mayroon palang dalawang bersiyon sa Meta na nakasulat: isa sa Latin at isa naman sa Baybayin. Ilan sa mga pahinang nakasulat sa Baybayin ay nakalathala na sa websayt ng Pundasyon kahit kung hindi naman ito mababasa ng karaniwang tagagamit o mambabasa dito: maikakarga pa rin sila sa bersiyon sa Latin kahit kung may umiiral na bersiyon sa Baybayin.

Iniisip ko na dapat nating pag-usapan ito upang makakapaglikha na tayo ng karampatang solusyon para dito, at kung ano ang magiging kinabukasan ng Baybayin sa Tagalog Wikipedia, patay man o buhay ito sa ngayon. --Sky Harbor (usapan) 08:31, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Kung sa usapin lang ng muling pagbuhay ng alpabetong Baybayin sa Tagalog Wikipedia, ay sang-ayon ako dito. Pero syempre kailangan pa rin natin isaalang-alang ang mga bagay-bagay.
Una, natatandaan ko noong itinuro sa amin sa unang taon namin sa kolehiyo sa isang asignaturang Filipino kung paano gamitin ang alpabetong ito. Napansin ko na ang Baybayin ay walang q, e, o, f, j, z, x, c, at v, kaya sa makabagong paggamit ng Baybayin o Alibata, mas binibigyang-diin ang paggamit ng "k" kapalit ng c at q. Bukod pa, pinaliwanag sa amin na ang bawat larawan (o picture, hindi ko alam kung dapat bang tawaging alpabeto ang bawat karakter) ay kumakatawan sa isang pantig. Halimbawa, ang ba ay kinakatawanan ng isang larawan, habang ang b na mag-isa lamang ay kinakatawanan ng larawan ng ba pero meron nang variation, kung di ako nagkakamali ay nilalagyan ng simbolo ng maliit na tuldok sa espasyo bago ang simbolo nito. Kung di rin ako nagkakamali, ang "ang" at isinusulat bilang "a-nga", pero ang simbolo ng "nga" ay may tuldok, habang ang "ng" ay "na-nga" at "mga" ay "ma-nga". Bukod pa, natutuhan ko rin na may sadyang batayan para malaman kung ano ang tuldok (||) sa kuwit (,) at iba pang bantas. Kung naaalala ko pa, mayroon ding batayan para sa capitalization at pagsasa-Tagalog ng mga natural nang Ingles na salita, gaya ng mga pangalan (hal., ang Felix ay binabaybay bilang "Pe-li-ka-sa", may tuldok (yun bang central dot) bago ang "ka" at "sa".) Hanggang ngayon may kopya pa rin ako ng munting pamantayan na iyon.
Ngayon, kung ipapasok natin ang paglalagay ng Baybayin sa mga artikulo ng Tagalog Wikipedia, kailangan magkaroon tayo ng kumbaga ay "training" upang malaman ang wastong pagsasalin ng mga salitang Tagalog patungo sa Baybayin. Hindi lamang ito bastatyping job, tandaan natin na mayroon ding iniingatang dignidad at karangalan ang Wikipedia.
Pangalawa, may kaugnayan ito sa paggamit ng mga software. Dahil nga sa medyo kumplikado ang paggamit ng Baybayin, medyo mahirap para sa akin ang pag-push sa software na sundin ang batayang "kailangang gumamit ng tuldok upang makansela ang "-a" ng "ba" para maging "b" na lamang, at iba pang pamantayan sa pagsulat. Kung alam ninyo kung paano umiiral ang isang Korean keyboard, ay alam ninyo ang sinasabi ko. Natutuhan ko rin na iba-iba ang kahulugan ng simbolo sa isang karakter-larawan ng Baybayin, halimbawa, ang "ba" ay sinisimbolo ng inverted na puso. Kapag nilagyan ng tuldok bago ang "ba", ito ay magiging "b". Kapag nilagyan ng maliit na linya sa ibabaw ng "ba", ito ay nagiging "be",nagiging "bu" kapag ang linya ay nasa ibaba, nagiging "bi" kung may tuldok sa ibabaw at "bo" kung sa ilalim. Ewan ko, pero may nakikita rin kasi akong gumagamit ng Baybayin na may simbolong maliit na krus. (Gaya dito)
Ang punto ko sa pangalawa ay hindi lahat ng language support na matatagpuan sa Internet ay umaangkop sa lahat ng pagkakataon. Maaaring ang isang "support" ay may katumbas para sa titik z, ang isa naman ay wala. Nabasa ko yata na ang "z" ay itinuturing na "s". Kaya dapat ang isang support ay hindi maglalabas ng karakter kapag pinindot ang "z". O kaya naman, kapag pinindot ang "z", ang lalabas na karakter nito ay kagaya ng sa "s". Pero ang lalabas na karakter ay hindi kakatawan sa mismong letra na "s" kundi sa pantig na "sa" dapat. At napansin ko iyon sa napakaraming "support" na nilagay ko sa aking kompyuter, medyo magkakaiba sila, ang ilan ay mukhang "bagong titik".
Bilang mungkahi, minumungkahi ko na kung sakaling magtagumpay ang hangarin na ito, ay mabigyan ang lahat ng kasapi ng isang maayos na pamantayan o pagsasanay sa kung paano ba ang tamang pagsulat (pati na rin pagbasa) sa titik na ito. Kailangan din natin magkaroon ng isang "support", iyon bang magiging basis ng lahat ng "edits" na gagawin dito, para mayroon tayong iisang "alphabet", ang mapagkakasunduan ding iyon ay ang support na hahayaan nating i-pa-download para sa mga bumabasa. Meron din kasi akong nakikita na "support" na ang sinasabi ay "itong Baybayin na ito ay Doctrina Christiana, ito naman ay hango sa Pasyon ni Pilapil, ang iba ay modipikasyong Kastila, merong modernong Alibata, ang isa naman ay binagong Baybayin ni ganire at ni ganito", medyo marami kaya hindi natin alam kung ano ba ang pwede nating i-apply dito. Kung di rin ako nagkakamali, wala pang naisusulat na batas patungkol sa kung ano ang pinakatamang gamit ng Baybayin.
Kasi, kahit ako, ay nahihiwagaan din kung bakit iba ang paraang itinuro sa amin sa pamantasan, sa paraang itinuturo ng iba-ibang websayt sa internet.
Pangatlo, isa-alang-alang din natin na hindi lamang Tagalog ang miminsang gumamit ng Baybayin. Kung hindi ako nagkakamali, ginagamit ito hanggang sa ngayon ng mga Mangyan, Tagbanua at iba pang tribo sa Palawan at Mindoro na hindi pa naaabot ng alpabetong Latin, pero ang wika ay kapamilya ng sa Tagalog. Pero syempre, ibang-iba pa rin ang ginagamit sa ngayon ng mga Mangyan kumpara sa mga Tagbanua at kumpara pa sa ibang mga tribo, at kumpara pa sa Baybayin bago dumating ang mga Kastila at Baybaying min-odify nila para tanggapin ang ilang banyagang titik gaya ng "q".
