Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 12
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Walong katao ang namatay at 25 ang sugatan sa isang pagpapatiwakal na pambobomba sa Balad, Irak, hilagang kapitolyo ng Baghdad.(Reuters)
- Ilang armadong lalaki ang namaril sa hilagang-kanluran ng Nigeria na ikinasawi ng 30 katao.(Reuters)
- Nagsagawa ng pag-atakeng panghimpapawid ang Sandatahang Lakas ng Tunisia laban sa mga militanteng Islam sa hangganang lupain ng Algeria. (Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Namatay na si Prinsipe Friso ng Orange-Nassau, kapatid ni Haring Willem-Alexander ng mga Olanda, sa edad na 44 kasunod ng mga komplikasyon dulot ng aksidenteng naganap noong 2012 sa pag-iiski, kung saan siya ay na-comatose sa loob ng isa't kalahating taon.(CNN) (BBC) (Huffingtonpost) (ABC)
- Bagyong Labuyo (Utor - Internasyonal na pangalan) 2013
- Ilang paaralan sa Maynila at maging sa mga probinsiya ang nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas ngayong araw dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo.(Abante-Tonite)
- Isa ang patay dahil sa pagguho ng lupa sa probinsiya ng Benguet. Ipinasara rin ang Daang Kennon. (GMA News)
- Probinsiya ng Aurora, matinding hinagupit ng bagyo matapos nitong lumapag sa lupain ng Casiguran.(GMA News)
- Internasyonal na relasyon
- Inilunsad ng Indiya ang INS Vikrant ang kanilang kaunaunahang katutubong sasakyang panghimpapatiwid. (The Times of India)
- Politika at eleksiyon
- Naihalal si Ibrahim Boubacar Keïta bilang bagong Pangulo ng Mali. Bagama't hindi pa tapos bilangin ang mga balota, tinanggap na ng kanyang katunggali na si Soumaïla Cissé ang pagkatalo sa eleksiyon para sa pagka-Pangulo.(BBC)
- Palakasan
- Nagwagi ang Amerikanong manlalaro ng golp na si Jason Dufner sa Kampeonatong PGA 2013 na ginanap sa Oak Hill Country Club sa Pittsford, New York.(The Australian)
- Tinalo ng Iran ang koponan ng Pilipinas sa Kampeonato ng FIBA Asya 2013 sa talang 85-71.(Abante)