Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 28
Itsura
- Nailunsad ang Sinah-1, ang unang satelayt ng Iran na ginawa kasama ang Rusya, mula sa Plesetsk Cosmodrome sa Murmansk Oblast sa hilagang-kanlurang Rusya sa ganap na 22:52 Huwebes sa lokal na oras (18:52 UTC). (Iran-daily.com)
- Ipinahintulot ni Pangulong Fidel Castro ng Cuba ang tatlong opisyal mula sa United States Agency for International Development sa bansa upang tulungan ang mga nasalanta ng Unos na Wilma. Kadalasang hindi pinapayagan ng komunistang bansa ang mga tulong galing sa Estados Unidos yamang mayroong mga trade embargo o pagbabawal sa pangangalakal mula Estados Unidos sa mahigit sa 40 taon. (Yahoo! via AP)
- Hinatulan ng parusang kamatayan ang isang taga-Indonesia at dalawang kasapi ng Abu Sayyaf dahil sa pagbobomba ng bus noong 14 Pebrero 2005, Araw ng mga Puso. philstar