Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga patakaran at panuntunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Patakaran)

Ang Wikipedia ay isang gawain o proyektong kinalalahukan ng mga nagtutulungan at magkakasamang mga mamamayan gumagawa at bumubuo ng isang malayang ensiklopedya. May iisang layunin ang mga nagtatag at ang mga tagapaglathala o tagapag-ambag ng mga artikulo:

  • Ang aming layunin sa Wikipedia ay ang bumuo ng isang maaasahan at malayang ensiklopedya - samakatuwid, ang matatawag na isa sa mga pinakamalaki at patuloy pang lumalaking ensiklopedya sa kasaysayan, sa lawak man at sa lalim nito.

May mga patakaran at mga panuntunang inihanda ang Wikipedia upang matulungan ang nakararami, ang mga Wikipedista, para maabot ang iisang layunin ito. Patuloy paring umuunlad ang mga sumusunod na mga patakaran at mga panuntunan, samantalang matagal nang napagtibay ang iba, ngunit mayroon pa rin ilang nananatiling may kaakibat na pagtatalo.

Habang patuloy na umuunlad pa ang ibang mga patakaran, maraming mga Wikipedista ang naniniwalang walang nakasulat na panuntunang sasapat para mabigyang ng mabuting solusyon ang napakaraming hindi mainam na mga gawi.

Pangunahing patakaran

[baguhin ang wikitext]

Hindi na kinakailangang basahin muna ang bawat isang patakaran bago makapaglathala! Gayumpaman, isang susi ang mga sumusunod na patakaran para sa mas kapakipakinabang na karanasan sa paggamit ng Wikipedia at sa pagpapabilis ng pagkakaunawa sa kaniyang sistema o pamamaraan.

  • Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya. Wala na itong iba pang layunin.
  • Iwasan ang hindi pantay na pagtingin at pagsulat sa mga usapin. Nararapat na maisulat ang mga artikulo sa isang pataas na paraan, at kailangang maglahad ng iba't ibang mga pananaw na may pag-unawa at at may pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba.
  • Huwag na huwag aagawin o labagin ang karapatan ng mga may karapatang-ari o kopirayt (copyright). Malaya at lisensiyado ang Wikipedia sa ilalim ng tinatawag na GNU Free Documentation License o Lisensiya ng Malayang Dokumentasyong GNU. Maaaring maging banta sa layuning makabuo ng isang tunay na malayang ensiklopedya na maaaring ipamahagi sa iba ang pagpapasa o paglalathala ng mga akdang labag sa batas, partikular na ang hinggil sa karapatang-ari (maging sa mga batas na lokal, pambansa o pandaigdigan); maari rin itong maging ugat o simula ng isang suliraning legal.
  • Igalang ang ibang mga tagapaglathala o kontribyutor. Nanggagaling sa iba't ibang mga bayan at kultura ang mga tagapaglathala at patnugot dito sa Wikipedia, at maaaring hindi maiiwasan ang pagkakaiba-iba ng mga pananaw. Dapat na tratuhin sila ng may paggalang sapagkat iyan ang susi sa mainam at masiglang pagbubuo ng proyektong ito.

Iba pang mga patakaran at panuntunan

[baguhin ang wikitext]

Ang mga links na mag-uugnay sa ibat ibang patakaran ay matatagpuaan sa mga sumusunod:

Kumbensiyon/pamamaraan

[baguhin ang wikitext]

Ang pagsunod sa mga sumusunod at maaring maging paraan upang mapanatili ang isang konsistent at mas kapakipakinabang na ensiklopediya:

Paano napagpapasiyahan ang mga patakaran?

[baguhin ang wikitext]

Napagpasiyahan na ang karamihan sa mga patakaran noon pa mang kabataan pa ng proyekto, na tinatayang bago magtapos ang 2002. Isinasagawa ang mga pagbabago at mga pagdaragdag sa pamamagitan ng konsenso o kasunduang tinatanggap. Gayunpaman, mahirap abutin ang tinatawag na aktuwal o tiyak na pagsasagawa ng konsenso. Sa maraming pagkakataon, napapaunlad ang patakaran sa impormal na pamamaraan, na naisusulat ayon sa nakagisnang tradisyon.

