DZRJ-TV

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
DZRJ-TV
Metro Manila
Lungsod ng lisensiya Makati City
Tatak 2nd Avenue on RJTV
Islogan Women First
Mga kanal Analog: 29 (UHF),
Digital: DWCP-TV 22 (UHF)
Kaanib ng 2nd Avenue
May-ari Rajah Broadcasting Network
Itinatag Mayo 1993
Kahulugan ng tatak pantawag DZ
Ramon
Jacinto
(owner and founder of RBN, also taken from sister AM and FM radio stations)
Lakas ng transmisor 60 KW TPO
(500 kW ERP)
Websayt www.RJplanet.com

Ang RJTV 29 (kilalang tawag bilang DZRJ-TV) ay isang estasyon ng telebisyon sa UHF, na pagmamay-ari at ginagamit ng Rajah Broadcasting Network, Inc. na kung saan ay pagmamay-ari din ni Ramon "RJ" Jacinto. Ginagamit din ng Solar Entertainment Corporation bilang 2nd Avenue. Ang RJTV 29 ay pinapalabas sa lugar ng Kalakhang Maynila, at ito ay naka-base bilang ‘must carry basis’ sa lahat ng cable network. Ang studio nito ay matatagpuan sa Ventures I Bldg., Makati Ave. katabing Daang Hen. Luna, Lungsod ng MakatiAt ang transmisor nito ay matatagpuan sa Brgy. San Roque Purok 19, Daang San Lorenzo Ruiz, Lungsod ng Antipolo. Ang RJTV ay dating nag-eere 24 oras, ngunit nilimitahan ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi noong 22 Nobyembre 2012 dahil na din sa ipinalabas na kautusan mula sa NTC patungkol sa mga kanal na ginagamit ng ibang network.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nag-umpisa ang test broadcast nito noong Abril 1993, at naging opsiyal ang telekast nito sa sumunod na buwan. Ang pormat ng kanal na ito noon ay halu-halong mga sesyon ng tugtugan, balitang lokal, usapan, at ang kauna-unahang Home TV shopping na programa.

Noong 1995, nagpalabas naman ito ng mga cartoon at animated na programa upang masubaybayan ng mga kabataan. Ngunit noong 1997, dahil na din sa mahigpit na kompetisyon laban sa Studio 23 at noo'y CTV-31 (na ngayo'y kilala bilang BEAM Channel 31 at isa din sa mga affiliator ng Solar Entertainment Corporation ngayon bilang Jack City), ang RJTV ay nag-focus na lang sa dati nitong mga programa.

Noong 1 Enero 2008, bilang tugon at resulta na din sa paggamit ng Solar Entertainment Corporation ng mga lokal/terestriyal na networks sa free TV, ang RJTV 29 ay nagsimulang ipalabas ang ilang programa ng 2nd Avenue, ngunit maaaring mabakante ang ilang programa nito para sa kanilang lokal na programa nila.

Nitong 9 Setyembre 2012, ang RJTV 29 ay pansamantalang nagsara sa ere kasabay din ng pagsara ng 3ABN/Hope Channel PHL 45. Napag-alaman na ang kanal na ito ay pansamantalang inaayos at ina-upgrade ang transmisor nito. Nagbalik din ito sa ere noong 21 Nobyembre 2012.

Mga kaugnay na artikulo[baguhin | baguhin ang batayan]