Pumunta sa nilalaman

Victor Hugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Victor Hugo
Kapanganakan26 Pebrero 1802[1]
  • (arrondissement of Besançon, Doubs, Bourgogne-Franche-Comté, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan22 Mayo 1885[1]
MamamayanPransiya[2]
NagtaposUniversité de Paris
Lycée Louis-le-Grand
Trabahopolitiko, mandudula, nobelista, dibuhista,[3] librettist, manunulat ng sanaysay, manunulat,[3] ilustrador, travel writer, makatà,[3] historyador sa sining, publisista, graphic artist
Pirma

Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.

Sa Pransiya, hindi lamang nakasalalay sa kanyang mga nobela ang kabantugan sa panitikan ni Hugo, subalit gayundin sa kanyang pangmakata at dramatikong mga nagawa. Karamihan sa mga tomo ng panulaan, katulad ng Les Contemplations at La Légende des siècles ang tinatangkilik ng mga manunuri ng panitikan, at minsang kinikilala si Hugo bilang pinakadakilang makatang Pranses. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang kanyang mga nobelang Les Misérables at Notre-Dame de Paris (kilala sa Ingles bilang The Hunchback of Notre Dame o "Ang Kuba ng Notre Dame").

Bagamang isang konserbatibong royalista noong kanyang kabataan, naging isang liberal si Hugo habang lumilipas ang mga dekada. Naging tagapagtangkilik siya ng republikanismo, at nagtatalakay ang kanyang mga gawa ng mga paksang pampolitika at panglipunan, pati na ng mga gawi sa sining, noong kanyang panahon.

Nakalibing ang kanyang bangkay sa loob ng Panthéon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb11907966z; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. http://kulturnav.org/46270dea-cf15-43f2-adb1-ef2626b0eb63; petsa ng paglalathala: 12 Pebrero 2016; hinango: 27 Pebrero 2016.
  3. 3.0 3.1 3.2 https://cs.isabart.org/person/15656; hinango: 1 Abril 2021.


TaoPransiyaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.