Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Hunyo 3
Itsura
- Pinawalang bisa na ng Organization of American States ang 47-taong pagsususpinde nito sa Cuba. (Reuters)
- Ipinagpaliban ng State Examinations Commission ng Ireland ang isang Leaving Certificate Exam dahil sa isang aksidenteng paglabas ng nilalaman. (The Irish Times) (RTÉ)
- Nagpakalat ang mga kasapi ng Labour Party ng Parlamento ng United Kingdom ng isang e-mail na humihiling sa pagbibitiw ni Punong Ministro Gordon Brown. (Sky News)
- Umabot ang sasayang malayurang pinapaandar na Nereus sa Challenger Deep sa Mariana Trench ng Karagatang Pasipiko. (BBC)
- Ang Kasaping Indiyan ng Parlamento na si Meira Kumar ang naging unang babae na Speaker of the House of the People. (Al Jazeera)
- Pinuna ni Osama bin Laden, ang tagapagtatag ng Al-Qaeda, si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa isang audio cassette. (The Times)(BBC)
- Nangako si Pangulong Jacob Zuma na lilikha ng 500,000 na trabaho sa loob ng 2009 sa State of the Nation Address ng South Africa. (BBC) (Forbes)
- Nadakip muli ng pamahalaan ng Nigeria ang 130 sa 150 bilango na nakatakas mula sa isang bilangguan sa Enugu. (BBC)
- Hinatulan in absentia si Marc Ravalomanana, ang dating pangulo Madagascar, ng pagkakapiit hanggang 2013 para sa misconduct (hindi pagtupad nang naaayon sa takda ng tungkulin). (BBC)
- Nanalo ang Amerikanong manunulat na si Marilynne Robinson ng Orange Prize for Fiction para sa kanyang mga nobelang Home . (BBC)
- Ginawang legal ng New Hampshire, isang estado ng Estados Unidos, ang same-sex marriage. (Boston Globe)
- Binitay ng isang al-Qaeda Organization sa Islamic Maghreb ang Britong bihag na si Edwin Dwyer sa Sahara. (Sky News)