Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 15
Itsura
- Dekano ng Kolehiyo ng Batas ng Unibersidad ng Pilipinas na si Marvic Leonen nahirang tagapamuno ng lupon ng kinatawan ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa mga MILF. (GMA News) (AFP via Google) (Philippine Daily Inquirer) Mindanao Examiner)
- Malaysia nagpadala nang mga sundalo sa Apganistan sa unang pagkakataon, kung saan ang mga mediko ay makakasama ng mga taga-Bagong Selanda. (Radio Australia News) (AP via Google)
- Bilang ng namatay sa Pilipinas dahil sa Bagyong Basyang (Pandaigdigang pangalan: Conson) umabot na sa mahigit dalawampung katao. (Manila Bulletin)
- Utang ng pamahalaan ng Indonesya sa Awstralya na nagkakahalaga ng 66.06 dolyar ililipat na lang bilang pantulong sa programa laban sa TB. (Alert Net) (Jakarta Post) (Tempo Interactive)
- Mahigit 40,000 katao nilisan ang kanilang mga bahay samantalang nasusunog ang buong nayon sa Demokratikong Republika ng Konggo. (BBC)
- Hindi bababa sa anim na katao ang patay at labingpito pa ang sugatan sa pagsabog ng isang bomba sa kotse sa Tikrit. (Aljazeera)
- Pangulong Felipe Calderón ng Mehiko pinalitan na ang kanyang ministrong panloob na si Fernando Gomez Mont, matapos ang isang linggong espekulasyon. (BBC)
- Daan-daang mga Ruso ang namatay, kung saan 233 dito ang nalunod habang naglalangoy matapos makainom ng maraming alak, sa kasagsagan ng kainitan sa bansa. (BBC)