Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Oktubre 10
Itsura
- Sagupaan sa hilaga ng Honduras ikinamatay ng dalawang pulis at apat na kriminal. (People Dialy)
- Hanoi, Biyetnam, ipinagdiwang ang ika-1,000 kaarawan. (AP via Yahoo! News)
- Halos kalahating milyong katao nawalan ng bahay dahil sa pagbaha dulot ng tatlong araw na pagbuhos ng ulan sa Bangladesh. (ABC News Australia)
- Hindi bababa sa 36 katao patay matapos lumubog ang sobra sa pasaherong bangka sa Ilog Ganges sa Distrito ng Buxar sa Estado ng Bihar, Indiya. (BBC)
- Simbahang Katoliko sa Havana sinabing magpapalaya ang Kuba ng tatlo pang bilanggo ng politika na maaaring umalis patungong Espanya. (BBC)
- Mga pangunahing estasyon ng telebisyon sa Hilagang Korea isinahimpapawid ang parada ng hukbong sandatahan para sa Kataas-taasang Pinuno na si Kim Jong-il at ang kanyang inaasahang kahalili na si Kim Jong-un. (AP via Google News) (BBC) (Arirang)