Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Setyembre 22
Itsura
Hindi bababa sa isang katao ang patay at sampu pa ang sugatan sa barilan sa Quetta, Pakistan. (Xinhua)
Tatlong Pranses na tripulante dinukot sa dalampasigan ng Nigeria. (Reuters) (Xinhua) (The Himalayan Times)
Hindi bababa sa 18 katao ang patay at 44 pa ang nawawala sa katimugang Tsina dahil sa baha na dulot ng malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Fanapi. (CNN) (AP)
Dalawang manggagawa ang namatay at ilan pa ang sugatan sa pagguho ng isang minahan sa Balikesir. Dalawampu't dalawang katao na ang namatay doon sa huling anim na buwan. (Todays Zaman)
Rusya itinigil ang pagbebenta ng mga armas sa Iran alinsunod sa Resolusyon blg. 1929 ng Kapulungang Panseguridad ng Mga Bansang Nagkakaisa. (RIA Novosti) (Xinhua)
Tsina pinagbantaan ang Hapon nang mga hakbangin pa kung hindi pakakawalan ng huli ang kapitan barko sa pangingisda na nahuli malapit sa pinagtatalunang Senkaku Islands. (Al Jazeera) (AFP)
14 na luray na katawan natagpuan sa Ilog Ruzizi sa Burundi, malapit sa hangganan sa Demokratikong Republika ng Konggo. (BBC) (News24)