Iyon lamang. Handa rin akong magbigay ng kumento at suhestyon kung magkataon.--JL 09 q?c 10:16, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Ang isa pa, hindi yata lahat ng kompyuter ay may naka-install na Baybayin support. Baka magulat sila kung ano ang mga box na lilitaw. :) --JL 09 q?c 10:19, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Kailangang isaalang-alang dito ang bilang ng mga taong gumagamit ng Baybayin sa pang-araw-araw na gawain. Kahit kung walang matibay na estadistika na maaaring sumagot sa tanong na ito, maaaring sabihin na ang nakakarami, kung hindi lahat, sa mga Pilipinong nagsasalita ng anumang diyalekto ng Tagalog, kasama ang Filipino, ay gumagamit ng alpabetong Latin. Iilan lang sa mga Pilipinong nagsasalita ng Tagalog o amumang diyalekto nito (kasama ang Filipino) ang marunong gumamit ng Baybayin, at halos ginagamit lang ito para sa mga layuning kultural (tulad ng mga tattoo) at edukasyonal (may ilang mga guro at propesor na nagtuturo ng Baybayin sa kanilang mga mag-aaral). Kung tutuusin, nagkawalang-popularidad ang Baybayin sa impluwensiya ng kolonyalismo at ang paglaganap ng alpabetong Latin sa kamay ng mga Espanyol. Mabuti man ito o hindi, ito ang realidad na ikinahaharap natin ngayon, at ito ang realidad na umiiral kahit kung gusto natin ito o hindi.
Maraming tanong ang lilitaw sa anumang debate ukol sa muling pagkabuhay sa paggamit ng Baybayin. Kasama dito ang:
  • Praktikal ba itong gamitin lalo na sa panahong maraming Pilipino ngayon ang gumagamit ng Internet? Kahit kung may mga tipo de letra (font) para sa Baybayin at may paraan kung paano ito titipahin, alam ba ito ng mga Pilipino at gagamitin ba nila ito? At kung iyan nga ang realidad, responsibilidad ba ng Wikipedia na pairalin muli ang paggamit ng Baybayin lalo na sa loob ng mga patakaran at tuntunin kung ano ang Wikipedia at kung ano hindi ito?
  • Paano ito iimplementahin? Gagamit ba tayo ng iskrito ng pagpapalit (conversion script) para makakapili ang mambabasa kung nais nilang basahin ang nilalaman ng Wikipedia sa Latin o Baybayin? Makakagawa ba tayo ng komprehensibong patakaran o panuntunan ukol sa pagsasalin ng mga salita mula Latin tungo sa Baybayin? Iyong lumang bersyon (bago idinagdag ang virama o krus na kudlit) o bago (noong idinagdag ang virama) ba ang gagamitin sa Wikipedia? Paano na ang mga hiram na salita mula sa mga wikang hindi madaling isalin tungo sa Baybayin, tulad ng Ingles o Aleman? Isasalin din ba iyon o papanatilihin silang nakasulat sa Latin?
  • Nakatutulong ba ito sa layunin ng Wikipedia na palaganapin ang kaalaman sa lahat ng tao ng mundo? May matatantiyang return on investment ba ang Pundasyong Wikimedia kapag itinuloy natin ito, lalo nang gumagamit din ng conversion script ang mga resources ng mga serbidor na nagpapatakbo sa Wikipedia? Aakalahin ba nilang talagang may tunay na pangangailangang magkaroon ng bersiyong Baybayin ang Tagalog Wikipedia, o kaya'y iisipin nila na binibigyan lang natin ang espasyo ang naisin lamang ng isang tagagamit?
  • Sa pagkukunsidera sa lahat ng tanong sa itaas, tatanggapin ba ng mga mambabasa ng Wikipedia, at lalo na ng sambayanang Pilipino, ang Baybayin bilang pangunahing paraan ng pagsusulat?
Tandaan natin na hindi layunin ng Wikipedia na maging regulador ng wika, kahit kung alam natin at nakikita natin ang kawalang-kompetensiya ng regulador ng wikang ginagamit natin, at kahit kung "ibinibigay" ng KWF ang kapangyarihang pagdesisyunan ng mga Pilipino ang direksiyon ng paghubog ng kanilang wika (na samakatuwid, hindi). Hindi ako naniniwala na kabastusan sa ating kultura ang pag-iral at pagwagi ng Latin sa Baybayin, at maaari ngang magkakaroon ng karampatang espasyo ang dalawa sa kinabukasan. Gayunpaman, hindi layunin ng Wikipedia na bigyan ng direksiyon ang kultura ng Pilipino. Nakikisakay lang tayo sa realidad ng nakararami. --Sky Harbor (usapan) 10:47, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Sa palagay ko, mukhang nauunawaan nating dalawa ang magiging problema sa kung anong uri ng script ang gagamitin kung sakaling matuloy ang proyektong ito. Kagaya ng mga nakaraang debate kung bakit dapat alisin ang ilang pariralang Baybayin dito at sa Ingles na Wikipedia (at kahit sa usapang tagagamit ni 23prootie), itinuturing ko ring isa nang "patay" na paraan ng pagsulat ang Baybayin, oo nga na may mangilan-ngilan pa ring grupo na gumagamit nito (bukod sa creative fun, ginagamit din nila ito sa pakikipagtalastasan) pero mas nakahihigit pa rin ang alpabetong Latin kesa dito. Sa palagay ko rin, hindi makakatulong ang pagsasaling-panitik ng mga artikulo dito (gaya ng paglalagay ng "Baybayin tab" sa mga artikulo tulad ng inihahalimbawa ni Jose77, dahil unang-una, bibihira pa rin ang mga taong nakakaunawa pa nito, pangalawa, hindi lahat ng computer ay may font support para sa Baybayin, at pangatlo, dahil sa hindi lahat ng mga gumagamit dito ay marunong mag-Baybayin, magiging mahirap ang pag-edit, pag-repaso o kaya ay copy-editing ng mga artikulo dito. Lalo na kung may bandalismo, hindi iyon maiiwasan. Bukod pa, kapag in-a-update ang mismong punong artikulong nakasulat sa Latin, kailangan ding isalin ang Baybayin na kabahagi nito. Sa bandang huli, sa tingin ko, masasayang lamang ang panahon natin kung gagawa ng isang sistema na kagaya ng inihalimbawa ni Jose 77.--JL 09 q?c 13:22, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
P.S. Pasensya sa medyo mahaba kong post na tumalakay sa paggamit ng Baybayin batay sa pagkakaalam ko, gusto ko lang maipakita/maipaliwanag na hindi lahat ng font support ay nauunawaan ang ganoong sistema.--JL 09 q?c 13:24, 17 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Nais ko lang pong magbahagi ng ilang mga resource website na nahanap ko sa internet tunkgkol sa Baybayin.

