Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Abril 29
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Pumatay ng apat na miyembro ng Sandatahang Lakas ng Kolumbya ang Rebolusyonaryong Sandatahang Lakas ng Kolumbya sa isang misyon na sirain ang isang laboratoryo ng cocaine sa Kagawaran ng Caquetá kasama ang nawawalang apat pang sundalo, isang opisyales na pulis at isang Pranses na mamamahayag. (BBC)
- Isang katao ang namatay at sampu ang nasugatan sa isang pag-atake ng granada sa isang simbahan sa Nairobi, Kenya. (AFP via Google News)
- Apat na opisyales ang namatay sa isang pag-atake ng mga rebel sa hilagang Burma. (The Australian)
- Pitong katao ang namatay sa isang tatluhang kaparaaang pagpatay sa pagitan ng kartel ng mga droga at ang mga awtoridad sa estado ng Sinaloa sa Mexico, kung saan nakatira ang pinaghahanap na diyos ng mga droga na si Joaquín Guzmán Loera. (Fox News)
- Kinuha ng Lebanon ang mga armas at amyunisyon na para sa mga rebelde ng Syria na kung saan labing-isang miyembro nito ang inaresto. (BBC)
- Sakuna
- Pitong katao ang namatay sa isang aksidente ng bus sa hilaga ng Tokyo sa Prepektura ng Gunma sa Hapon. (NHK World)
- Pitong katao ang namatay, kasama rito ang tatlong bata, nang sumalpok ang sasakyang kanilang sinasakyan sa Bronx River Parkway sa The Bronx, Lungsod ng Bagong York. (CNN)
- Internasyonal na relasyon
- Naabot na ang katapusan ng kabuuang pagsira sa mga sandatang kemikal sa ilalim ng Kumbensiyon sa mga Sandatang Kemikal. (RIA Novosti)
- Binisita ng Sekretarya-Heneral ng United Nations na si Ban Ki-moon ang Burma. (CNN)
- Pinagbawalan na si Ana Maria Gomes, isang Miyembro ng Parlyamentaryong Europyano, na makapasok sa Bahrain. (Reuters)
- Batas at krimen
- Inaresto sa Sudan ang apat na dayuhan sa pinag-aawayang hangganan sa Timog Sudan dahil sa akusasyon ng pag-eespiya. (Arab News)
- Sinimulan na ng mga awtoridad ng Tsina ang paghahanap sa aktibistang si Chen Guangcheng matapos ang kanyang pagtakas mula sa pagkakaaresto sa bahay. (BBC) (Hindustan Times)