Pumunta sa nilalaman

Wiki Loves Monuments

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wiki Loves Monuments
Opisyal na logo ng Wiki Loves Monuments
Mapa ng mga bansang kalahok sa Wiki Loves Monuments 2014
GenrePotograpiya
NagsisimulaSetyembre 1
NagtatapósSetyembre 30
LokasyonBuong daigdig
Aktibong taón5
Pinasinayaan2010
Pinakahulí2014
Mga kalahokPotograpo
Inorganisa ngWikipedia community members
Website
http://wikilovesmonuments.org

Ang Wiki Loves Monuments (WLM) ay ang taunang pandaigidgang kompetisyong pampotograpiya na ginaganap sa buwan ng Setyembre at inoorganisa ng mga kasapi ng pamayanang Wikipedia sa tulong nga mga lokal na kaanib ng Wikimedia sa buong mundo. Kumukuha ng litrato ng mga lokal na makasaysayang bantayog at pamanang pook ang mga kalahok sa kani-kanilang rehiyon at ina-upload ito sa Wikimedia Commons. Layunin ng patimpalak na itampok ang mga pamanang pook ng mga kalahok na bansa at hikayatin ang mga tao na kuhanan ng litrato ang mga ito, at bigyan ito ng free license upang ito'y magamit nino man at saan man, at hindi lamang sa Wikipedia.

Unang ginanap ang Wiki Loves Monuments noong 2010 sa Netherlands bilang isang simulaing proyekto. Nang sumunod na taon, kumalat ito sa iba pang bansa sa Europa at ayon sa Guinness Book of Records, tinalo nito ang noo'y world record sa pinakamalaking paligsahang pampotograpiya.[1] Noong 2012, lumawig pa ang kompetisyon sa labas ng Europa at linahukan ng 35 bansa.[2] Noong Wiki Loves Monuments 2012, mahigit sa 350,000 litrato ng mga makasaysayang bantayog ang na-upload ng higit sa 15,000 kalahok. Noong 2013, ginanap ang Wiki Loves Monuments sa anim na kontinente, kabilang dito ang Antarctica at opisyal na linahukan ng higit sa 50 bansa sa buong mundo.

Ang sumusunod ay ang talaan ng mga nagwagi sa pandaigdigang Wiki Loves Monuments.

Taon Litrato Deskripsiyon Potograpo Bansa
2010 Vijzelstraat 31 sa Amsterdam Rudolphous Netherlands Netherlands
2011 Litrato ng Monasteryo ng Chiajna sa tag-lamig. Matatagpuan ang monasteryo sa labas ng Bucharest. Mihai Petre Romania Romania
2012 Libingan ni Safdarjung, New Delhi, India Pranav Singh India India
2013 Ang RhB Ge 4/4 II na may push–pull na tren na tumatawid sa Wiesen Viaduct sa pagitan ng Wiesen at Filisur, Switzerland. David Gubler Switzerland Switzerland
2014 Monasteryo ng Banal na Bundok, Sviatohirsk, Ukraine. Konstantin Brizhnichenko Ukraine Ukraine
2015 Parola ng Westerheversand Marco Leiter Alemanya Alemanya

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Guinness World Records, Largest photography competition, 2012.
  2. Eglash, Ruth (28 Agosto 2012). "Hundreds of cultural sites to be visually documented during "Wiki Loves Monuments event."". Jerusalem Post. Nakuha noong 15 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)