Pumunta sa nilalaman

Rivermaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rivermaya
Ang Rivermaya noong 2007 sa UP Diliman
Ang Rivermaya noong 2007 sa UP Diliman
Kabatiran
PinagmulanManila, Pilipinas
GenreOPM / Pinoy rock
Alternative rock
Pop rock
Hard rock
Taong aktibo1993 – kasalukuyan
LabelBMG Records Pilipinas
Viva Records
Warner Music
MiyembroMark Escueta
Mike Elgar
Nathan Azarcon
Dating miyembroRico Blanco
Jayson Fernandez
Bamboo Mañalac
Perfecto de Castro
Kakoi Legaspi
Norby David
Ryan Peralta
Websitewww.rivermaya.ph

Ang Rivermaya ay isang maimpluwensiyang bandang Pinoy alternative rock na nabuo noong 1993. Ito ay binubuo ni Mark Escueta, Mike Elgar, Japs Sergio, Jayson Fernandez, Ryan Peralta, at Norby David. Ang kanilang musika ay nagbago mula ordinaryong rock, hard rock, pop, progressive at iba pa. Sila ang ikalabing tatlong pinakamabentang musiko sa Pilipinas.

Pagkabuo at unang mga taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga unang myembro ay binuo nina Jesse Gonzales bilang mang-aawit, Kenneth Ilagan sa gitara, Nathan Azarcon sa bass na gitara, Rome Velayo sa tambol, at Rico Blanco sa keyboards at ikalawang mang-aawit. Si Lizza Nakpil ang kanilang tagapamahala at si Chito Rono ang director na gusto silang gawin isang rock show band. Xaga ang tawag sa kanilang banda noon.

Orihinal na tauhan at tagumpay sa pangunahing kalakarang pangmusika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa proseso ng lubos na pag-eensayo, si Ilagan ay napalitan ni Perfecto “Perf” de Castro, kababata ni Azarcon; si Mark Escueta naman ay pumalit kay Velayo; at si Francisco “Bamboo” Manalac ay pumalit kay Gonzales. Nung si Bamboo na ang pangunahing bokalista ng banda, napagdesisyunan ng mga myembro na palitan ang Xaga at gawing Rivermaya ang opisyal na pangalan ng banda. Sinimulan nila ang paggawa ng orihinal na kanta tulad ng “Ulan”, “214”, at “Awit ng Kabataan” (karamihan ay sinulat ni Rico Blanco) upang makahatak ng atensiyon sa mga recording companies.

Nathan performing.
Si Nathan Azarcon ay isa sa mga myembro ng Rivermaya mula 1993 hanggang 2001.

Noong Nobyembre 1994, inilabas ng banda ang kanilang unang album na pinamagatang Rivermaya, at ang kanilang unang kanta “Ulan”; na sinundan ng “214”. Matapos hangaan dahil sa kanyang bagong tunog, ang album ay naging isa sa mga tinitingalang album noong 1990s.

Dahil sa mgkakaibang pananaw sa musika, Si Perf de Castro ay umalis sa grupo at gumawa ng sariling banda, ang Triaxis.

Ang ikalawang album ng banda, ang ‘’Trip’’, ay sinundan ng kantang “Kisapmata”, “Himala”, at “Panahon Na Naman”. Si Whilce Portacio, ang gumawa ng “Bishop” ng X-Men at isa sa mga nagtayo ng Imaga Comics, ang gumawa ng disenyo para sa album na Trip.

Noong 1997, inilabas ng banda ang ikatlong album, Atomic Bomb, kasama ang single na “Hinahanap-hanap Kita”. Nagkaroon ng mabuting pagtanggap ang album mula sa mga tagapakinig at naging madalas na itong naririninig sa mga estasyon ng radyo. Noong panahon ding ito, inilabas din ng Rivermaya ang the RIvermaya Remixed album, na nabuo sa tulong n DJ Toti-Dalmacion ng Groove Nation

Ang pag-alis ni Bamboo at ang ikalawang line-up

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng mga tours sa Estados Unidos at Canada. Dito nila nakuha si Raymund Marasigan (mula sa Rapcore group “G-spot at sesyonista ng “Slapshock”) bilang isang sesyonista. Dito napagdesisyunan ni Bamboo Manalac na manatili sa Estados Unidos. Nung 2003, gumawa sya ng kanyang sariling banda, ang Bamboo.

Rico Blanco performing.
Si Rico Blanco, ang pangunahing manunulat ng banda; siya ang naging pangunahing gitarista pagkaalis ni Perf de Castro at pagkatapos ay naging pangunahing bokalista ng banda pagkaalis ni Bamboo noong 1999.

