Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Agosto 9
Itsura
Sakuna at aksidente
- Mga pagbaha sa Timog Korea ng 2022
- Siyam na tao ang namatay dahil sa pagbaha na dulot ng dami ng ulan sa Seoul, Timog Korea. (AP)
Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Kapuluang Marshall
- Kinumpirma ng Kapuluang Marshall ang kanilang unang kaso ng transmisyon sa pamayanan ng COVID-19 sa kabisera nito sa Majuro. Nagpabatid ang pamahalaan ng pag-antala ng pagpasok sa paaralan at sinuspinde ang mga paglipad at paglakbay sa bangka sa mga panlabas na kapuluan. (RNZ)
- Pandemya ng COVID-19 sa Kapuluang Marshall
Politika at halalan
- Inilibing ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani. Namatay siya noong Hulyo 31 sa edad na 94. (Philippine Daily Inquirer)
- Pangkalahatang halalan sa Kenya, 2022
- Bumoto ang mga taga-Kenya sa isang pangkalahatang halalan. (Daily Nation)
Agham at teknolohiya
- Pagkakatuklas ng mga eksoplaneta
- Natuklasan ng mga astronomong radyo ang isang bagong silang na eksoplaneta na sinlaki ng Hupiter na umoorbita sa bituing AS 209, gamit ang teleskopyong Atacama Large Millimeter Array sa Tsile. (Space.com)