Wikipedia:Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia/2023
Tahanan | MIDYA | 2023 | 2022 | 2021 | 2020 | 2019 | 2018 | 2016 | 2015 |
Ang Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia ay isang taunang patimpalak sa Wikipedia na nakatuon sa pagsulong ng mga nilalamang pang-Asya sa iba't ibang mga wikang edisyon ng Wikipedia. Bawat kalahok na pamayanan ay magpapatakbo ng isang buwang online na edit-a-thon tuwing Nobyembre sa kani-kanilang wika ng Wikipedia upang makalikha ng bagong nilalaman o mapabuti ang mga mayroon nang mga artikulo tungkol sa mga paksa na may kaugnayan sa Asya maliban sa kanilang sariling bansa. Hindi limitado sa mga pamayanang Wikipedia sa Asya ang pagsali sa patimpalak.
Nagsimula ang unang edisyon ng paligsahan na ito noong 2015 at bawat taon, tumaas ang mga bilang ng mga artikulo at lumawak at naging sari-sari ang mga kalahok. Sa nakaraang walong taon, mahigit sa 49,782 na artikulong may mataas na kalidad ang nadagdag sa higit na 64 wikang edisyon ng Wikipedia na ginawa ng higit sa 4,300 patnugot ng Wikipedia.
Bilang bahagi ng pagkakaibigan at palitang pangkalinangan ng Asyanong Pamayanan sa Wikipedia, ang mga kalahok na lilikha ng hindi bababa sa apat na mga artikulo ay makakatanggap ng isang natatanging Postkard ng Wikipedia mula sa iba pang kalahok na pamayanan.
Humanda at masopresa! Hindi mo malalaman kung sinong pamayanang Wiki ang magpapadala sa iyo ng mga postkard (sa anyong digital barnstar)! Tatanghalin ang sinumang Wikipedista na makakalikha ng pinakamaraming mga artikulo sa bawat edisyon ng Wikipedia bilang "Asyanong Embahador ng Wikipedia."
Magpatala na Isumite ang kontribusyon
Kung nagkaroon ka ng problema sa pag-sumite mo, maari mo i-sumite ang lahok mo sa pahinang ito.
Ika-20 anibersayo ng Wikipediang Tagalog
Sa Disyembre 1, 2023 ang ika-20 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog at ang pagtatapos ng patimpalak na ito ang magsisilbing pagdiriwang na aktibidad at pasasalamat na rin sa lahat ng mga boluntaryo na nag-ambag sa proyektong ito sa nakalipas na dalawang dekada. Umaasa ang pamayanang Wikipediang Tagalog na ang patimpalak na ito ay humimok ng marami pang boluntaryo na magsulat at mapabuti pa ang proyektong ito upang makinabang ang publiko lalo na ang mga tagapagsalita ng wikang Tagalog.
Mga patakaran
Buod: Lumikha ng mga bagong artikulo na may kaugnayan sa Asya (tao, lugar, kalinangan, atbp.), hindi bababa sa 3,000 mga karakter o byte at 300 mga salita, na may mga sanggunian, sa buong Nobyembre 2023. Hindi pasado ang mga tala. Ikukunsidera din ang pagpapabuti ng mga artikulong may kaugnayan sa Asya.
- Kung bagong artikulo, nilikha ang ito sa pagitan ng Nobyembre 1, 2023 0:00 at Nobyembre 30, 2023 23:59 (UTC). (Araw at oras sa Pilipinas: Nobyembre 1, 2023 8:00 hanggang Disyembre 1, 2023 7:59.)
- Hindi bababa ang haba ng artikulo sa 3,000 mga byte o karakter at hindi rin bababa sa 300 mga salita. (hindi kasama ang Infobox, template o padron atbp.)
- Hindi bababa ang haba ng artikulo sa 3,000 mga byte o karakter at hindi rin bababa sa 300 mga salita. (hindi kasama ang Infobox, template o padron atbp.)
- Kailangang mayroong notabilidad (mahalaga o kapansin-pansin) ang artikulo batay sa mga sanggunian.
- Kailangang mapagkakatiwalaan ang mga sanggunian; kailangang mapatunayan ng sangguniang nakatala ang napagdudahan o kontrobersyal na mga pahayag.
