Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Marso 9
Itsura
- Armadong labanan at atake
- Internasyunal na pamamagitang militar laban sa ISIL
- Dalawang tropa mula sa Estados Unidos ang napatay sa isang pagsalakay laban sa ISIL sa Iraq. (ABC)
- Negosyo at ekonomiya
- Sosyo-ekonomikong epekto ng pagsiklab ng coronavirus ng 2019-20
- Black Monday (2020)
- Bumulusok ang presyo ng langis pagkatapos pababain ng Saudi Arabia ang opisyal na presyong pambenta noong katapusan ng linggo. (CNN)
- Bago magbukas ang merkado, naihayag ng Dow Jones Industrial Average futures ang isang 1,300-puntong pagbaba dahil sa coronavirus at pagbagsak ng presyo ng langis. Ang pagbagsak ay magiging ang pinakamaraming puntos na bumagsak sa isang araw para sa DOW. (NBC News) (NBC News)
- Bumulusok ang Dow Jones Industrial Average sa 1,800 punto sa pagbukas nito, 500 puntos na mas mababa sa prediksyon. (MSNBC)
- Black Monday (2020)
- Kalusugan at kapaligiran
- Pagsiklab ng coronavirus ng 2019-20
- Pagsiklab ng coronavirus sa Italya ng 2020
- Tumaas sa 9,172 ang natiyak na mga kaso sa Italya, habang tumaas ang bilang ng namatay sa 463. (Corriere della Sera)
- Pinahaba ng Italyanong Punong Ministro na si Giuseppe Conte ang lockdown o pagsasara ng Hilagang Italya sa buong bansa. (CNN)
- Pagsiklab ng coronavirus sa Pilipinas ng 2020
- Idineklera ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang isang estado ng emerhensiya sa publikong kalusugan para sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19. (ABS-CBN)
- Pagsiklab ng coronavirus sa Italya ng 2020