Pumunta sa nilalaman

Pamatay-patinig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Virama)

Ang pamatay-patinig (Ingles: vowel-killer) ay isang panlahat na termino para sa diyakritiko sa maraming iskrip na Abugida, kabilang ang baybayin, upang sugpuin ang likas na patinig sa isang karakter—kaya magiging mag-isa na lamang ang katinig.[1] Ang pamatay-patinig ay karaniwan ding tinatawag na virama (mula sa Sanskrit na ibig sabihi'y "pagtigil, pagwawakas, pagtatapos"), bagaman may sarili rin itong pangalan sa bawat wika, kagaya ng halant, hasant, pulli, viramamu, atbp. Ang bawat iskrip sa Unicode na gumagamit ng pamatay-patinig ay may sariling kodigong punto o code point para sa karakter na iyon.[2]

Sa nakakaraming iskrip na Brahmiko, ang virama ay isang diyakritiko na ginagamit upang kanselahin ang likas na patinig ng isang katinig, at kumatawan sa isang katinig na walang patinig. Sa tiyak na repormang Baybayin o sulat-Tagalog, tinatawag din ang pamatay-patinig bilang "Pangaltas" (mula sa pang + kaltas).[3] Halimbawa ng mga pamatay-patinig sa Baybayin,

“+” (Kurus) - mula sa ika-17 siglo

“x” (Ekis o Siniwali) - De los Santos, 2006 (NordernX)

“ ᜴” (Pamudpod) - Postma 1980~ (Surat Mangyan)

“_” (Pangaltas) - Leyson 2020 (Baybayin GLOKAL)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Definition of VIRAMA". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Typographic character units in complex scripts". World Wide Web Consortium (W3C).
  3. "Mga Uri ng Pangaltas". www.facebook.com. Nakuha noong 2024-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)