Yanka Kupala
Yanka Kupala (Janka Kupała, Biyeloruso: Я́нка Купа́ла; Hulyo 7 [Lumang Estilo Hunyo 25] 1882 – 28 Hunyo 1942) – ay pangalang manunulat ni Ivan Daminikavich Lutsevich (Biyeloruso: Іва́н Даміні́кавіч Луцэ́віч), isang manunulat at makatang Belaruso. Si Kupala ay tinaguriang isa sa mga pinakamagaling na manunulat sa salitang Belaruso ng ika-20 Siglo.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kupala ay ipinanganak noong 7 Hulyo 1882 sa Viazynka, isang tirahang folwark malapit sa Maladzyechna. Ang kanyang pamilya ang nagmula sa angkan ng Szlachta, ngunit ang parehong magulang ni Kupala ay nanungkulan bilang mga nangungupahan magsasaka sa folwark. Si Kupala ay ipinanganak na mahirap. Siya ay tumanggap ng ttradisyonal na kaalamang Belaruso at natapos niya ang pag-aaral noong 1898. Nang mamatay ang kanyang ama noong 1902, napilitang mamasukan si Kupala bilang isang guro, tindero at tagapag-ingat ng mga talaan.
Ang unang seryosong isinulat ni Kupala ay ang Ziarno, madamdamin tula sa salitang Poland na kanyang natapos noong 1903-1904 sa sagisag-panulat "K-a." Ang kanyang unang gawa sa salitang Belaruso ("Мая доля") ay noong 15 Hulyo 1904. At ang kanyang unang tula na nalathala ay, "Мужык" ("Peasant"), nalathala it o makalipas ang isang taon, lumabas sa salitang Belaruso sa Pahayagang Russophone Belarusian Severo-Zapadnyi Krai (Northwestern Krai) noong 11 Mayo 1905. Marami sa mga tula ni Kupala ay nalathala sa Pahayagang Belaruso Nasha Niva magmula 1906 hanggang 1907.
Sa Vilnius at St. Petersburg
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kupala ay umalis sa Belarus at nagtungo sa Vilnius noong 1908, kung saan niya ipinagpatuloy at kanyang karera bilagn isang makata. Ng taong din iyon ay nalathala ang kanyang koleksiyon ng mga tula, Жалейка (Ang Maliit ng Bansi) na nagdulot ng galit sa pamahalaang czarist, at ipinagutos na ipagbawal at likumin ang lahat ng aklat dahil ito ay isang laban sa pamahalaan. Ang kautusan sa pagkakahuli kay Kupala ay binawi noong 1909, ngunit ang pangalawang tangka ng paglathala ay muling kinumpiska, sa pagkakataong ito ay ang mga lokal na awtoridad ng Vilnius. Itinigil muna ni Kupala ang pagsusulat para sa Nasha Niva upang maiwasan ang pagkasira ng reputasyon ng pahayagan.
Pumunta si Kupala sa St. Petersburg noong 1909. Nang sumunod na taon nakitaan siya ng maraming gawa sa publikasyon, kasama na rito Адвечная песьня (Walang Hanggan Awit), na nailathala bilang isang aklat sa St. Petersburg noong Hulyo 1910. Сон на кургане (Pangarap sa isang Parihuwela)– natapos noong Agosto 1910 – na sumisimbulo sa mahirap na pamumuhay ng mga taga Belaruso. Umalis si Kupala ng St. Petersburg at nagbalik sa Vilnius noong 1913. Isa sa mga naka0impluwensiya kay Kupala ng mga taong 1910s ay si Maxim Gorky.
Panahon ng Sobyet
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbago ang pamamaraan ng pagsusulat ni Kupala magsimula ng Malaking Rebolusyong Oktubre noong 1917. Ilan sa maraming pagsasalin na ginawa ni Kupala sa salitang Belaruso ay ang internationalist-Marxist anthem The Internationale. Gayunpaman, napanatili ni Kupala ang kanyang koneksiyon sa mga anti-Soviet taal na makabayang emigres ng Belarusian National Republic, na nagpayo sa kanya na sumapi sa sa kanilang pagtatago sa Czechoslovakia habang siya ay nasa ibang bansa noong 1927. Habang sa kanilang lugar ay namumuo ang hinala ng mga awtoridad, dumami ang kritisismo dahil na sa mga napabalitang pagpanig niya sa taal na nasyonalismo. Ng mga panahong iyon ay pinigil ang paglathala ni Kupala ng kanyang paghingi ng tawad sa papamagitan ng isang sulat noong 1930s.
Si Kupala ay nabigyan ng gantimpalang Kautusan ni Lenin noong 1941 para sa kanyang koleksiyon ng tulang Ад сэрца (Mula sa Puso).
Nang Sakupin ang Belarus ng mga Alemanyang Nazi noong 1941, dahil sa kanyang malubhang sakit, lumipat siya ng Mosko at pagkaraan ay sa Tatarstan. Gayunpaman sumulat pa rin siya ng mga tula sa panig ng Belarusian partisans na lumalaban sa mga Alemanyang Nazi. Naging misteryoso ang kanyang pagkamatay sa Mosko noong 1942, nahulog siya sa hagdan ng Hotel Moskva. Ipinalagay ng mga otoridad na aksidente ang kanyang pagkamatay, ngunit may mga nagsasabi na ito ay isang uri ng pagpapatiwakal o dili kaya ay pagpaslang.
Siya ay kinilalang simbolo ng Kultura ng Belaruso sa panahon ng Sobyet. Isang museo ang inorganisa sa Minsk sa pamamagitan ng kanyang maybahay noong 1945, ito ay nangungunang museong pampanitikan sa Belaros. Ang kanlurang Lungsod ng Hrodna ay tahanan ng Pambansang Unibersidad Yanka Kupala , na itinayo noong1978.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Yanka Kupala's sonnets Naka-arkibo 2012-03-16 sa Wayback Machine. translated by Vera Rich