Pumunta sa nilalaman

William G. Dever

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si William G. Dever (ipinanganak noong 1933) ay isang Amerikanong arkeologo na ang espesyalisasyon ay sa kasaysayan ng Israel at Sinaunang Malapit na Silangan sa panahon ng Bibliya. Siya ay propesor ng Near Eastern Archaeology and Anthropology sa University of Arizona sa Tucson, Estados Unidos mula 1975 hanggang 2002. Siya ay Natatanging Propesor ng Near Eastern Archaeology at Lycoming College sa Pennsylvania, Estados Unidos. Si Dever ay nagtapos noong 1955 sa Milligan College. Kanyang natanggap ang kanyang Ph.D. mula sa Harvard University, Estados Unidos noong 1966.

Si Dever ang Direktor ng Harvard Semitic Museum-Hebrew Union College sa Paghuhukay sa Gezer mula 1966–71, 1984 at 1990; Direktor ng paghuhukay sa Khirbet el-Kôm at Jebel Qacaqir (West Bank) mula 1967-71; Pangunahing imbestigador sa paghuhukay sa Tell el-Hayyat (Jordan) 1981–85, at Katulong na Direktor sa University of Arizona Expedition sa Idalion, Cyprus, 1991, kasama sa iba pang mga paghuhukay[1].

Kanyang ginamit ang kanyang malawak na kaalaman sa larangan ng arkeologo sa Sinaunang Malapit na Silangan (Ancient Near East) upang ipangatwiran sa kanyang aklat na Did God Have a Wife? Archaeology and Folk Religion in Ancient Israel/Ang Diyos ba ay May Asawa? Arkeolohiya at Katutubong Relihiyon sa Sinaunang Israel (2005), para sa pagpapatuloy ng pagsamba kay pAsherah sa pang-araw araw na relihiyon ng 'ordinaryong mga tao'[2] sa sinaunang Israel at Judah. Sa pagtalakay sa malawak na arkeolohikal na ebidensiya mula sa iba't ibang lugar sa Israel na pinetsahan sa pagitan ng ika-12 at ika-8 siglo BCE [3], ikinatwiran ni Dever na ang katutubong relihiyon na ito kasama ng mga lokal na sambahan at mga bagay na kultiko, anting anting at mga handog ay lumalarawan sa pananaw ng karamihan ng populasyon at ang nakasentro sa Jerusalem na aklat ng relihiyon ng pangkat na Deutoronomista na inilatag sa Tanakh ay tanging ang ekskulsibo sa mga elitista na isang malaking impraktikal na relihiyosong kanais nais (ideal).[4].

Ang mga pananaw ni Dever sa pagsamba kay Ashera ay batay sa mga inskripsiyon sa Khirbet el-Qom at Kuntillet Ajrud[5]. Sa kanyang pagreretiro, si Dever ay kalimitang may-akda sa mga katanungan ukol sa historisidad ng Bibliya. Ayon kay Dever,

I am not reading the Bible as Scripture… I am in fact not even a theist. My view all along—and especially in the recent books—is first that the biblical narratives are indeed 'stories,' often fictional and almost always propagandistic, but that here and there they contain some valid historical information. That hardly makes me a 'maximalist.'[6]

Hindi ko binabasa ang Bibliya bilang kasulatan. Ang katunayan, hindi ako teista. Ang pananaw ko sa simula pa at lalo sa mga kamakailang aklat-ay una ang mga salaysay sa Bibliya ay talagang mga 'kuwento' na kalimitang hindi totoo at palaging propagandistiko ngunit sa iba't ibang lugar ay naglalaman ng ilang kasaysayang historikal.

at

Archaeology as it is practiced today must be able to challenge, as well as confirm, the Bible stories. Some things described there really did happen, but others did not. The Biblical narratives about Abraham, Moses, Joshua and Solomon probably reflect some historical memories of people and places, but the 'larger than life' portraits of the Bible are unrealistic and contradicted by the archaeological evidence.[7]

Ang Arkeolohiya gaya sinasanay sa kasalukuyan ay dapat humamon gayundin kumupirma sa mga kuwento ng Bibliya. Ang ilang mga kuwento dito ay talagang nangyari ngunit ang iba ay hindi. Ang mga salaysay nina Abraham, Moises at Josue ay malamang nagpapakita ng ilang mga ala-alang historikal ng mga tao at lugar ngunit ang 'malaki sa buhay'(kahanga hangang) na mga paglalarawan ng Bibliya ay hindi realistiko (hindi makatotohanan) at sinasalungat ng ebidensiyang arkeolohikal.

Gayunpam, si Dever ay maliwanag rin na ang larangang historikal ay dapat makita sa mas malawak na larawan kesa sa kung paano ito iniuugnay sa Bibliya:

The most naïve misconception about Syro-Palestinian archaeology is that the rationale and purpose of 'biblical archaeology' (and, by extrapolation, Syro-Palestinian archaeology) is simply to elucidate the Bible, or the lands of the Bible[8]

Ang pinaka-mangmang na maling paniniwala sa arkeolohiyang Syro-Palestinian ay ang katwiran at layunin ng arkeolohiyang Biblikal (at sa ekstrapolasyon, ng arkeolohiyang Syro-Palestinian) ay upang liwanagin ang Bibliya o mga lupain sa Bibliya.

Si Dever naging propesor sa Lycoming College noong 2008. Siya ay hinirang na Natatanging Propesor ngNear Eastern Archaeology.[9]

Mga napiling aklat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

A complete list of Dr. Dever's publications is available at the University of Arizona's online CV for him Naka-arkibo 2010-06-27 sa Wayback Machine..

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Detailed curriculum vitae Naka-arkibo 2010-06-27 sa Wayback Machine., University of Arizona. Accessed 2007-09-19.
  2. Dever, William G. (2008) Did God Have a Wife ? Archaeology and Folk Religion in Ancient Israel. (Paperback edition). Cambridge: Eerdmans, page 314
  3. Dever, William G. (2008) Did God Have a Wife ? Archaeology and Folk Religion in Ancient Israel. (Paperback edition). Cambridge: Eerdmans, pages 110 - 175
  4. Dever, William G. (2008) Did God Have a Wife ? Archaeology and Folk Religion in Ancient Israel. (Paperback edition). Cambridge: Eerdmans, page 90
  5. Dever, William G. (2008) Did God Have a Wife ? Archaeology and Folk Religion in Ancient Israel. (Paperback edition). Cambridge: Eerdmans, pages 153 - 4, 219 - 21
  6. Dever, William G. (2003). "Contra Davies". The Bible and Interpretation. Nakuha noong 2007-02-12. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dever, William G. (2006). "The Western Cultural Tradition Is at Risk". Biblical Archaeology Review. 32, No 2: 26 & 76. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Dever, William G. "Archaeology". The Anchor Bible Dictionary. p. 358.
  9. Announcement of appointment Naka-arkibo 2010-03-17 sa Wayback Machine., Lycoming College.