--Mk32 03:48, 18 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Muling nagbukas si 23prootie ng mungkahi para sa isang de-Baybayin na Tagalog Wikisource, at isang bagong mungkahi para sa de-Baybayin na Tagalog Wiktionary, sa Meta. Maaaring makita ang mga mungkahi dito at dito. Dahil hinarang si 23prootie sa pagbabago ng mga nilalaman ng Tagalog Wikipedia, at ang harang ay umiiral pa rin sa kasalukuyan, may dalawa tayong opsyon: bawiin ang pagharang sa kaniya, o kaya'y dalhin na sa Meta ang usapang ito. --Sky Harbor (usapan) 07:16, 24 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Kung babawiin natin ang paghaharang sa kanya, malaki ang tsansa na makapagbigay siya ng input patungkol sa usaping ito. Pero hindi ba, kaya siya naharang ay dahil sa paglilipat niya ng pangalan ng mga artikulo? Sang-ayon ako na dalhin ito sa meta, pero syempre kailangan natin na bigyan natin sila ng salin ng usapang ito.--JL 09 q?c 10:31, 24 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Dahil si AnakngAraw ang nagpaharang sa kaniya, dapat munang kunin ang panig niya bago kumilos ukol dito. --Sky Harbor (usapan) 12:06, 25 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Mga nakadinding mungkahi

