Ang pahinang ito ay para sa pagbabalik-tanaw at pagpapabuti ng mga napiling artikulong hindi na nakakaabot sa pamantayan ng mga napiling artikulo. Pinapanatili ang mga NA sa mga pangkasalukuyang pamantayan kahit kailan pa man ipinahayag ang mga ito bilang mga napiling artikulo.
Mayroong dalawang baitang sa proseso kung saan magiliw na tinatanggap ang lahat ng manggagamit na mag-ambag.
Pagbabalik-tanaw sa mga napiling artikulo (NABALIK)
Dito, itinataas ang mga usapin at itinatalakay ang mga iminungkahing pagpapabuti nang walang pamamahayag ng "panatiliin" o "alisin". Sa paglilista, dapat tiyakin ng tagapagmungkahi ang mga pamantayan ng mga napiling artikulong tinatalakay at maaaring magmungkahi ng mga lunas. Ang pinakamagandang kakalabasan ay maipuna ang mga usapin at maisara ang pagbabaliktanaw sa baitang na ito nang hindi nagpapalit ng kalagayan. Ang mga nominasyon ay dapat magawa sa mithiin ng pagpapabuti kaysa sa pagkaka-alis.
Ginawa ang mga pagbabalik-tanaw upang makagawa ng ilang hanay ng pagpapabuti sa mga napiling artikulo, mula sa pagdadagdag at maliit na pagbabago, pati na rin ang panunuri ng mga sanggunian at ang mga pagbabanghay nito, hanggang sa pamumuna ng mga mas hugnay na usapin, katulad ng pagbagsak sa mga pamantayang pangkasalukuyan ng isang tuluyan, sa kabuuan at sa pagkawalang-panig.
Nilalagyan ng ganitong tag o tatak sa pahina ng usapan ang isang artikulong "nabalik" o binabalikang-tanaw ang pagka-napiling artikulo, na naglalaman ng isang napilas na talulot ng bituin ():
Sumasailalim ang artikulong ito sa isang pagbabalik-tanaw sa mga napiling artikulo upang matiyak na nakaka-abot ito sa pamantayan ng isang napiling artikulo. Mangyaring magbigay-pansin dito upang makatulong sa proseso at/o maging mapangahas at tahasang pabutihin ang artikulo. Kung inilipat na ang artikulo mula sa paunang panahong pambalik-tanaw nito papunta sa seksiyong Kandidato sa pagkabawi ng kalagayang napiling artikulo, maaari mong suportahan o kalabanin ang pagkakabawi nito.
Karaniwang tumutulong sa proseso ng pagpapabuti ang mga manghaharap; maari silang magbigay ng isang paghaharap lamang sa bawat panahon, hindi maaring magharap ng mga artikulong pinapakita na nasa pangunahing pahina o kaya naman ipinakita roon mga tatlong araw na ang nakararaan, at dapat iwasan ang paghahati ng mga pahinang pambaliktanaw. Tatlo hanggang anim na buwan ang kinikilalang pinakamaikling panahon sa pagitan ng pagkakapili at pagkakaharap dito, maliban na lamang sa mga nakakasamang pagkakataon katulad ng isang radikal na pagbabago sa nilalaman ng artikulo.
Ilagay ang {{NABALIK}} sa tuktok ng pahinang pang-usapan ng ihinarap na artikulo. Isulat ang "pagtatala ng NABALIK" sa kahong pambuod. Pindutin ang "Itala ang pahina".
Paunawa: Kung nakaraan na ang isang artikulo sa prosesong ng NABALIK o KPNA, gamitin ang butong "Ilipat" upang ma-ilipat ang huling paghaharap sa talaan. Halimbawa: Wikipedia:Pagbabaliktanaw sa mga napiling artikulo/Telebisyon → Wikipedia:Pagbabaliktanaw sa mga napiling artikulo/Telebisyon/talaan1
Mula roon, pindutin ang kawing "magbigay-pansin".
Ilagay ang ===[[pangalan ng iniharap na artikulo]]=== sa tuktok ng pahinang pang-ilalim.
Sa ilalim ng pamagat na iyon, isulat ang iyong (mga) dahilan sa paghaharap ng artikulo, na tumitiyak sa (mga) pamantayang NA na nilabag nito. Pindutin ang "Itala ang pahina".
Pumindot dito, at ilagay ang iyong paghaharap sa tuktok ng talaan ng mga ihinarap na artikulo, {{Wikipedia:Pagbabaliktanaw sa mga napiling artikulo/pangalan ng iniharap na artikulo}}, na itinatala ang tiyak na pangalan ng artikulo. Pindutin ang "Itala ang pahina".
Ipaalam ito sa mga mahahalagang partido sa kanilang mga pahinang pang-usapan. Ilan sa mga mahahalagang may-ari ng mga pahinang pang-usapan ay ang mga pangunahing mang-aambag sa artikulo (maari ito malaman sa sulating pangkalagayang pang-artikulo at/o sa mga pahinang pangkasaysayan), ang orihinal na mambabagong nagharap ng artikulo sa pagkakapili, at ang mga WikiProyektong nakakasakop sa artikulo. Mag-iwan ng liham sa tuktok pahinang pampaghaharap na nagsasabing nagawa na ang pagpapa-alam.