Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 7
Itsura
- Laura Chinchilla nahalal bilang Pangulo ng Costa Rica, ang kauna-unahang babae na humawak ng posisyon matapos ang pangkalahatang halalan noong 2010. (Reuters)(Tico Times) (RTÉ)(Xinhua)
- Isang planta ng Kleen Energy Systems sa Middletown, Connecticut, sumabog, hindi bababa sa limang katao namatay at labing-apat pa sugatan. (BBC News) (The New York Times)
- Pangulong Mahmoud Ahmadinejad ng Iran inatasan ang ahensiya ng atomik sa bansa na simulan na ang mas pagpapayabong sa Uranyo. (The New York Times) (Press TV)
- Politikong Amerikana na si Sarah Palin nagsalita sa unang pagpupulong ng Tea Party movement sa Nashville. (BBC)
- Bansang Libya ipinagbawal ang YouTube, mga independyeteng sayt ng balita at mga websayt ng oposisyon bilang pagsasala sa mga kontrobersiyal na usapin, kasama na ang pang-aabuso sa karapatang pantao ng pamahalaan. (The Jerusalem Post)(DNA India)(Reuters India)(The Malaysian Insider)