Nagpatuloy pa rin ang Rivermaya, ngayon si Rico Blanco ang naging pangunahing mang-aawit at inilabas nila ang kanilang ikaapat na album, It’s Not Easy Being Green na naglalaman ng mga kantang “Nerbyoso”, “Shatter Like”, at “Rodeo”.

Inilabas nila ang kanilang ikalimang album na tinawag na Free dahil ito ay libre sa internet at ang "CD" ng album ay libre nilang pinamimigay sa kanilang mga tinutugtugan. Ito ay pinarangalang “Best Album of 2000” ng NU Rock Awards.

Umalis si Nathan Azarcon sa banda na nghudyat sa pagbabago sa mga miyembro nito. Kumumpleto sa miyembro ng banda sina Victor “Kakoi” Legaspi” (mula sa Mr. Crayon) bilang gitarista at si Mike Elgar (mula sa 7 Foot Junior) at si Japs Sergio (mula sa Daydream Cycle) sa gitarang bass.

Kasama ang bagong mga miyembro naglabas ang banda ng kantang Tuloy ang Ligaya, na kasama sa EP na “Alab ng Puso” na naglalaman din ng remix ni Raimund Marasigan na Squid 9.

Inilabas ng banda ang mga album na Tuloy ang Liagaya at Between the Stars and the Waves na naglalaman ng mga kantang tulad ng “Umaaraw, Umuulan”, “Wag Na Init Ulo, Baby”, “A Love to Share”, “Balisong”, “Sunday Driving”, “Table for Two”, “241”, at “Atat”.

Umalis banda si Kakoi Legaspi nung 2004.

Tagumpay sa labas ng bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakahanap ang banda ng ilang mga taong makakatulong pinansiyal sa knila para mailabas ang kanilang mga kanta tulad ng “Liwanag Sa Dilim”, “Posible”, at “You’ll be Safe Here”.

Ang “You’ll Be Safe Here”, orihinal na ginawa para sa serye sa telebisyon na Spirit (idinirekta ng co-maanager ng Riverymaya na si Chito Rono), ang kantang nagdala sa Rivermaya sa labas ng bansa. Nglabas sila ng EP katulong ang Warner Music Philippines kasama ang ang kantang ito. Ito rin ang kanta na napili ng MTV Asia upang tugtugin sa 2006 Asia Awards. Pinakilala ni Kelly Rowland ng Destiny’s Child ang banda at ang Thailand’s Royal Symphony Orchesta ang kanilang naging back up nung sila ay tumutugtog. Ito ang unang beses na naimbitahan ang isang Pilipinong banda sa okasyon na iyon.

Ang kanilang album, na pinangalanang “You’ll Be Safe Here” ay pinamahagi sa mga bansang Singapore, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Ang Rivermaya ay nagkaroon ng sunud-sunod na Asian tours, kasama na ang Thailand’s Pattaya Music Fest (2008, 2009), Singapore’s Mosaic Festival, Bangkok’s Fat Fest, at Indonesia’s MTV Stayng Alive show.

Sa Pilipinas, ang The Rivermaya Greatest Hits 2006 album sa Viva Records ay nasundan ng isang pang album na inaalay nila para sa mga bayani ng musikang Pilipino na pinamagatang Isang Ugat, Isang Dugo.

Sa katapusan ng Marso 2007, nagkaroon ulit ng bagong tagumpay ang kanilang mga videos na “You’ll Be Safe Here” at ang bagong areglo ng “Balisong”. Ito ang pagkakapili sa kanila bilang unang musikero sa Asya na nagkaroon ng "full-length music video" sa Star World Channel.

Sa loob ng 2008-2009 tumugtog ang Rivermaya sa Marina Bay New Years’ Countydown sa Singapore at naging kaunaunahang Pilipinong banda na naimbitahang tumugtog sa 2009 Formula 1 Singapore Grand Prix.

Pag-alis ni Rico Blanco

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nung Mayo 2007, nagkaroon ng balita na aalis na si Rico Blanco sa grupo. Ayaw magbigay ng pahayag ang tagapamahala ng banda pati na rin ang mga myembro ng banda. Matapos ang ilang araw, opisyal na inanunsyo ni Rico Blanco ang kanyang pag-alis sa grupo. Tinanggap ng banda at ng mga tagapamahala nito ang pag-alis ni Rico Blanco at itinanggi ang balitang mawawala na ang banda. "No one member is greater than the whole," sabi ng tagapamahala ng banda sa isang opisyal na pahayag nung 14 Hunyo 2007.

Pagkaalis ni Rico Blanco, naglabas ng bagong kanta ang Rivermaya na pinamagatang “Sayang”, na isinulat ni Japs Sergio. Tinukoy ng banda na “an open letter to the fans” ang awiting ito.

