Wolfgang (banda)
Wolfgang | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Manila, Pilipinas |
Genre | Heavy Metal, Hard Rock, Grunge |
Taong aktibo | 1992 – 2002, 2007 – kasalukuyan |
Label | Ivory Records Sony BMG Music Entertainment Semenelin Music |
Miyembro | Basti Artadi (vocals) Mon Legaspi (bass) Manuel Legarda (guitars) Francis Aquino (drums) |
Dating miyembro | Leslie "Wolf" Gemora (drums) |
Website | http://wolfgang.bandpages.info |
Ang Wolfgang ay isang Pilipinong heavy metal, hard rock at grunge na banda na nagsimula noong 1992 sa Manila, Philippines. Tanyag ang Wolfgang bilang nag-iisang Pilipinong rock band na nakapag labas ng mga album sa Japan at sa Estados Unidos at sa pagkamit ng Platinum record sales sa kanilang tinubuang bansa.[1] Ang quartet ay nagpahina mula sa musika noong 2002, pero nagbalik noong 2007.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula sa musika ang mang-aawit na si Basti Artadi (pinanganak Sebastian Artadi) at ang drummer na si Wolf Gemora (pinanganak Leslie Gemora) sa iba't-ibang mga lokal na banda, samantala ang gitaristang si Manuel Legarda ay nagbalik sa Pilipinas mula sa kanyang pagtira sa bansang Espanya. Ang tatlo ay na-inspire na magsimula ng banda habang dinadalas nila ang mga konsiyerto ng isa pang tanyag na pilipinong pangkat, ang Razorback, na nagpangalan sa tatlo bilang "Wolfpack".[2] Kinalinga nila ang palayaw para sa pangalan ng kanilang banda, "Wolfgang", sa panukala ni David Aguirre, isa sa mga gitarista ng Razorback.[3]
Ang musika sa Pilipinas ay malaking na-impluensya ng mga western artists at kumuha ang Wolfgang ng inspirasyon mula sa mga bandang Metallica, Soundgarden, Carlos Santana, Pearl Jam, The Doors, Black Sabbath, Sepultura, at kanilang hinahangaang Led Zeppelin, Pink Floyd at Aerosmith, kasama ng iba pa. Nagsimula silang tumugtog ng 'live' sa dating 'Atrium' at sa 'Kalye' sa lungsod ng Makati. Madaling dumating at umalis sa banda ang kanilang mga Bass players hanggang sa pagsali ni Mon Legaspi (pinanganak Ramon Legaspi), na sa wakas ay nag semento ng linya ng banda. Ang kanilang unang oportunidad na makilala ay nanggaling sa pagtugtog sa RJ Junior Jam ng Channel 29.
Miyembro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasalukuyatg Miyembro
- Basti Artadi (Vocals)(1992-present)
- Mon Legaspi (Bass Gitara)(1992-present)
Diskrographiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Title | Date of release (Philippines) | Record label |
---|---|---|
Wolfgang | 1995 | Ivory Music (Formerly Ivory Records) |
Semenelin | 1996 | Sony BMG Music Entertainment |
Wurm | 1997 | |
Serve In Silence | March 1999 | |
Acoustica | 2000 | |
Black Mantra | August 2001 | |
Villains | December 2008 | Semenelin Music |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official Website Naka-arkibo 2013-02-11 sa Wayback Machine.
- Wolfgang in full volume - SunStar article on Wolfgang Naka-arkibo 2007-04-28 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ De Mesa, Karl R. "Cry Havoc... The Sons of Anarchy are Back". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-31. Nakuha noong 2009-03-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Caruncho, Eric S. (2008-12-07). "Black with a Vengeance". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-21. Nakuha noong 2009-03-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wolfgang: Wolfgang, Liner notes, 2001
Parangal | ||
---|---|---|
Sinundan: "The Jerks" The Jerks |
NU Rock Awards Album of the Year "Serve In Silence" together with Grip Stand Throw 1999 |
Susunod: "Free" Rivermaya |