Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Buwang Asyano ng Wikipedia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tahanan MIDYA 2024 2023 2022 2021 2020 2019 2018 2016 2015
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.
Buwang Asyano ng Wikipedia

Isang proyektong multilingguwal para sa pagpapaunlad ng nilalaman sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya

Kasapi ang Wikipediang Tagalog sa Buwang Asyano ng Wikipedia (Wikipedia Asian Month), isang editaton (maraton sa pamamatnugot) sa Internet na sasapit ngayong Nobyembre 2018 na may pakay na palawakin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pamayanang Wikipedia sa Asya. Sa loob ng huling tatlong taon, mahigit 20,500 artikulo ang naiambag sa 50 wikang kalahok ng Buwang Asyano ng Wikipedia ng mahigit 2,000 patnugot.

Kasama ang 30 pang Wikipedia sa iba't-ibang wika ng mundo, layunin ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog na pagbutihin ang bilang at kalidad ng mga artikulo sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya maliban sa Pilipinas.

Bilang isang proyekto ng Pamayanang Asyano ng Wikimedia (Wikimedia Asia Community) na nais pagbutihin ang diwa ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga pamayanang Wikimedia sa Asya, makatatanggap ang bawa't kasapi na lumikha ng apat (4) na artikulong umaayon sa tuntunin ng proyekto ng isang natatanging tarhetang postal (postcard) mula sa ibang bansang kasapi. Hihirangin din ang mga nagsulat ng pinakamaraming artikulo sa takbo ng proyekto bilang mga "Embahador ng Wikipedia sa Asya" (Asian Wikipedia Ambassador).

Tuntunin

Upang maging kuwalipikado ang isang artikulo para sa Buwang Asyano ng Wikipedia, dapat umaayon ito sa mga sumusunod na tuntunin:

  • Dapat bagong likha ang artikulo (hindi pagpapalawak ng isang umiiral na usbong, likha mo man o hindi), at inilikha ito makalipas ng 0:00 UTC (8:00 n.u. PST) ng 1 Nobyembre 2018 pero bago sumapit ang 23:59 UTC ng 30 Nobyembre (7:59 n.u. PST ng 1 Disyembre) 2018
  • Dapat may laki ito na hindi bababa sa 3,000 byte at may haba na hindi bababa sa 300 salita
  • Dapat umaayon ang artikulo sa patakaran sa katanyagan (kasalukuyang ginagamit dito ang patakaran sa Wikipediang Ingles)
  • Dapat mabuti ang pananangguni ng artikulo. Kung may mga pangungusap sa artikulo na kontrobersiyal o kaduda-duda, dapat mapatunayan ito ng mga sangguniang ginamit.
  • Dapat hindi isinalin ang artikulo gamit ang de-makinang pagsasalin (machine translation) at kaakit-akit ang estilo ng panunulat nito
  • Dapat walang problema (walang mga tag na nagbabala sa mga tagagamit na may kailangang ayusin) ang artikulo
  • Dapat hindi tala (list) o talaan (table) ang artikulo
  • Dapat nakakapagpaturo (informative) ang artikulo
  • Dapat may kinalaman ang artikulo (pampolitika, pangkultura, heograpikal, atbp.) sa anumang bansa, rehiyon o teritoryo sa Asya maliban sa Pilipinas.

Tandaan na sa katapusan ng proyekto, magpapasya ang mga hurado mula sa Wikipediang Tagalog kung katanggap-tanggap ba ang artikulo sa ilalim ng mga tuntuning ito o hindi.

Organisasyon

Kung nais niyong tumulong sa pag-oorganisa ng Buwang Asyano, mangyari pong mag-iwan ng mensahe sa pahinang usapan.

Dating edisyon

Mga hurado

Bukas ngayon ang proyekto para sa mga nais maging hurado. Mangyari pong makipag-ugnayan kay Sky Harbor, na nagsisilbing pangunahing organisador ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog. Maari pang magbago ang tala ng mga hurado bago magsimula ang proyekto.

Mga kasapi

  • Mangyaring magsumite ng inyong mga artikulo gamit ang kagamitang ito. I-klik ang 'lumagda' sa kanang itaas at bahala na ang OAuth sa paglalagda. Maaari mo ring palitan ang wika ng interface sa kanang itaas.
  • Kapag nagsumite ka ng artikulo, magdadagdag ng padron ang kagamitan sa artikulo at mamarkahan nito bilang nangangailangan ng repaso ng isang organisador. Maaari mong gamitin ang kagamitan upang tingnan ang mga artikulong naipaunlad mo, na kasama rin ang bilang ng mga artikulong tinanggap para sa paligsahan.
  • Makatatanggap ang mga kalahok na may hindi bababa sa apat (4) na artikulong tanggap ng isang tarhetang postal mula sa Buwang Asyano ng Wikipedia. Ang Wikipedistang may pinakamataas na bilang ng mga artikulong tinanggap sa Wikipediang Tagalog ang siyang itatanghal bilang "Embahador ng Wikipedia sa Asya", at makatatanggap siya ng nilagdaang sertipiko at isa pang tarhetang postal.
  • Kung nakakaranas ka ng problema sa paggamit o sa pagpunta sa kagamitan, maaari mong isumite ang iyong mga artikulo sa pahinang ito sa tabi ng iyong ngalan ng tagagamit.
  • Kung mayroon kang katanungan, maaari mong tingnan ang aming Q&A (sa Ingles) o magtanong sa pahinang usapan ng Buwang Asyano ng Wikipedia.

Mga kasaping proyekto

Mga Wikipedia

Mga sangay at grupo ng tagagamit