Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Mayo 30
Itsura
- Ayon sa isang senior official sa White House. napipisil hirangin ni Pangulong George W. Bush si Robert Zoellick (nasa larawan) bilang bagong pangulo ng World Bank. Papalitan niya si Paul Wolfowitz na nagbitiw kamakailan makaraan itong masangkot sa isang eskandalo.
- Nagbabala ang milantanteng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na sila'y magsasagawa ng malawakang kilos-protesta kapag itinuloy ng Komisyon sa Halalan o Comelec ang pagbibilang sa kontrobersiyal ng "certificate of canvass" ng Maguindanao, kung saan nakakuha ang Team Unity (ang koalisyon ng administrasyong Arroyo) nang 12-0 na pagkapanalo laban sa oposisyon. Pinaghihinalaang walang halalang naganap sa naturang lalawigan.
- Tinanggihan ng Kataas-taasang Hukuman ng Malaysia ang petisyon ni Azlina Jailani, isang dating Muslim na sumapi sa relihiyong Kristiyanismo, na tanggalin ang salitang Islam sa kanyang identity card. Bagama't kinikilala ng Saligang Batas ng Malaysia ang kalayaan sa pagsamba, sinasaad din dito na ang lahat ng etnikong Malay ay mga Muslim.
- Ang mga ministrong panlabas ng mga bansang kabilang sa walong pinaka-industriyalisadong mga bansa sa daigdig o G-8 ang magkikita-kita ngayon sa Alemanya bago ang nakatakdang pagpupulong sa susunod na linggo. Pagpupulungan nila ang iba't-ibang paksa sa daigdig kabilang ang pagbabago sa klima, mga kaguluhan sa Iraq, ang kontroberyal na programang nukleyar ng Iran at ang mga krisis sa Darfur, Afghanistan at Kosovo.