Kasalukuyang may nakadinding mungkahi sa Meta para sa mga de-Baybayin na Wikisource, Wiktionary at Wikipedia. --Sky Harbor (usapan) 12:10, 25 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Mayroon na rin palang mungkahi para sa isang de-Baybayin na Wikiquote. Tungkol naman sa Wikisource, inilunsad ang mungkahi kahit kung may umiiral nang mungkahi para sa isang Wikisource sa karaniwang Tagalog. --Sky Harbor (usapan) 04:17, 26 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Pagbabawal sa mga anon sa paglika ng artikulo

Mahigit isang taon na ang nakakalipas (Oktubre 14, 2009) buhat nang humingi ako ng request sa Bugzilla para sa pagbabawal sa mga anon o IP sa paglikha ng mga artikulo, lalo na at mas dumarami ang mga IP na lumilikha ng bandalong artikulo kumpara sa mga artikulong may masasabing "nilalaman". Ayon sa Bugzilla, kailangan daw munang idala ang bagay na ito sa diskusyon ng Tagalog Wikipedia upang magkaroon ng pagsang-ayon ng mga taga-dito. Noong Marso 2009 (The Wandering Traveler pa ang gamit kong username noon), ay nagbukas ako ng usapan dito bilang suhestyon sa parehong usapin. Apat sa mga tagagamit (kabilang ako) na nakilahok sa naisupang usapan ang pumayag sa mungkahing ito. Susubukan ko pong i-post ang usaping iyon sa Bugzilla, kasabay ng pagtatangka ko na muling magbukas ng usapan tungkol dito. Maligayang Pasko!--JL 09 q?c 16:43, 29 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]

i.e., Gusto nilang magkaroon ng consensus sa usaping ito.--JL 09 q?c 16:49, 29 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
  • Hindi Sang-ayon mas madali kasing manghuli ng mga pangit na artikulo pag anon ang gumawa kaysa mga red link na username.--Lenticel (usapan) 01:40, 30 Nobyembre 2010 (UTC)[sumagot]
  • Sa kasalukuyan hindi ako papanig sa mga sumasang-ayon o sa mga tumututol, ngunit nakita ko na may ilang mga 'di-kilala na marunong namang umambag nang tama. Isa na dito ang artikulong Romantisismo, na nilikha ng isang 'di-kilalang IP. Kung tutuusin, ibinawi ang karapatang lumikha ng mga bagong pahina ang mga 'di-kilala sa English Wikipedia dahil sa kontrobersiya roon ukol sa mga buhay na tao, na hindi pa nating nararanasan dito sa Tagalog Wikipedia. Nararapat na suriin natin ito mabuti bago tayo magdesisyon. --Sky Harbor (usapan) 14:13, 3 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Bagong WikiProyekto

Nais ko sanang magtayo pa ulit ng isang WikiPoryekto. Sa aking mga nakikitang mga pagbabago noong mga nakaraang araw, napapansin ko na mas marami ang nagsasaayos ng mga artikulo na ukol sa Biyograpiya at Heograpiya. Ipinapaalam ko lamang ito para sa pangkalahatan. Maraming salamat po!! :) --Shirou15 13:31, 3 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Sinimulan ko na ang dalawang WikiProyekto na WikiProyekto ng Biyograpiya ay WikiProyekto para sa mga Bansa. --Shirou15 13:12, 4 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]


ano ang 8 katutubong wika sa pilipinas at mga halimbawa nito

ano ang 8 pangunahing katutubong wika sa pilipinas

Magandang umaga! Mangyaring tignan niyo na lang po sa Mga wika sa Pilipinas. Higit pa po sa walo ang mga pangunahing wika ng Pilipinas. Salamat po? --Lee Heon Jin (usapan) 6:50, 6 Hulyo 2010 (UTC)

Portal Namespace

Bkit po ang tagal dinggin ng [wikimedia.bugzilla.com|bugzilla] ang hinihiling na ispasyong Portal sa Tagalog Wikipedia. Hinihiling ko lamang na magkaroon na taya ng ispasyong Portal dahil ito na lamang ang nawawalang ispasyo (ayon sa aking napapansin). Maraming salamat po!! --Shirou15 13:31, 3 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Dahil hindi ka pa kumuha ng consensus. Sa ganitong sitwasyon, nararapat na bumoto na tayo kung papayag tayo o hindi. Sang-ayon ako dito, ngunit kailangan nating resolusyonan ang pangalan ng ngalan-espasyo. May dalawang mapagpipilian dito: Puntahan (tulad ng puntahan ng pamayanan (Community Portal)), o kaya'y Portada. --Sky Harbor (usapan) 14:05, 3 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Ang nais ko pong maidagdag sa atin ay ang Portal (tulad ng aking ginawa rito, ang Portal ng Anime at manga at isa pang ginawa na Portal ng Pilipinas), ngunit kapag pinuntahan mo ito ay artikulo ang ating makikita, sana ay magkaroon na ng ispasyong Portal dito sa lalong madaling panahon. Sang-ayon ako rito.

