Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Buwang Asyano ng Wikipedia 2015

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tahanan MIDYA 2024 2023 2022 2021 2020 2019 2018 2016 2015
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.
Buwang Asyano ng Wikipedia

Isang proyektong multilingguwal para sa pagpapaunlad ng nilalaman sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya

Kasapi ang Wikipediang Tagalog sa Buwang Asyano ng Wikipedia (Wikipedia Asian Month), isang editaton (maraton sa pamamatnugot) sa Internet na sasapit ngayong Nobyembre 2015. Pakay ng proyekto na palawakin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pamayanang Wikipedia sa Asya.

Kasama ang 30 pang Wikipedia sa iba't-ibang wika ng mundo, layunin ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog na pagbutihin ang bilang at kalidad ng mga artikulo sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya maliban sa Pilipinas.

Bilang isang proyekto ng Pamayanang Asyano ng Wikimedia (Wikimedia Asia Community) na nais pagbutihin ang diwa ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga pamayanang Wikimedia sa Asya, makatatanggap ang bawa't kasapi na lumikha ng limang artikulong umaayon sa tuntunin ng proyekto ng isang natatanging tarhetang postal (postcard) mula sa ibang bansang kasapi. Hihirangin din ang mga nagsulat ng pinakamaraming artikulo sa takbo ng proyekto bilang mga "Embahador ng Wikipedia sa Asya" (Asian Wikipedia Ambassador).

Tuntunin

Upang maging kuwalipikado ang isang artikulo para sa Buwang Asyano ng Wikipedia, dapat umaayon ito sa mga sumusunod na tuntunin:

  • Dapat bagong likha ang artikulo (hindi pagpapalawak ng isang umiiral na usbong, likha mo man o hindi), at inilikha ito makalipas ng 0:00 UTC (8:00 n.u. PST) ng 1 Nobyembre 2015 pero bago sumapit ang 23:59 UTC ng 30 Nobyembre (7:59 n.u. PST ng 1 Disyembre) 2015
  • Dapat may laki ito na hindi bababa sa 3,500 byte at may haba na hindi bababa sa 300 salita
  • Dapat umaayon ang artikulo sa patakaran sa katanyagan (kasalukuyang ginagamit dito ang patakaran sa Wikipediang Ingles)
  • Dapat mabuti ang pananangguni ng artikulo. Kung may mga pangungusap sa artikulo na kontrobersiyal o kaduda-duda, dapat mapatunayan ito ng mga sangguniang ginamit.
  • Dapat hindi isinalin ang artikulo gamit ang de-makinang pagsasalin (machine translation) at kaakit-akit ang estilo ng panunulat nito
  • Dapat walang problema (walang mga tag na nagbabala sa mga tagagamit na may kailangang ayusin) ang artikulo
  • Dapat hindi tala (list) o talaan (table) ang artikulo
  • Dapat nakakapagpaturo (informative) ang artikulo
  • Dapat may kinalaman ang artikulo (pampolitika, pangkultura, heograpikal, atbp.) sa anumang bansa, rehiyon o teritoryo sa Asya maliban sa Pilipinas.

Tandaan na sa katapusan ng proyekto, magpapasya ang mga hurado mula sa Wikipediang Tagalog kung katanggap-tanggap ba ang artikulo sa ilalim ng mga tuntuning ito o hindi.

Organisasyon

Inoorganisa ang Buwang Asyano ng Wikipedia sa Wikipediang Tagalog ng Wikimedia Pilipinas, ang opisyal na sangay ng Pundasyong Wikimedia sa Pilipinas at sa mga pamayanang Pilipino sa ibayong dagat. Kung nais niyong tumulong sa pag-oorganisa ng Buwang Asyano, mangyari pong mag-iwan ng mensahe sa pahinang usapan.

Mga hurado

Magsisilbi bilang hurado para sa Buwang Asyano ng Wikipedia sa Wikipediang Tagalog sina Sky Harbor, Jojit fb, Titopao at Bluemask. Maaari pa itong magbago bago magsimula ang proyekto.

Mga kasapi

Mga kasaping proyekto

Mga Wikipedia

Mga sangay at grupo ng tagagamit