Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 29
Itsura
- Mga kasapi ng gabinete ng Maldives lahat nagbitiw. (Al Jazeera)
- Sudan ipinahayag na isasarado nila ang kanilang hangganan sa Libya dahil sa operasyon ng mga rebeldeng Darfur sa lugar. (BBC) (AfricaNews)
- Anim na katao patay sa pagkadiskarel ng isang tren sa Silangang Haba, Indonesya. (Jakarta Globe) (CNN) (BBC)
- Libo-libong mga manggagawa nakilahok sa isang araw na pag-aalsa sa Gresya bilang protesta laban sa mga panggigipit ng pamahalaan. (Al Jazeera) (Reuters Africa) (Xinhua)
- Mga tagasagip sa Gitnang Rehiyon ng Ghana itinigil na ang operasyon sa paghahanap ng mga nakaligtas mula sa pagguho ng isang minahan ng ginto kung saan nasa pitumpong katao ang pinangangambahang patay. (My Joy Online) (BBC)
- Pagkapangulo ni Noynoy Aquino:
- Noynoy Aquino pinangalanan na ang kanyang gabinete subalit siya muna ang tatayong Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. (Philippine Daily Inquirer)
- Dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman Hilario Davide, Jr. hinirang na mamuno sa komisyon sa katotohan na magbibigay katapusan sa maraming mga usapin. (Philippine Daily Inquirer)
- Hindi bababa sa 16 katao patay sa malawakang pagbaha sa hilagang-silangan ng Rumanya. (Yahoo News)
- Isang lalaking inaakusahan ng pang-iispiya sa Israel sa loob ng 15 taon inaresto sa Lebanon. (BBC)
- Mga bansang Republikang Popular ng Tsina at Taywan nilagdaan ang kasunduan sa pakikipagkalakal sa lungsod ng Chongqing sa timog ng pangunahing pulo ng Tsina. (AP via Google News) (Focus Taiwan News Channel)
- Hindi bababa sa 20 katao ang patay at mahigit 50 pa ang sugatan sa isang malakas na pagsabog sa Hyderabad sa lalawigan ng Sindh, Pakistan. (The News International)
- Tatlong pinaghihinalaang kaso ng trangkasong AH1N1 naiulat, isang namatay sa Thanjavur sa estado ng Tamil Nadu sa Indiya. (EB)
- Heneral Stanley A. McChrystal, na siyang namuno sa pakikigdigma ng Estados Unidos sa Apganistan hanggang noong isang linggo, nagpahayag na ng kanya ng pagreretiro. (CNN) (Aljazeera) (BBC)