Yam Laranas
Si Yam Laranas (ipinanganak noong Disyembre 12, 1978) ay isang direktor at sinematograpo ng pelikula mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Lungsod ng Davao. Kilala siya sa paggawa ng mga pelikulang katatakutan at noong 2005, nakatanggap ang pelikula niyang Sigaw ng internasyunal na palabas (partikular sa Malaysia at Singapore) at nagkaroon ng pamagat na The Echo sa ibang bansa.[1] Nagkaroon ng remake o muling paggawa ang pelikulang The Echo noong 2008 sa Hollywood at si Laranas din ang nagdirehe.[2][3]
Ang isa pang kilalang niyang gawang pelikulang katatakutan ang The Road noong 2012 na nagkaroon din ng internasyunal na paglabas (partikular sa Estados Unidos).[4][5] Ilan lamang sa iba pa niyang mga nagawang pelikula: Ikaw Lamang Ang Mamahalin, Balahibong Pusa, Radyo, Ikaw Lamang Hanggang Ngayon, Patient X[6] at Hibla.
Nag-aral si Laranas ng paggawa ng pelikula sa Mowelfund Film Institute at isa rin siyang propesor ng sinematograpiya sa Pamantasang Ateneo de Manila.[7] Nagkamit ng limang parangal ang kanyang pelikula noong 2018 na Aurora kabilang ang pinakamahusay na sinematograpiya.[8] Lahok ang pelikulang Aurora sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (o Metro Manila Film Festival) na siya ring nabigay ng parangal.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diño-Seguerra, Liza (2021-10-31). "Unleashing (Pinoy) horror to the world". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Film Review: The Echo (2008)". Horror News | HNN (sa wikang Ingles). 2010-10-26. Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hawson, Fred (2020-01-23). "Movie review: Madness in the morgue in Yam Laranas' 'Nightshift'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Catsoulis, Jeannette (2012-05-10). "Crawling Backward in Time Into Haunted Real Estate". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kilday, Gregg; Kilday, Gregg (2012-03-20). "Freestyle Acquires Yam Laranas' 'The Road'". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lo, Ricardo F. (Agosto 29, 2009). "Richard now a producer". The Philippine Star (sa wikang Ingles). PhilStar Daily. Nakuha noong Setyembre 24, 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Exclusive Interview: Yam Laranas Talks The Road, Where He's Heading for His Next Project and More" (sa wikang Ingles). DreadCentral.
- ↑ Severo, Jan Milo (2018-12-28). "'Rainbow's Sunset' big winner at 2018 MMFF awards night". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cruz, Marinel R. (2018-12-28). "'Rainbow's Sunset' bags most MMFF awards in Gabi ng Parangal". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2022-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)