--Shirou15 12:38, 4 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Anong salin naman ang nais mo dito? Hintayin lang muna bago makaabot ito ng consensus. --Sky Harbor (usapan) 12:47, 4 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Portada ang pinakamagandang tagalog ng Portal. Salamat po sa pagbibigay pansin. --Shirou15 12:55, 4 Disyembre 2010 (UTC) --Tagagamit:Shirou15 User talk:Shirou15 06:50, 5 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]
Mukhang naantala na ang mungkahing ito. Hangga't wala pang consensus, hindi aarangkada ang mungkahing ito sa bugzilla. --Sky Harbor (usapan) 10:32, 20 Enero 2011 (UTC)[sumagot]
Maaari naman pong magsimula ng consensus. Sabihin na lamang po kung kayo ay Sang-ayon, Hindi Sang-ayon;
Sang-ayon, pumapayag po ako na magkaroon ng Portada sa pamayanan. --Shirou15 12:07, 20 Enero 2011 (UTC)[sumagot]

Inaanyayahan namin ang buong pamayanan ng Tagalog Wikipedia na makilahok sa paligsahang ito para sa pagpapalawig ng sakop ng mga larawan ng Wikipedia tungkol sa Lungsod ng Maynila. Maraming salamat po. --Sky Harbor (usapan) 07:29, 30 Disyembre 2010 (UTC)[sumagot]

Sino na ang nagpatala para sa pagka-iskolar sa Wikimania 2011 sa Haifa? Magpadala naman tayo ng matatag na delegasyon! Papalapit na ang deadline --Sky Harbor (usapan) 01:44, 30 Enero 2011 (UTC)[sumagot]

Congratulations

Greetings from id.wp, congratulations to tl.wp for reaching 50.000 articles. Bennylin 06:09, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]

Thanks! :) --Sky Harbor (usapan) 06:13, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]
I've resurrected en:Tagalog Wikipedia in English Wikipedia. Feel free to add more information, especially media coverage to bolster the notability. Salam. Bennylin 06:14, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]
Well, there hasn't been significant media coverage, but we hope to get some soon. Terimah kasi, Bennylin. :) --Sky Harbor (usapan) 06:16, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]
Not even the Wikipedia:Wikipedia Takes Manila above? What about Wikimedia Phillipines activity?
U'r welcome. Happy new year too. What a coincidence :) Bennylin 06:17, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]
We're waiting for the press release to be finished. The activity is not only for the Tagalog Wikipedia, but for all Wikimedia projects. Wikimedia Philippines has yet to have Tagalog Wikipedia-specific projects. --Sky Harbor (usapan) 06:30, 3 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]

Pagbati at ilang katanungan

Magandang araw po sa inyong lahat. Ipagpaumanhin ninyo kung may pagkakamali ang mensaheng ito sa istandard na padron (template) na ginagamit dito sa kapihan. Hindi pa kasi ako pamilyar sa wika ng mga pahina dito sa wikipedia.

Heniwey, noong Lunes, pumasok ako bilang editor ng WikiFilipino (fil.wikipilipinas.org) dito sa Vibal Publishing. Bilang bahagi ng paghahanda sa aking mga responsibilidad, nagsaliksik ako tungkol sa mga wiki site, at nagpatalun-talon ako sa mga pahina ng WikiFilipino.

Napansin ko na may mga artikulo doon na hinango mula dito. Gusto ko lang linawin: sakop ba ng lisensiya ng karapatang-ari ng Wikipedia ang ganitong eksportasyon ng mga artikulo, o may ginawang paglabag (teknikal man o etikal) ang mga kontributor na gumawa noon? Kung okey lang ang ganito, may tiyak na sistema ba ng eksportasyon (link, template, etc) o sapat na ang copy+paste?

Napansin ko rin na problema din dito ang nakita kong problema sa WikiFilipino: may mga artikulong masakit sa bangs ang wikang ginamit dahil 1. hindi magaling sa Filipino ang sumulat 2. gumamit lang ng google translate o 3. lasing/puyat/hindi pa sumusuweldo ang gumawa ng artikulo. Paano niyo hinaharap ang ganitong isyu dito? Tagalog ba talaga ang wika dito, o Pilipino o Filipino? Anong pamantayan ang inyong ginagamit sa paghuhusga kung tama ang salin o pagkakagamit ng salita?

