Wikipedia:Pagbura ng mga pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tuwirang daan:
Erase stub.png

May mga ilang kaparaanan ng pagbura ng mga pahina o midya sa Wikipedia. May ilang mga nilalaman na maaaring pumasa bilang isang kandidato para sa mabilisang pagbura. Kung hindi, maaaring burahin ng isang tagapangasiwa sa loob ng limang araw kung walang tumututol sa proseso ng pagmungkahi. O kaya, maaaring buksan ang isang pagtatalo ng isang tagagagamit sa isa sa mga pahinang nakatala sa ibaba. Gamitin ang suleras na {{Mungkahi-burahin}} para sa pagmumungkahi ng pagbura, kasama ang dahilan ng paghiling mo. Kung minsan, ginagamit din ang {{Burahin}} para sa kahilingan ng mabilisang pagbura. Subalit mas minumungkahi ang paggamit ng {{Mungkahi-burahin}}.


Mga dahilan[baguhin ang batayan]

  • Binubura ang mga pahina o lathalain (maging mga larawan) kahit walang usapan dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
  • B1: Walang nilalaman ang artikulo. Kabilang dito ang mga artikulong napakaikli na walang sapat na impormasyon sa matagal na panahon lalo na iyon mga ginawa ng mga tagagamit na naglalayon lamang na paramihin ang artikulo at di paunlarin, mga artikulong puro panlabas na link lamang at mga artulong puro outline o balangkas lamang. Sa mga napakaikling artikulong walang sapat na impormasyon, may palugit ang nag-ambag nito na dagdagan ang impormasyon (karaniwang mga dalawang linggo mula sa unang pagkakatala). Kapag walang nadagdag sa palugit, maari na itong burahin. Walang palugit na ibibigay sa mga malawakang pagdaragdag ng mga pahinang walang sapat na impormasyon.
  • B2: Walang konteksto
  • B3: Walang saysay ang nilalaman ng lathalain
  • B4: Hindi pa sapat ang katanyagan ng paksa o walang indikasyon ng pagiging mahalaga
  • B5: Hindi Tagalog ang lathalain. Karaniwang ginagamit ang panandang {{Hinditagalog}} para bigyan ng palugit ang nagtala o nag-ambag na isalin ito (karaniwang mga dalawang linggo mula sa unang pagkakatala). Subalit kung hindi nagkaroon ng pagbabago, binubura ang pahina, maliban na lamang kung may mga bahaging nakasalin sa Tagalog. Sa kasong ito, pinapanatili ang naka-Tagalog habang ikinukubli o inaalis naman ang mga hindi nasa wikang Tagalog. Para sa pagsasalin, tingnan ang WP:Salin.
  • B6: Malinaw na paglabag sa karapatang-ari (kung hindi nabago o napainam ayon sa panuntunan ng Tagalog Wikipedia)
  • B7: Bandalismo o pambababoy
  • B8: Pagusbok na pahina (kabilang ang mga pahina sa ilalim ng isang Burador o Sandbox ngunit hindi ang mismong burador)
  • B9: Paglikha muli ng pahina na binura dahil sa usaping naganap (maliban na lamang kung di na nailalapat ang mga argumento na binigay sa usapan)
  • B10: Mga aksyon ng opisina. Sa bihirang pagkakataon, ang Pundasyong Wikimedia ay maaring magbura ng pahina. At maari lamang itong ibalik kung papayag ang Pundasyon.
  • B11: Mga pahina o larawan na nanghahamak, nagbabanta, nanakot, nangigipit ng paksa, tao o entidad na kanilang sinulat at walang ibang layunin
  • B12: Malinaw na spam o promosyon o patalastas
  • B13: Mga artikulong naka-transwiki
  • B14: Hiniling ng may-akda (kung hiniling na may mabuting katapatan at kinakailangang malaki ang inaambag sa pahina ang may-akda, mabubura ang pahina)
  • B15: Teknikal na pagbura
  • B16: Mga pahinang sinalin ng software o machine-translated o ang karamihan ng pahina ay di maaayos ang pagkasalin
  • B17: Mga pahinang nilikha ng hinarang na tagagamit habang nakaharang
  • B18: Mga pahinang dumidepende sa binurang pahina o pahinang wala naman talaga. Halimbawa, kung lumikha ng Usapang pahina na wala namang katumbas na Artikulong pahina.
  • B19: Inabandonang balangkas o draft
  • B20: Halatang inimbento
  • B21: Kategoryang walang laman

Hindi pagbura[baguhin ang batayan]

  • May mga kasong hindi buburahin ng tagapangasiwa
  • Ayon sa napagkasunduan sa usapan.
  • Kung mapapainam naman ang artikulo o nilalaman nito. Maaari gawin ng isang wikipedista o tagapangasiwa ang pagpapainam at pagdaragdag ng kaalaman sa loob ng lathalain.

Mga pahinang buburahin[baguhin ang batayan]

Mga kasalukuyang usapin[baguhin ang batayan]

Mga artikulo[baguhin ang batayan]

Mga iba't ibang pahina[baguhin ang batayan]

Arkibo ng mga resulta ng usapin[baguhin ang batayan]