Wikipedia:Buwang Asyano ng Wikipedia 2016
Tahanan | MIDYA | 2024 | 2023 | 2022 | 2021 | 2020 | 2019 | 2018 | 2016 | 2015 |
Kasapi ang Wikipediang Tagalog sa Buwang Asyano ng Wikipedia (Wikipedia Asian Month), isang editaton (maraton sa pamamatnugot) sa Internet na sasapit ngayong Nobyembre 2016 na may pakay na palawakin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pamayanang Wikipedia sa Asya. Noong nakaraang taon, mahigit 7,000 artikulo ang naiambag sa 43 wikang kalahok ng Buwang Asyano ng Wikipedia.
Kasama ang 30 pang Wikipedia sa iba't-ibang wika ng mundo, layunin ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog na pagbutihin ang bilang at kalidad ng mga artikulo sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya maliban sa Pilipinas.
Bilang isang proyekto ng Pamayanang Asyano ng Wikimedia (Wikimedia Asia Community) na nais pagbutihin ang diwa ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga pamayanang Wikimedia sa Asya, makatatanggap ang bawa't kasapi na lumikha ng apat (4) na artikulong umaayon sa tuntunin ng proyekto ng isang natatanging tarhetang postal (postcard) mula sa ibang bansang kasapi. Hihirangin din ang mga nagsulat ng pinakamaraming artikulo sa takbo ng proyekto bilang mga "Embahador ng Wikipedia sa Asya" (Asian Wikipedia Ambassador).
Tuntunin
Upang maging kuwalipikado ang isang artikulo para sa Buwang Asyano ng Wikipedia, dapat umaayon ito sa mga sumusunod na tuntunin:
- Dapat bagong likha ang artikulo (hindi pagpapalawak ng isang umiiral na usbong, likha mo man o hindi), at inilikha ito makalipas ng 0:00 UTC (8:00 n.u. PST) ng 1 Nobyembre 2016 pero bago sumapit ang 23:59 UTC ng 30 Nobyembre (7:59 n.u. PST ng 1 Disyembre) 2016
- Dapat may laki ito na hindi bababa sa 3,500 byte at may haba na hindi bababa sa 300 salita
- Dapat umaayon ang artikulo sa patakaran sa katanyagan (kasalukuyang ginagamit dito ang patakaran sa Wikipediang Ingles)
- Dapat mabuti ang pananangguni ng artikulo. Kung may mga pangungusap sa artikulo na kontrobersiyal o kaduda-duda, dapat mapatunayan ito ng mga sangguniang ginamit.
- Dapat hindi isinalin ang artikulo gamit ang de-makinang pagsasalin (machine translation) at kaakit-akit ang estilo ng panunulat nito
- Dapat walang problema (walang mga tag na nagbabala sa mga tagagamit na may kailangang ayusin) ang artikulo
- Dapat hindi tala (list) o talaan (table) ang artikulo
- Dapat nakakapagpaturo (informative) ang artikulo
- Dapat may kinalaman ang artikulo (pampolitika, pangkultura, heograpikal, atbp.) sa anumang bansa, rehiyon o teritoryo sa Asya maliban sa Pilipinas.
Tandaan na sa katapusan ng proyekto, magpapasya ang mga hurado mula sa Wikipediang Tagalog kung katanggap-tanggap ba ang artikulo sa ilalim ng mga tuntuning ito o hindi.
Organisasyon
Inoorganisa ang Buwang Asyano ng Wikipedia sa Wikipediang Tagalog ng Wikimedia Pilipinas, ang opisyal na sangay ng Pundasyong Wikimedia sa Pilipinas at sa mga pamayanang Pilipino sa ibayong dagat. Kung nais niyong tumulong sa pag-oorganisa ng Buwang Asyano, mangyari pong mag-iwan ng mensahe sa pahinang usapan.
Dating edisyon
Mga hurado
Magsisilbi bilang hurado para sa Buwang Asyano ng Wikipedia sa Wikipediang Tagalog sina Sky Harbor, Jojit fb, Titopao at Bluemask. Maaari pa itong magbago bago magsimula ang proyekto.
Mga kasapi
- Please submit your articles via this tool. Click 'log in' at the top-right and OAuth will take care the rest. You can also change the interface language at the top-right.
- Once you submit an article, the tool will add a template to the article and mark it as needing review by an organizer. You can check your progress using the tool, which includes how many accepted articles you have.
- Participants who achieve 4 accepted articles will receive a Wikipedia Asian Month postcard. You will receive another special postcard if you achieve 15 accepted articles. The Wikipedian with the highest number of accepted articles on the Tagalog Wikipedia will be honored as a "Wikipedia Asian Ambassador", and will receive a signed certificate and additional postcard.
- If you have any problems accessing or using the tool, you can submit your articles at this page next to your username.
- If you have any question, you can take a look at our Q&A or post on the WAM talk page.
Mga kasapi
[baguhin ang wikitext]Mga kasaping proyekto
Mga Wikipedia
- Wikipediang Asames
- Wikipediang Aserbayano
- Wikipediang Avar
- Wikipediang Bashkir
- Wikipediang Bengali
- Wikipediang Bikol Rinconada
- Wikipediang Bikol Sentral
- Wikipediang Biyetnames
- Wikipediang Bulgaro
- Wikipediang Ebreo
- Wikipediang Espanyol
- Wikipediang Esperanto
- Wikipediang Gujarati
- Wikipediang Hapones
- Wikipediang Indonesyo
- Wikipediang Ingles
- Wikipediang Kannada
- Wikipediang Koreano
- Wikipediang Ladino (Hudyo-Espanyol)
- Wikipediang Maithili
- Wikipediang Malayalam
- Wikipediang Persa
- Wikipediang Punjabi
- Wikipediang Ruso
- Wikipediang Sakha
- Wikipediang Sanskrito
- Wikipediang Sindhi
- Wikipediang Singgales (Sinhala)
- Wikipediang Tagalog
- Wikipediang Tamil
- Wikipediang Taylandes (Thai)
- Wikipediang Tsino
- Wikipediang Ukranyano
- Wikipediang Urdu
- Wikipediang Uzbek
Mga sangay at grupo ng tagagamit