Paano pinatutupad ang mga patakaran?

[baguhin ang wikitext]

Ikaw ay isa sa mga patnugot ng Wikipedia. May kakulangang ang Wikipedia sa pagkakaroong ng matatawag na punong patnugot (sa madaling sabi, wala itong punong patnugot o pinunong patnugot) o kaya isang mekanismo para mabantayan at mapaunlad sa araw-araw ang pag-usad ng ensiklopedyang ito. Kapag nagkaganoon, nagsasagawa ang mga masisipag at masisiglang mga patnugot ng mga pagbabago sa pahina/sipi/kopya (o copy edit), kinasasangkutan ng mga pagwawasto ng mga nilalaman at pagsasaayos ng mga suliranin o pagkukulang na nakikita. Sa maikling pananalita, kapwa mga manunulat at mga patnugot ang mga Wikipedista.

May mga patakaran at alituntuning naipapaganap sa pagitan ng mga Wikipedista hinggil sa paggawa ng mga pagbabago sa mga pahina, at mayroon ding mga pag-uusap ukol sa mga paksa. May iba namang pansamantalang hinahadlangan ang kakayahan o karapatang makapag-ambag o makapagbago ng isang artikulo. Halimbawa nito ang pakikitungo sa mga nambababoy ng mga lathalain o bandalismo, na isang pribilehiyo ng mga tagapangasiwa. Sa mas malalang kaso, maaring magsagawa ng pasiya ang pamayanang sasaklaw sa mataas na uri ng hindi kanaisnais na kalagayan, bilang bahagi ng hindi pagkakaroon ng kasunduan.

Mga limitasyon o restriksiyon (nakatalaga lamang)

[baguhin ang wikitext]

Bukas ang ilan sa mga kakayahan ng sopwer (software) na ito sa mga pang-aabuso ng iba, katulad halimbawa ng sa pagbura ng mga pahina, panananggalang ng mga pahina o paglalagay ng proteksiyon dito, at ang paghaharang ng mga nambababoy o gumagawa ng bandalismo sa pahina. Sinadyang mga nakatalaga lamang ang ganitong mga kasangkapan para sa mga tagapangasiwa, na siya namang mas may karanaasan at mga mapagkakatiwalaang kasapi ng pamayanan.

Mga uri ng mga alituntunin

[baguhin ang wikitext]

Mga pangunahin pang alituntunin

[baguhin ang wikitext]
  • Magambag ng mga impormasyon na iyong nalalaman, o nais na matutunan.
  • Iwasan sana ang paggamit ng mga bot sa paglalathala.
  • Pag-ugnay-ugnayin ang mga pahina sa pamamagitan ng pagkakawing (paglilink)
  • Magbigay ng buod ng ginawang pagbabago sa pahina.
  • Gawing kapunapuna ang pagbabago o ginawang pagbabago sa pahina.
  • Magkaroon ng lakas ng loob na isapanahon ang mga pahina.
  • Iwasan sana ang madalas na pagkakamali (bagaman hindi ito maiiwasan kahit maingat at kung minsan). Kaya, itama agad kapag nagkamali.

Mga alintuntunin sa pag-uugali (partikular na sa mga pahina ng usapan)

[baguhin ang wikitext]
  • Palaging mag-iwan ng lagdag sa mga pahina ng usapan, maging sa mga ginawang pagbabago o paglalagay ng mga karagdagan sa pahina ng usapan.
  • Iwasan ang kabastusan
  • Hindi pinapahintulutan ang personal na pag-atake sa sinumang mga Wikipedista kahit na may hindi pagkakasundo sa mga paksang pang-usapan at paglalathala. Dalhin sa e-liham ang personal na mga pagtatalo.
  • Hindi pinapayagan ang pagbabanta sa kapwa Wikipedista.
  • Lumagda muna (o magpatala kung hindi pa nakapagpaparehistro) bago magsagaw ng malawakang pagbabago sa (mga) artikulo.
  • Hindi pinapahintulutan ang mga pangalan ng tagagamit na hindi kaayaaya o katanggap-tanggap sa iba.
  • Maging mapang-anyaya at magalang sa bagong dating at maging sa mga datihan din.
  • Huwag gagawa ng artikulo tungkol sa iyong sarili (personal na lathalain).
  • Ipaliwanag kung ibinabalik sa dating anyo ang isang pahina.
  • Gamitin ng wasto at nasa nararapat na paraan ang pahinang nilaan ng Wikipedia para sa mga tagagamit.