Sana mabigyan ninyo ng panahon ang aking mga tanong. Lahat ng ito ay nanggagaling sa pagnanais na mapaunlad ang komunidad at kaban ng kaalaman ng mga Filipino sa internet. Salamat, at mabuhay kayong lahat Akosiyol 02:17, 4 Pebrero 2011 (UTC)akosiyol[sumagot]

Ang mga ambag at/o artikulo sa Wikipedia (at sa gayung kaso, ang pagsasaliksik o pagsusuri) ay may kaniya-kaniya ring pinanggagalingan (tignan ang kanilang mga Talasanggunian). Ang sinumang nag-aambag sa isang platapormang tulad ng Wikipedia ay dapat may makatuwirang pagkaunawa (reasonable expectation) na ang kaniyang ambag ay maaaring kopyahin. Ang Wikipedia ay isang koleksyon lamang (sa katunayan, isang paulit-ulit at paikot-ikot na koleksyon) ng mga kaalamang matatagpuan sa din naman sa iba't ibang dako ng Internet, bukod sa mga pisikal na aklat. Huwag lang kalilimutang banggitin ang mga panlabas/pisikal na pinanggalingan dahil ang mga yaon ang may karapatang-ari. -- User: Redcorreces
Kahit kung maaaring kopyahin ang nilalaman ng Wikipedia para bumuo ng bagong proyekto (ang tawag dito ay "pagsasanga", o forking sa Ingles), karaniwang pinapayuhan namin ang mga taong nais gawin ito na huwag gawin ito, dahil nakakasama sa ating lahat ang paghahati-hati ng pamayanan, lalo nang kaunti lang ang bilang ng mga taong nais talagang tumulong sa pagbuo ng isang ensiklopedya. Mas nararapat na panatilihin ang pagkakaisa ng pamayanan kaysa sa hatiin ang pamayanan. Naging sakop na rin ang WikiFilipino sa mga usapan ukol rito.
May dalawang mahalagang pagkakaiba ang WikiFilipino at ang Tagalog Wikipedia: una, wala kaming binabayarang patnugot. Walang tao dito ay sinasahuran para sa kanilang mga ambag sa Tagalog Wikipedia: lahat kami ay kusang-loob na umaambag para sa ikabubuti ng kaalaman sa Pilipinas para sa mga Pilipino na nais magbasa ng nilalaman sa Tagalog/Pilipino/Filipino. Ayon din kay Tin Mandigma, magkaiba raw ang Tagalog Wikipedia at ang WikiFilipino dahil daw "Filipino" ang gamit niyo at "Tagalog" ang gamit namin. Dito sa Tagalog Wikipedia, walang pagkakaiba ang Tagalog at ang Filipino.
Tungkol sa mga patakaran sa pagsasalin, maaari mong tingnan ang WP:SALIN at ang mga katuwang na pahina nito. Isa rin sa mga tuntunin ng Tagalog Wikipedia ay ang pagtutol sa de-makinang pagsasalin (machine translation). Kapag halatang mula sa makina ang salin, agad itong buburahin.
Sana nasagot po namin ang lahat ng iyong mga tanong, at nanaisin niyo pong umambag dito sa Tagalog Wikipedia. May ilan ding mga patnugot mula sa WikiPilipinas na umaambag dito. --Sky Harbor (usapan) 12:23, 7 Pebrero 2011 (UTC)[sumagot]
Salamat, salamat sa inyong mga tugon. Napakalaking tulong ng inyong mga kumento at ibinigay na kawing (link) sa pag-iisip ko tungkol sa wiki sites na tumatalakay sa lipunan at kulturang Filipino.
Oo nga naman, mas mainam ang lumikha ng mga bagong artikulo imbes na mag-ulit ng mga talakay na nagawa na.Sakaling hilingin sa akin o sa iba pang mga manunulat rito na gumawa ng artikulo tungkol sa isang paksang natalakay na dito, ituturing itong isa sa mga sanggunian sa halip na basta kokopyahin lamang.
Magtatanong pa ako uli, kung okey lang. At oo naman, kapag may panahon ay mag-aambag o magtatama rin ako ng mga artikulo rito.Akosiyol

Para sa kaalaman ng lahat, kasalukuyang may usapan sa Wikimedia Commons tungkol sa patakaran ng mga Wikipedia sa mga 'di-malayang talaksan. Ayon ito po sa patakaran sa pagliliseniya na ipinasa ng Pundasyong Wikimedia noong 2007 pa. 2011 na po ngayon at maraming Wikipedia pa rin ang hindi sumusunod sa patakaran, sa punto na maaari ngang magkaroon ng problema ang mga Wikipedia tulad natin sa isyu ng mga talaksang ikinarga rito sa lokal na Wikipedia.

Hinihikayat ko na po ngayon ang buong pamayanan ng Wikipediang Tagalog na makisali sa usapang ito tungkol sa nakabinbing pamantayan ng nilalamang 'di-malaya, na magiging sentro ng patakaran ng Wikipediang Tagalog tungkol sa mga talaksan (larawan, midya, atbp.) na maaaring ikarga rito ngunit hindi ito malaya. Kailangan nating magpasa ng patakaran dahil ayon sa resolusyon ng Pundasyon, kailangang burahin lahat (oo, lahat) ng mga talaksan sa Wikipedia na hindi malaya. Ibig sabihin nito, kung hindi nakalisensiya ang talaksan sa ilalim ng GFDL o Creative Commons, o kung wala ito sa dominyo publiko, kailangan namin itong burahin. Ayaw kong gawin iyan, kaya mas mabuti na lang po na makisali tayo rito upang magpasa ng isang patakarang magbibigay ng regulasyon sa ating paggamit ng 'di-malayang nilalaman.

