Vasto
Vasto | |
---|---|
Città del Vasto | |
Parola sa Punta Penna, ang ikalawang pinakamataas sa buong Italya, at ikapito sa buong mundo | |
Mga koordinado: 42°06′42″N 14°42′30″E / 42.1118°N 14.7082°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Abruzzo |
Lalawigan | Chieti (CH) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Francesco Menna (Partito Democratico) |
Lawak | |
• Kabuuan | 71.35 km2 (27.55 milya kuwadrado) |
Taas | 138 m (453 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 41,433 |
• Kapal | 580/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
Demonym | Vastesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 66054 |
Kodigo sa pagpihit | 0873 |
Santong Patron | San Miguel |
Saint day | Setyembre 29 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Vasto (Abruzzese : lù Uàštë ; Sinaunang Griyego: Ἱστόνιον, romanisado: Histonion , Latin: Histonium) ay isang maliit na lungsod sa tabi ng dagat sa kabaligtatan ng Roma at komuna sa baybaying Adriatico ng Lalawigan ng Chieti sa katimugang Abruzzo, Italya Tinawag din ito noong Gitnang Kapanahunan bilang Guastaymonis, Vasto d'Aimone, at Waste d'Aimone.[4] Pinalitan ang pangalan ng Istonio sa ilalim ng Pasistang pamumuno, kinuha ang kasalukuyang pangalan ng Vasto noong 1944.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Klasiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa tradisyon, ang bayan ay itinatag ni Diomedes, ang Griyegong bayani. Ang pinakamaagang labing arkeolohiko ay nagsimula noong 1300 BK. Ang Histonium ay isa sa mga pangunahing bayan ng Frentani, na matatagpuan sa baybaying Adriatico, mga 9 kilometro (6 mi) timog ng promontoryo na tinatawag na Punta Penna.
Ang lungsod ay nabanggit ng lahat ng mga heograpo sa mga bayan ng Frentani at tila sa ilalim ng Julio Cesar[5] ay hindi nakakuha ng ranggo bilang isang colonia, ngunit patuloy na dinadala ang pamagat ng isang municipium, tulad ng natutuhan mula sa ilang mga inskripsiyon.[6] Sa ilalim ng Imperyong Romano, ang municipium ng Histonium ay isang yumayabong at mayaman na munisipal na bayan, at lalo itong pinatunayan ng mga umiirla na labi, na kasama ang mga palatandaan ng isang teatro, paliguan, at iba pang mga pampublikong edipisyo, bukod sa maraming mga mosaic, estatwa, at mga haligi ng granito o marmol.[7]
Mga kilalang tao mula sa Vasto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Vittorio Coccia, manlalaro ng putbol
- Luca Dirisio, mang-aawit
- Andrea Iannone, kumakarera ng motorsiklo
- Valerico Laccetti, pintor
- Filippo Palizzi, pintor
- Francesco Romani, doktor
- Giuseppe Spataro, politiko
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Vastese Isang wikang Romanse mula sa bayang ito
- Parola ng Punta Penna
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ISTAT 2011 Census data http://www.istat.it/it/files/2013/02/Dati-comunali-e-provinciali.zip?title=Superfici+delle+unit%C3%A0+amministrative+-+19%2Ffeb%2F2013+-+Dati+comunali+e+provinciali.zip
- ↑ Abruzzo - Bradt Guide, 2nd Edition, 2013, page 268
- ↑ (Mela ii. 4. § 9; Pliny the Elder iii. 12. s. 17; Ptolemy iii. 1. § 18; Lib. Colon. p. 260; August Wilhelm Zumpt, De Coloniis p. 307.
- ↑ Orell. Inscr. 2603, 4052; Zumpt, l. c..
- ↑ Romanelli, vol. iii. p. 32.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Italyano)
- Mga balita at video mula sa Vasto Italy