Mga alituntunin kaugnay ng mga nilalaman

[baguhin ang wikitext]
  • Gabay sa pagsulat ng mas maayos na artikulo
  • Ipaliwanag ang mga salita o katawagan.
  • Manatili sa paksa.
  • Isalaysay ang kapansin-pansin.
  • Bigyan ng karapat-dapat na pagkilala ang mga pinagmulan ng impormasyon o kaalaman. Ilista ng wasto ang mga sanggunian.
  • Siguraduhing maaaring masuri at mapatotohanan mo at ng iba ang mga impormasyon o kaalamang inambag o inilathala.
  • Iwasan ang mga salitang mabilis na mapaglipasan ng panahon.
  • Gawing kapakipakinabang ang mga artikulo, at palagiang isaalang-alang ang kapakanan ng mga mambabasa tuwing magsusulat o maglalathala.
  • Tiyaking tumpak at husto ang mga impormasyong inilagay sa artikulo.
  • Bigyan ng karampatang paalala ang mga mambabasa, partikular na ang hinggil sa mga bagong nobela, pelikula, o anumang palabas (na hindi pa napapanuod o nababasa ng karamihan sa madla; mga spoiler o pampawalang-gana/nakakaunsiyaming bahagi ng lathalain dahil mabubunyag na ang hindi pa sana dapat)
  • Iwasan ang pagbibigay ng sangguniang paukol sa iyong sarili.

Mga alituntunin kaugnay ng estilo

[baguhin ang wikitext]

Alamin ang Gabay sa estilo ng pagsusulat. Huwag isama sa seksiyon ng sanggunian ang mga pangunahing pinagmula ng mga impormasyon itinala mo (ang mga sanggunian ng pinagsanggunian o pinagbatay ng iyong lathalaing inambag). Palaging maglagay ng buod sa kahon ng Buod (nasa ibaba kapag nagbabago ka ng pahina o kapag nagmamakinilya). Gumawa lamang ng mga kawing na nauukol o may kaugnayan sa paksa ng iyong lathalain. Hangga't maaari, iwasan ang paggawa ng mga subpahina, lalo't mailalagay naman sa iisang pahina. Mas madali para sa mambabasa kapag nasa iisang pahina ang mga nilalaman ng iyong lathalain. Iwasan ang paggamit ng talatang may iisang pangungusap lamang. Isama ito sa malaking talataan. Iwasan ang paggamit ng mga linyang pamputol (mga gitling-gitling o line break). Kung maaari maging payak at gawing maiksi ang mga pangungusap at mga talaan.

Mga alituntunin para sa paraan ng pagpapangkat o pag-uuri

[baguhin ang wikitext]
  • Gumamit ng tamang paraan sa pagpapangkat-pangkat ng mga artikulo (mga kaurian: mga kategorya, mga talaan/listahan, mga kahong pangkabatiran, atbp.)
  • Pagpangkat-pangkatin sa mga sumusunod na paraan:
    • Mga talaan
    • Mga kategorya
    • Mga suleras na pangnabigasyon
    • Mga suleras na pangkahong-kabatiran; atbp.

Mga sanaysay at usapan tungkol sa Wikipedia

[baguhin ang wikitext]
  • Meta-Wikipedia, naglalaman ng mga artikulo tungkol sa Wikipedia at mga kaugnay na paksa kaugnay ng estilo o gawing pampamamatnugot.