Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Oktubre 5
Itsura
- Pangulo ng Indonesya Susilo Bambang Yudhoyono kinansela ang pagbisitang estado sa Olanda bilang protesta sa posibleng pag-aresto ng korte. (Al Jazeera) (BBC)
- Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian David Cameron napilitang humingi ng tawag sa kanyang mga botante matapos hindi tuparin ang kanyang pangako sa pagtanggal ng benipisyo ng mga bata sa may 1.2 milyon sa kanila. (The Guardian)
- Pangulo ng Bulibya Evo Morales tinuhod ang isang kalaban sa politika malapit sa may singit sa kasagsagan ng laro ng putbol. (The Guardian)
- Kim Jong-un sinamahan ang kanyang amang si Kim Jong-il sa pagmamasid sa Korean People's Army, na nagpatibay sa kanyang kalagayan bilang kapalit na Pinuno ng Hilagang Korea. (AP via Google News)
- Pangulo ng Senegal Abdoulaye Wade tinanggal sa pwesto ang ministro ng enerhiya na si Samuel Sarr, matapos ang isang linggo ng mga protesta dahil sa malimit na pagkawala ng daloy ng kuryente, at ipinalit ang kanyang sariling anak bilang ministro. (BBC)
- Sudan inilabas na ang talatakdaan para sa reperendum sa Enero para sa pagsasarili ng timog Sudan, unang araw ng pagpapatala ng mga botante itinakda sa 14 Nobyembre. (BBC) (AFP via The Sydney Morning Herald)