Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Disyembre 3

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Batas at krimen

Politika at halalan

  • Batas militar sa Timog Korea ng 2024
    • Noong talumpating pang-emerhensiya sa bansa, nagdeklara ang Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng batas militar upang supilin ang diumanong "mga pagbabanta ng mga puwersang komunista sa Hilagang Korea at upang alisin ang mga elementong kontra-estado." Sinabi ni Yoon na ginawa ang pasya sa pagdeklara ng batas militar upang "tanggalin ang mga puwersang Hilagang Koreano" at iprotekta ang "kaayusang liberal na pang-konstitusyon". (KBS) (BBC News) (Reuters) (Barrons)
    • Hinirang si heneral Park An-su ng Hukbong Timog Koreano ni Yoon Suk Yeol bilang Kumander ng Batas Militar, na pinabatid ni Park na sasailalim sa kontrol ng militar ang mga organisasyong pang-midya at ipagbabawal ang mga protesta. (Yna) (The Guardian)
    • Nakipasagupa ang mga nagpoprotesta sa mga pulis habang sinusubukang pasukin ang gusali ng Kapulungang Pambansa sa Seoul. (The Independent)
    • Bilang paglaban sa pagpapahayag ng batas militar, na pinagbabawal ang mga aktibidad pampolitika, bumoto nang walang tutol ang Kapulungang Pambansa upang iutos si Yoon Suk Yeol na alisin ang batas militar. Umalis ang mga sundalong Koreano na nagbabantay ng Kapulungang Pambansa kasunod ng boto. (The Guardian)
    • Ipinabatid ni Yoon Suk Yeol na aalisin niya ang batas militar na idineklara niya mga oras na nauna sa gitna ng matibay na pagtutol mula sa parehong oposisyon at sa sarili niyang partido, ang People Power Party. (Reuters)
  • Proseso ng pagkakasundo ng Fatah–Hamas