Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Hulyo 1
Itsura
- Binigyan ng Organization of American States ang Honduras ng tatlong araw upang maibalik ang pinatalsik na pangulong si Manuel Zelaya. (The New York Times)
- Kinumpirma ng mga opisyal sa Comoros na may isang pasahero mula sa Yemenia Flight 626, isang 14-taong gulang na batang babae, ang natagpuan buhay. (BBC)
- Nagpalabas ang Met Office ng isang level-3 heatwave alert sa buong London at sa Timog Silangan ng England sa unang pagkakataon mula noong Hunyo 2006. (BBC)
- Ipinaalam ni Taoiseach Brian Cowen sa Dáil Éireann na ang Ireland ay may 11.9% kawalan ng trabaho, at ang paglago noong Hunyo ay ang pinakamababang rata ng pagtaas mula Enero. (RTÉ)
- Tatlong tauhan ng British Embassy sa Tehran, Iran, ay inilabas matapos nadetine para sa diumano'y papel sa mga protesta pagkatapos ng halalan. (BBC)
- Positibong kinilala ang mga labi ni Jane Deasy sa mga labing nabawi mula sa Air France Flight 447. (RTÉ)
- Hanggang 30 katao ang pinangangambahang namatay matapos tumaob at lumubog ang MV Demas Victory sa maalon na laot ng Persian Gulf malapit sa kabisera ng Qatar na Doha. (Sky News)
- Ang ASTER Global Digital Elevation Model, ang pinakakomprehensibong digital elevation model ng ibabaw ng Daigdig, ay inilabas.
- Ipinahayag ni Ivo Sanader ang kanyang pagbibitiw bilang Punong Ministro ng Croatia at pag-urong nito sa mga aktibong politika. (BBC)
- Ipinahayag ng Pamahalaan ng Ireland na napuksa na ang brucellosis sa bansa. (RTÉ) (The Irish Times)
- Ang TerreStar-1, ang pinakamalaking pangkalakalan (commercial) na satelayt pangtelekumunikasyon na binuo, ay inilunsad mula sa Guiana Space Centre. (Spaceflightnow.com)
- Si Fredrik Reinfeldt, Punong Ministro ng Sweden, ang naging Pangulo ng Konseho ng Europa. (Reuters)