Wikipedia:Maligayang pagdating!
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na tulong-tulong na binubuo ng mga magbabasa nito. Isa itong Wiki na maaring baguhin ng kahit sino man. Sa pamamagitan ng pagpindot ng baguhin na buton, maari mong baguhin ang pahinang ito at kahit ano mang artikulo sa Wikipedia.
Kalamanan ng Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Naglalaman ang Wikipedia ng malawak na koleksiyon ng mga impormasyon hingil sa iba't ibang mga paksa. Bisitahin ang buod upang siyasatin ang iba't ibang mga paksa. Maari din na mag-iwan ng mga komento patungkol sa mga artikulo sa mga talk pages o usapan na pahina. Pindutin lamang ang usapan na link at pindutin ang baguhin na link sa talk page. Kung mayroong paksa na hindi kasama sa Wikipedia, o iyong hinahanap ngunit hindi mahanap, magtanong lamang sa Konsultasyon na pahina, o kaya ay magdagdag ng paksa sa listahan ng Mga hiniling na artikulo.
Pagbabago ng pahina
[baguhin ang wikitext]Maaring palitan ng kahit sino man ang mga pahina sa Wikipedia (kahit na ang pahinang ito!). Piliin lamang ang baguhin na link na mahahanap sa itaas at sa ibaba ng pahinang nais baguhin. Walang kwalipikasiyon na kailangan at hindi kinakailangang mag-log in.
Gamitin lamang ang Wikipedia gaya ng ibang ensiklopedya. Kung makakita ng mga problema sa baybay o mga hindi malinaw na pangungusap piliin lamang ang baguhin at ayusin ang mga ito. Maging matapang sa pag-edit ng mga pahina; kung nakikita mo na maaari pa na pabutihin ang isang artikulo, baguhin mo. Huwag kang masyadong mag-alala sa mga pagkakamali; kapag mayroon kang maliit na pagkakamali, maaaring ikaw o kahit sinuman ang mag-ayos nito. Maaaring nakakatakot isipin ito. Tignan ang mga sagot sa mga karaniwang di-pagsangayon. Bagaman maraming mga artikulo ang Wikipedia (48,046 mga artikulo sa ngayon), patuloy na dumadami ang ang mga artikulo sa Wikipedia na sinulat ng mga taong katulad mo. Maaari na magsimula ng bagong artikulo o maghanap ng naisalat na artikulo at magdadag ng bagong seksiyon dito. Kung nag-alala ka tungkol sa "paggulo" sa isang artikulo, pumunta sa sandbox na kung saan maaaring isanay ang pagbabago ng isang artikulo sa nais ng iyong puso.
Mayroon ilang mga patakaran dito na maaaring mo munang basahin partikular ang tinging walang kinikilingan o ang patakaran na walang kinikilingang pananaw na nangangahulugang na dapat walang kinikilingan ang isang artikulo at kinakatawan ang magkakaibang pananaw ang isang paksa ng patas na may pakikiisa. Nasa ilalim ng GNU Free Documentation License GFDL ang lahat ng iniambag sa Wikipedia. Tinitiyak ng GFDL na mapanatiling maipamahagi ng malaya ang Wikipedia magpakailanman. (tignan ang Wikipedia:Mga karapatang-ari para sa karagdagang impormasyon.)
Tingnan ang mga sumusunod
[baguhin ang wikitext]Ito ang mga ilang link para sa mga impormasyong panimula:
Pangkalahatang impormasyon, gabay at tulong
[baguhin ang wikitext]- Patungkol sa proyekto
- Mga pahinang pangtulong - tulong sa pagbabago at pagsimula ng isang artikulo at marami pang iba na paksa.
- Wikipedia FAQs - mga malimit itanong tungkol sa sayt.
- Glosaryo - isang glosaryo para sa mga karaniwang kataga sa Wikipedia.
- Patakaran para sa taga-ambag
Para sa mga kalahok ng mga katulad na sayt
[baguhin ang wikitext]- Gabay para sa mga mananaliksik ng h2g2. Para sa mga bisita mula sa pamayanang h2g2.
- Gabay para sa Everything2 noders. Para sa mga bisita mula sa pamayananng Everything2.
- Gabay para sa mga may-akda ng Indymedia. Para sa mga bisita mula sa pamayanang Indymedia.
- Gabay para sa mga tagagamit ng WikiPilipinas at WikiFilipino. Para sa mga bisita mula sa WikiPilipinas at WikiFilipino.
Ang Miniserye ng Wikisibika
[baguhin ang wikitext]Pagtuturo sa sarili
[baguhin ang wikitext]- Wikiketa
- Tutoryal sa pagkaroon ng tinging walang kinikilingan
- Patakaran sa kasunduan ng mga manunulat
- Pag-iwas sa mga karaniwang pagkakamali
Departamento ng Malalim na mga Pag-uusisa
[baguhin ang wikitext]Ang pamayanan ng Wikipedia
[baguhin ang wikitext]- Makipag-alam sa amin
- Mga Wikipedista - listahan ng mga regular na taga-ambag; puwede mo rin idagdag ang sarili kung nais mo.
- Wikipedia:Talaang pampanauhin para sa mga bagong tagagamit – Bagong rehistro? Pumirma sa aming guestbook!