Wikang Istriyano
Istriyano | |
---|---|
Bumbaro, Vallese, Rovignese, Sissanese, Fasanese, Gallesanese | |
Rehiyon | Istria |
Mga natibong tagapagsalita | 1,000-2,000 |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | roa |
ISO 639-3 | ist |
ELP | Istriot |
Ang Istriyano (Ingles: Istriot, Italyano: Istriota) ay isang Wikang Romanse sa bandang baybayin ng tangway ng Istriya, partikular sa mga nayon ng Rovinj (Italyano: Rovigno) at Vodnjan (Italyano: Dignano), sa itaas na hilagang bahagi ng Dagat Adriatiko sa Kroasya.
Nananatili pa ring hindi malinaw ang kaurian ng naturang wika, dahil sa mga patitiyak ng wika, na kung saan mangilan-ngilan na lamang ang mga tagapagsalita nito. Natatanaw ang wika bilang:
- independiyenteng wikaing Hilagang Italyano, at hindi nabibilang maging sa pangkat ng Wikaing Benesyano ni sa Galyo-Italiko (isang pananaw na ipinabatid ng mga dalubwikang sina Tullio De Mauro at Maurizio Dardano);
- isang naiibang transisyon sa pagitan ng Hilagang Italyanong Wikaing Benesyano at ng nalipol na Wikang Dalmatiko;
- isang independiyenteng wikang ng pangkat na Italo-Dalmatiko;
- isang independiyenteng Wikang Romanse
Hindi kailan man tinawag ng mga tagagamit ng wika na "Istriot" ang naturang wika. Ayon sa nakagisnan, mayroon itong anim na pangalan kung saan ito ginagamit. Sa Vodnjan pinangalanan itong "Bumbaro", sa Bale ay "Vallese", sa Rovinj ay "Rovignese", sa Šišan ay "Sissanese", sa Fažana "Fasanese" at sa Galižana ay "Gallesanese". Ang katagang "Istriota" ay nilikha noong ika-19 siglo ng Italyanong dalubwikang si Graziadio Isaia Ascoli.
Sa kasalukuyan, mayroon na lamang higit-kumulang na 1,000 tagapagsalita na kung saan ito ngayon ay papalipol na wika.
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Istriyano | Italyano | Tagalog/Filipino |
---|---|---|
La nostra zì oûna longa cal da griebani: i spironi da Monto inda uò salvà, e 'l brasso da Vistro uò rastà scuio pei grutoni pioûn alti del mar, ca ruzaghia sta tiera viecia-stara. Da senpro i signemo pissi sensa nom, ca da sui sa prucoûra 'l bucon par guodi la veîta leîbara del cucal, pastadi dala piova da Punente a da Livante e cume i uleîi mai incalmadi. Fra ste carme zì stà la nostra salvissa, cume i riboni a sa salva dal dulfeîn fra i scagni del sico da San Damian; el nostro pan, nato gra li gruote, zi stà inbinideî cul sudur sula iera zbruventa da Paloû... e i vemo caminà par oûna longa cal da griebani, c'ancui la riesta lissada dali nostre urme. |
La nostra è una lunga strada irta di sassi:
gli speroni di Monto ci hanno salvato, ed il braccio di Vistro è rimasto scoglio per le grotte poste più in alto del mare, che erode questa antica terra. Da sempre siamo pesciolini che da soli si procurano il boccone per godere la libera vita del gabbiano, oppressi dalla pioggia di Ponente e di Levante come olivi senza innesti. Fra queste insenature è stata la nostra salvezza, come i riboni si salvano dal delfino fra le tane della secca di San Damiano; il nostro pane, nato tra le grotte, è stato benedetto col sudore nell'aia ribollente di Palù... ed abbiamo camminato per una lunga strada dissestata, che oggi rimane spianate dai nostri passi. |
Atin ang mahabang daan puno ng maraming bato:
niligtas tayo ng mga espuro ng Monte, at nanatiling bato ang braso ng Vistra sapagkat nasa bandang itaas ng dagat ang mga yungib na lumalamon sa makalumang lupaing ito. Palagi kami naging mangigisda nang nag-iisa ay masasakop ang marami upang maging masaya sa buhay na tulad ng isang ibong dagat, pinahihirapan ng kanlurang hangin at ng ulang ng Lebante tulad ng mga puno na walang paghuhugpong. Kabilang sa mga baybaying ito ay ang aming kaligtasan, tulad ng Riboni na iniligtas ng lumba-lumba sa pagitan ng mga hukay ng kababawan ng San Damiyano; ang aming tinapay, ginawa sa mga yungib, ay pinagpala pawis ng kabakuran sa pagtanim yaring Palù... at naglakad kami sa mahabang baku-bakong daan, na nanatiling nasa antas ng mga bakas ng paa namin. |