Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 11
Itsura
- Republikang Popular ng Tsina nagsagawa ng pagsusuri ng kontra balistik na misayl. (Sina News)(Yahoo News)
- Anim na internasyunal na mga sundalo namatay sa Apganistan. (Washington Post)(BBC)(AP by MB)
- Mahigit apatnapung katao kasama ang ilang sundalo at pulis nahuli sa paglabag sa pagbabawal ng baril alinsunod sa batas ng halalan sa Pilipinas. (ABS-CBN News)(GMA News TV)(Mysinchew.com)
- Hilagang Korea nagmungkahi ng kasunduang pangkapayapaan na papalit sa armistisyo ng Digmaang Korea. (Yonhap)(AFP)(The Guardian)
- Libo-libong tagasuporta ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra nagtipon sa labas ng bahay ng tagapayon na may kaugnayan umano sa kudeta noong 2006 na nagpatalsik sa Punong Ministro. (Thai News Agency)(AFP)(Reuters)(Canadian Press by AP)
- Lalaking nahuli kaugnay ng pagtatapon ng ilang bote ng asido mula sa isang gusali noong Sabado hindi umano tamang suspek. (ABC News)(AFP)(The Age)
- Dalawang suspek sa pag-atake sa bus na sinasakyan ng pambansang koponan ng Togo sa larong putbol na patungong African Nations Cup nahuli na sa Angola. (AFP)(Reuters)
- Mga natuklasang puntod malapit sa dakilang tagilo ng Ehipto sinusugan ang teoryang ito ay ginawa ng mga malayang manggagawa at hindi ng mga alipin. (BBC)(ABC News)(The Daily Inquirer)