Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Mayo 3
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Binaril at pinatay ang isang lokal na mamamahayag na Somali na kilalang sa (Radio Daljir) na si Farhan Jeemis Abdulle sa Galkayo habang siya ay naglalakad patungo sa kanyang bahay sa distrito ng Garsor. Dumating ang Puntland sa pinangyarihan para imbestigahan ang pagpatay asubalit walang pag-aresto ang naganap. Siya ang Abdulle ikalimang mamamahayag na pinatay sa Somalia ngayong taon, at pangalawa sa Galkayo. (Shabelle Media Network)
- Tatlumput-tatlo ang pinatay sa pagsugod ng mga namamaril na sumasalungat sa pagsunod ng isang kolehista sa isang palengke ng mga baka sa hilagang Nigeria. (AP via Google News)
- Pitong katao ang namatay at tatlumpu ang sugatan matapos ang isang pagsabog malapit sa isang estasyon ng pulis saMakhachkala, Dagestan, timog Rusya. (euronews)
- Sinabi ng mga aktibista na apat na estudyante ang namatay sa isang pag-atake sa isang demonstrasyon ng mga salungat sa pamahalaan sa Unibersidad ng Aleppo, Syria. (Al Jazeera)
- Sining at kultura
- Ginanap ang Ika-59 na Pambansang Patimpalak ng mga Pelikula sa New Delhi kasama ang pagkapanalo ng Deool at Byari sa Pinakaitinampok na Pelikula. (CNN-IBN), (Deccan Herald)
- Sakuna
- Hindi bababa sa labinglima ang namatay at dalawamput isa ang nasugatan matapos sumalpok ang isang bus sa gilid ng bulubunduking rehiyon sa hilagang Pakistan. (AFP via The Telegraph)
- Batas at krimen
- Natagpuan ang apat na mitinapong katawan, kasama ang dalawang mamamahayag, sa estado ng Veracruz sa Mexico. (CNN)
- Pinayagan ng Argentine Chamber of Deputies ang batas na isinumite ni Cristina Fernández de Kirchner para isabansa ang 51% ng YPF na may boto na 207-32. (Reuters)
- Internasyonal na relasyon
- Tinawagan ni Chen Guangchengang Kongreso ng Estados Unidos na tulungan sila ng kanyang pamilya na makaaalis ng Tsina. (BBC)
- Kudeta sa Mali: Nag-alok ang Ekonomikong Komunidad ng mga Estado sa Kanlurang Aprika na magpadala ng mga sundalo sa Mali kung papayag ang bansa. (AFP via Google News)
- Inaanyayahan ng Tsina, Pransiya, Rusya, ang Nagkakaisang Kaharian at Estados Unidos ang Iran na tumulong sa Pandaigdigang Ahensiya sa Enerhiyang Atomiko. (AFP via Google News)
- Politika
- Ipinagkaloob ng Hari ng Bahrain na si Hamad bin Isa Al Khalifa ang bagong kapangyarihan sa parlyamentaryo. (Al Jazeera)
- Pumunta ang mga botante ng Nagkakaisang Kaharian sa mga botohan para sa lokal na eleksiyon na kung saan nakikita na maganda ang ginagawa ng Partido paggawa. (BBC)
- Itinalaga ng Chamber of Deputies ng Haiti si Laurent Lamothe bilang bagong Punong ministro matapos ang pagaaway nila ni Pangulong Michel Martelly. (AP via ABC News)