Maraming salamat po at sana maaksiyunan na po ito. Matagal na itong nakabinbin, kaya mas mainam ngayon na bigyan na natin ito ng pansin at ipasa ito. --Sky Harbor (usapan) 10:15, 9 Marso 2011 (UTC)[sumagot]

Kailangan na nga po nating magpasa ng 'sang patakaran, tulad nang sinabi ni Tagagamit: Sky Harbor, na magbibigay regulasyon sa paggamit ng mga 'di-malayang nilalaman (larawan, midya, atbp.). Mahirap po kasi na tanggaling lahat ang mga ito sapagkat batid po nating kailangang-kailangan sila sa mga artikulo. Sa ganang sa akin, kung sakali man pong makapagpapatupad tayo ng nasabing regulasyon, mainam po na panatilihin natin, sa panig ng mga larawan, ang logo/seal ng mga institusyon, mga film at tv program posters at book/magasin/musical/video game covers. Kampfgruppe 11:47, 11 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]
Ang problema dito ay minsan walang pakialam ang mga taga-ambag sa isyung ito. Isa itong problema na hindi lang sa Pilipinas nangyayari. Gayunpaman, kailangan na talagang ipasa ito: kahit kung nais natin magpakarga ng mga larawan, kailangan hindi ito salungat sa misyon ng Wikimedia na maki-ambag sa kaalaman ng tao gamit ng nilalamang malaya, kung saan hindi kasama roon ang mga talaksang pinapahintulutang gamitin sa ilalim ng patas na gamit. Kailangan din nating tandaan na nasa Estados Unidos ang mga serbidor ng Wikipedia, at sakop pa rin tayo sa mga batas ng Estados Unidos ukol sa nilalaman ng ensiklopedyang ito. --Sky Harbor (usapan) 12:42, 23 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

Ginawa kong napapakita lamang ang sitenotice ng usaping ito sa mga nakarehistrong tagagamit lamang. Anyway, paano ba maipapasa ito dito sa Tagalog Wikipedia? --Jojit (usapan) 04:21, 31 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

Kailangan natin ng panahong magkaroon ng usapan ukol dito, tapos kailangan ng botohan (reperendum ika nga) para maipasa ito. Kasama na rin doon ang implementasyon ng patakaran. Tapos din, kailangan natin ng pahina para sa nilalamang 'di-malaya. --Sky Harbor (usapan) 06:23, 31 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

Bukol sa ilalim ng Baba

May napansin po akong bukol sa ilalim ng baba ko , di naman po sya masakit pero worried po ako. Ano po kaya ito?

Baka nais mong kumonsulta sa isang manggagamot upang matignan ang bukol sa iyong baba. -- Lee Heon Jin (usapan) 22:00, 12 Abril 2011 UTC

WikiProyekto Hapon at WikiProyekto Korea

Magandang gabi po sa inyong lahat! Matagal ko na rin pong binabalak na itatag dito sa Tagalog Wikipedia ang WikiProyekto Hapon at WikiProyekto Korea. In fact, nakakawing na po sa aking pahinang tagagamit ang Wikipedia:WikiProyekto Hapon at Wikipedia:WikiProyekto Korea. Maraming ulit ko na pong pinag-iisipan kung ano nga ba ang magandang tema sa dalawang Wikiproyekto na nais kong itatag. At dahil po sa kakulangan sa oras na may kaugnayan sa aking hectic schedule, hindi ko na rin po lubusang napag-isipan ang maganda at bagay na tema sa mga WikiProyekto na nais ko pong itatag. Ngunit kung may nagnanais pong tumulong sa akin ay isa pong malaking karangalan iyon. Sana po ay may makatulong po sa akin. Mangyari po sanang mag-iwan ng mensahe sa aking usapang tagagamit, o tumugon na lamang po sa mensaheng ito. Salamat po! -- Lee Heon Jin (usapan), 02:03, 14 Abril 2011 (UTC)[sumagot]

Multilingual Challenge

Ipinababatid ang Hamon na Pangmaramihang Wika ng Derby

Ito ang unang pakikipagtulungan na pangmaramihang wika ng Wikipedia. Maaaring makilahok ang lahat ng mga Wikipedista, sa anumang wika ng Wikipedia. Tatakbo ang hamon magmula 1 Mayo hanggang 3 Setyembre 2011.
Magpatala na ngayon!
" Talagang ikinalulugod ng Wikipedia ang makitang hinihikayat ng mga Museo ng Derby ang paglikha ng mga artikulong nasa ibang mga wika bukod pa sa Ingles." (Jimmy Wales, ika-14 ng Enero, 2011)

Announcing the Derby Multilingual Challenge

This is the first multilingual Wikipedia collaboration. All Wikipedians can take part, in any Wikipedia language. The challenge runs from 1 May until 3 September 2011.
Sign up now!
" Wikipedia is particularly pleased to see that Derby Museums are encouraging the creation of articles in languages other than English." (Jimmy Wales, 14 January 2011)

Andrew Dalby 14:13, 2 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

Translation done. Y Tapos na. - AnakngAraw 01:04, 4 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

pano ko malalaman kung buntis na ang kunehong babae??