Inanunsyo rin ng Studio 23 ang pagpili nila sa Rivermaya upang gawin ang bagong theme song ng estasyon. Pinamagatang “Sumigaw” ang bagong kanta at minarkahan ang paglabas ng ikalawang kanta sa loob lamang ng dalawang buwan na ngpabilis sa paglalabas ng mga bagong kanta ng banda (Noon, isang kanta lang ang nailalabas nila kada 12 buwan).

Noong 11 Agosto 2007, sa isang maliit na pagtitipon sa Mogwai Bar and Cafe sa Cubao’s Marikina Shoe Expo, inilabas ng Rivermaya ang kanilang limang kantang EP na pinamagatang Bagong Liwanag. Itong limang kantang EP ay nasa ilalim ng sariling leybel ng banda, Revolver Music, at licensed ng Warner Music Philippines.[1]

Nagpatimpalak din ang Rivermaya para sa bagong mang-aawit. Sa mahigit 400 kandidato, 80 lamang ang napii para sa huling bahagi. Ipinalabas ang patimpalak sa estasyon ng Studio 23 sa telebisyon at pinamagatang itong Bagong Liwanag. Kasama ng mga myembro ng banda, ang manager ng Rivermaya na si Lizza Nakpil, gitarista ng The Dawn na si Francis Reyes, at base ng Razorback na si Louie Talan ang nagsilbing mga hurado.

Bagong frontman at ikatlong pagbabago ng line-up

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nung Oktobre 24, 2007, ang 18-anyos na si Jayson Fernandez ang nanalo at naging bagong miyembro ng Rivermaya.

Noong Pebrero 2008, naglabas ang Rivermaya ng album pinamagatang "Buhay" na nglalaman ng kantang “Sugal ng Kapalaran” na sinulat ni Sergio. Si Fernandez at Sergio ang kumanta, habang si Elgar at Excueta ang nagsilbing pangalawang mangaawit.

Ika-apat na pagbabago ng line-up hanggang kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 2008, pagkatapos matagpuan ang ilang mga anomalyang pinansiyal ng banda, pinaalis ng banda ang kanilang matagal ng tagapamahala na si Lizza Nakpil. Kinasuhan siya ng estafa at binigyan ng Writ of Preliminary Injunction na nagbabawal sa kanya na makialam pa sa Rivermaya.

Noong 31 Disyembre 2008 tumugtog ulit ang banda sa Singapore para sa Marina Bay New Year Countdown.

Noong Setyembre, 2009, ang Rivermaya ay ang kauna-unahang bandang pinoy na naimbitahan na tumugtog sa tatlong magkakaibang entablado sa naganap na 2009 Formula 1 Grand Prix. Sa buwan at taong ding iyon, inalabas ng banda and kanilang ika-10 album na “Closest Thing to Heaven” na kabilang ang kantang “Dangal” na una nilang nilabas na kanta.

Noong 22 Pebrero 2011, sinabi ng Rivermaya sa pamamagitan ng kanilang pahina sa Facebook na maglalabas sila ng music video pinamagatang “Remenis” at pormal na ipapakilala ang kanilang mga bagong myembro na sina Norby David at Ryan Peralta.

Mga Miyembro ng Banda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkasalukuyang myembro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mark Escueta – tambol, mang-aawit, okasyonal sa perkusyon (1993–present); occasional gitara (2007–kasalukuyan)
  • Mike Elgar – gitara, mang-aawit (2001–kasalukuyan); keyboards (2007–2011)
  • Japs Sergio – bass na gitara, mang-aawit (2001-kasalukuyan); okasyonal gitara (2007–kasalukuyan)
  • Jayson Fernandez – pangunahing mang-aawit, gitara (2007–kasalukuyan); (kasalukuyang nasa hiatus)
  • Ryan Peralta – keyboards, percussions (2011–kasalukuyan)
  • Norby David – gitara, okasyonal sa bass na gitara, mang-aawit (2011–kasalukuyan)

Mga dating Miyembro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rico Blanco – pangunahing mang-aawit (1999–2007); gitara, keyboards (1993–2007)
  • Nathan Azarcon – bass na gitara, mang-aawit (1993–2001)
  • Francisco "Bamboo" Mañalac – pangunahing mang-aawit (1993–1999)
  • Perfecto "Perf" de Castro – gitara, mang-aawit (1993–1995)
  • Victor "Kakoi" Legaspi – gitara (2001–2004)
  • Mark Escueta - Tambol(1993–2001)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rivermaya launches 'Bagong Liwanag' EP". GMANews.TV. 2007-08-16. Nakuha noong 2008-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Parangal
Sinundan:
"Grip Stand Throw" & "Serve In Silence"
Sandwich (band) & Wolfgang
NU Rock Awards
Album of the Year
"Free (Rivermaya album)"

2000
Susunod:
"4-Track Mind (Sandwich Album)"
Sandwich

Padron:Rivermaya Padron:Rico Blanco Padron:Bamboo