Yatomi
Yatomi 弥富市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa taas: Gusaling Panlungsod ng Yatomi; Mitsumata-pond park; Panoramang urbano ng Yatomi; Tatsuta polder sluice gates | |||
| |||
Kinaroroonan ng Yatomi sa Prepektura ng Aichi | |||
Mga koordinado: 35°7′N 136°43′E / 35.117°N 136.717°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 49.00 km2 (18.92 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Disyembre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 44,589 | ||
• Kapal | 910/km2 (2,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Sakura | ||
- Bulaklak | Antirrhinum majus | ||
Bilang pantawag | 0567-65-1111 | ||
Adres | Minamihonda 335,Maesu-cho, Yatomi-shi, Aichi-ken 498-8501 | ||
Websayt | City of Yatomi Opisyal na websayt |
Ang Yatomi (弥富市 Yatomi-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Disyembre 2019[update], may tinatayang populasyon na 44,589 katao ang lungsod sa 18,185 mga kabahayan, at kapal ng populasyon na 910 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado.[1] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 49.0 square kilometre (18.9 mi kuw).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumitaw ang pangalang Yatomi bilang pangalan ng pook sa mga dokumentong buhat sa panahong Kamakura, bilang bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Owari. Noong panahong Edo, nakilala ang lugar sa pagpapa-alaga ng mga goldpis na ginagamit bilang palamuti. Noong panahong Meiji, binuo sa lugar ang mga nayon sa ilalim ng Distrito ng Kasai, Prepektura ng Aichi, kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ang Distrito ng Kasai ay naging Distrito ng Ama, Aichi paglaon. Itinatag ang bayan ng Yatomi noong Agosto 26, 1903. Ang Bagyong Isewan noog Setyembre 26, 1959 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa lugar. Hindi nagtagumpay ang mga pagtangkang isanib ang Yatomi sa karatig bayan ng Kanie noong 2004 dahil sa pagtatalo hinggil sa pagpapangalan ng magiging bagong entidad.
Itinatag ang lungsod ng Yatomi noong Abril 1, 2006, mula sa pagsasanib ng bayan ng Yatomi at ng nayon ng Jūshiyama (na mula sa Distrito ng Ama).
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Yatomi sa pambaybaying mga kapatagan ng kanlurang dulo ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Mie sa kanluran. Mayroon itong maigsing baybaying-dagat sa Look ng Mikawa ng Karagatang Pasipiko sa timog-silangan.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng Yatomi sa nakalipas na 60 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1960 | 20,440 | — |
1970 | 27,311 | +33.6% |
1980 | 36,457 | +33.5% |
1990 | 38,971 | +6.9% |
2000 | 42,175 | +8.2% |
2010 | 43,280 | +2.6% |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Yatomi City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Yatomi population statistics
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Yatomi, Aichi sa Wikimedia Commons
- Opisyal na websayt ng Lungsod ng Yatomi (sa Hapones)