magandang gabi po pano ko po ba malalaman kung buntis na ang babaeng kuneho ang kuneho ko po ay 6 months ngaung mayo maari na po ba itong mabuntis112.198.64.5 15:27, 21 Mayo 2011 (UTC)maraming salamat po[sumagot]

Nominasyon Para Sa Napiling Artikulo

Magandang araw po sa lahat, maari niyo po sanang pakomentuhan ang aking iniharap na artikulo sa mga Nominasyon ng mga napiling nilalaman. Maraming salamat po!!--Masahiro Naoi 10:12, 23 Mayo 2011 (UTC)[sumagot]

Mga Problema Sa Artikulo ni Hilary Duff

Nag-click lang ako ng random article at nakita ko na itong entry ni Hilary Duff: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hilary_Duff ay merong impormasyon tungkol sa isang tao na hindi si Hilary Duff. Hindi pa ako masyadong marunong sa markup kaya hindi ko gustong baguhin.... maybe someday. :) 1demerith 21:22, 3 Hunyo 2011 (UTC)[sumagot]

Salamat sa pagbigay-pansin. Inayos ko na. Hindi mismong artikulo ang may problema. May nagbago ng Suleras:POV (isang template) kaya naapektuhan lahat ng artikulong gumagamit ng template na iyon, hindi lang ang Hilary Duff. Siya nga pala, ikaw ba si Meredith Ramirez na humihingi ng pagpupulong sa mga nag-aambag ng Tagalog Wikipedia? Maligayang pagdating dito. --Jojit (usapan) 06:22, 6 Hunyo 2011 (UTC)[sumagot]
Opo, ako si Meredith. Salamat at talagang masaya ako na babalik ako sa Pilipinas sa isang linggo!1demerith 17:25, 8 Hunyo 2011 (UTC)[sumagot]

Kumusta Galing sa Manunulat ng Kasaysayan ng Wikipediang Tagalog

Kung hindi niyo po ako nakita sa Facebook, ako po ang pupunta sa Pilipinas 15 ng Hunyo hanggang 15 ng Agosto upang makipagusap sa mga Wikipedista para sa isang proyekto ng Pundasyong Wikimedia tungkol sa kasaysayan ng iba't ibang Wikipedia, na kasama ang Tagalog at iba pang mga Wikipedia sa Pilipinas. Kung gusto niyo akong kausapin o tanungin, magiwan lang kayo ng mensahe sa aking usapan.

At saka kung gusto niyo, puwede rin kayong tumulong sa Meta para magbigay ng iba't-ibang pangalan para sa mga ginagawa dito sa Wikipedia sa Tagalog. Eto yung pahina: http://meta.wikimedia.org/wiki/Research:Projects/WikiHistories_fellowship#Wikipedia_terms_around_the_globe Salamat! 1demerith 17:31, 8 Hunyo 2011 (UTC)[sumagot]

Template namespace initialisation script

Hello. Some years ago, developers used Template namespace initialisation script to move some pages from the MediaWiki to the Template namespace, and left some useless redirects.

Consequently, the following pages should be deleted :

  1. MediaWiki:Sitesupportpage
  2. MediaWiki:Gnunote

For more informations, please see this request (meta).

Thanks -- Quentinv57 20:13, 23 Hunyo 2011 (UTC)[sumagot]

Kumbensiyong Wikimedia sa Pilipinas

Mabuhay sa lahat ng mga Wikipedista! Napagdesisyunan ng Wikimedia Pilipinas na itatanghal namin ang unang Kumbensiyong Wikimedia sa Pilipinas (Philippine Wikimedia Conference). Kasalukuyang nakatakda ito para sa Pebrero 2011. Kailangan namin ng mga kusang-loob at, higit sa lahat, mga taong dadalo! Interesado ba kayong pumunta? :) --Sky Harbor (usapan) 12:35, 5 Agosto 2011 (UTC)[sumagot]

Paumanhin: dapat 2012 ang taon. :P --Sky Harbor (usapan) 11:14, 10 Agosto 2011 (UTC)[sumagot]

Call for image filter referendum

The Wikimedia Foundation, at the direction of the Board of Trustees, will be holding a vote to determine whether members of the community support the creation and usage of an opt-in personal image filter, which would allow readers to voluntarily screen particular types of images strictly for their own account.

Further details and educational materials will be available shortly. The referendum is scheduled for 12-27 August, 2011, and will be conducted on servers hosted by a neutral third party. Referendum details, officials, voting requirements, and supporting materials will be posted at Meta:Image filter referendum shortly.

Sorry for delivering you a message in English. Please help translate the pages on the referendum on Meta and join the translators mailing list.

For the coordinating committee,
Philippe (WMF)
Cbrown1023
Risker
Mardetanha
PeterSymonds
Robert Harris

Lipat Kaurian

Palipat naman po ng Kategorya:Selena awit sa Kategorya:Mga awit ni Selena. Di ko siya malipat kasi. Salamat po. --Lenticel (usapan) 05:28, 7 Setyembre 2011 (UTC)[sumagot]