- Hindi dapat naisalin ang artikulo ng isang computer program at maayos ang balarila nito.
- Dapat walang malaking isyu ang artikulo (walang paglabag sa karapatang-ari, pinagduduhan ang notabilidad, atbp.)
- Hindi dapat tala ang artikulo.
- Kailangang nagbibigay kaalaman ang artikulo.
- Kailangang ang artikulo ay tungkol sa kahit anong paksa na may kaugnayan sa isang bansa sa Asya.
- Itse-tsek ng ibang tagapag-organisa ang mga artikulong nilikha ng isang tagapag-organisa.
- Ang hurado mula sa kani-kanilang wikang edisyon ng Wikipedia ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang isang lahok na artikulo mula sa kanilang lokal na wikang edisyon ng Wikipedia.
- Kapag nakalikha ang isang kalahok ng apat (4) na artikulo na naisagawa ang mga patakaran ng patimpalak na ito, makakatanggap ang kalahok ng isang digital barnstar o tropeong-bituin (Tala ng mga kuwalipikadong kalahok) mula sa isang pamayanang Wikipedia sa Asya.
- Tatanggap ang Asyanong Embahador ng Wikipedia ng isang pirmadong sertipiko mula sa mga Apiliyadong Asyano, at isang karagdagang postkard. Tingnan ang Q&A sa Meta para karagdagang impormasyon.
- Ang Wikipediang Tagalog ay puno ng mga usbong o stub. Hindi tulad sa pangkalahatang patakaran ng internasyunal na pangkat na nagsulong ng patimpalak na ito, ikukunsidera ng tagapag-organisa ng patimpalak na ito sa Wikipediang Tagalog ang pagpapabuti ng mga artikulong tungkol sa Asya na usbong o kahit hindi usbong ngunit kulang sa sanggunian at hindi mataas ang kalidad. Dapat napalawig ito sa pagitan ng Nobyembre 1, 2023 0:00 at Nobyembre 30, 2023 23:59 (UTC). Maaring ilagay sa Fountain tool ang lahok na pinalawig o pinagbuti subalit kung nagkaproblema ka sa Fountain tool, maari mong ilista ang iyong lahok na artikulo dito: Wikipedia:Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia/2023/Mga lahok.
- Taliwas din sa pangkalahatang patakaran, ikukunsidera ang mga artikulong nilikha na may kaugnayan sa Pilipinas dahil mahirap malaman kung ang patnugot ay mamamayang Pilipino. Karagdagan pa nito, nais ng tagapag-organisa na gawing malaya at madali sa tagapag-ambag na isulong ang mga nilalamang pang-Asya dahil karamihan sa kanila ay alam at interesado sa mga paksang may kaugnayan sa Pilipinas.
Magpatala
Maari kang magpatala sa kahit anong oras sa buwan ng Nobyembre 2022.
Isumite ang mga lahok na artikulo
Lumikha o nagpabuti ka ba ng artikulo sa Wikipediang Tagalog para sa Buwan na Pang-Asya? Isumite ang inyong mga kontribusyon sa pamamagitan ng Fountain tool.
Kung nahihirapan kang magadala sa pamamagitan ng Fountain, pakiulat ang iyong problema sa pahinang usapan ng patimpalak na ito at subukan muli sa ibang pagkakataon. Kung mayroong problema pa rin pagkatapos gawin ito, maari mo siyang itala dito.
Mga tagapag-organisa
Mga nakaraang edisyon
Mga kapaki-pakinabang na link
Mga Apilyado
- Wikimedia User Group China
- Wikimedia Taiwan
- Wikimedia India
- Wikimedia Indonesia
- Wikimedians in Kansai
- Hablon User Group
- Wikimedia Community User Group Hong Kong
- Wikimedia Bangladesh
- Wikimedians of Nepal
- Wikimedia Community User Group Sri Lanka
- Punjabi Wikimedians User Group
- Philippine Wikimedia Community User Group
- Wikimedians of Korea User Group
- Iranian Wikimedians User Group
- Wikimedians of the Levant User Group
- Azerbaijani Wikimedians User Group
- Wikimedians in Thailand
- Wikimedia Community User Group Malaysia
- Vietnam Wikimedians User Group
- West Bengal Wikimedians
- Wikipedia Asian Month User Group