Pumunta sa nilalaman

Ñ

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Ñ ay nasa kanan ng L sa tekladong Kastila.

Ang Ñ o enye ang ika-15 na titik sa alpabetong Filipino at Kastila na nasa pagitan ng N at NG. Kinakatawan nito ang tunog na [ɲ].

Sa Kastila, mayroong pinagkaiba ang bigkas ng ñ, ni + patinig, at ny: ang una ay binibigkas bilang [ɲ], ang ikalawa bilang [nj], at ang ikatlo bilang [nʒ] o [nʝ], depende sa bansa.

Sa Filipino, at pati na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas tulad ng Sebwano at Iloko, ginagamit lang ang ñ sa mga pangalan ng mga tao o lugar na nakabaybay sa palabaybayang Kastila (e.g. Santo Niño, Malacañan, Parañaque, Bamboo Mañalac). Hindi ito ginagamit sa pagsulat ng mga karaniwang salita, at isinasaling-sulat bilang ny ang ñ sa mga salitang hiram o hangò sa Kastila.

Sa sinaunang pamamaraán ng panunulat, ginagamit ang titik na ito saliw ng "g" upang ipakita ang tunog na [ŋ], na sa kasalukuyan ay sinusulat bilang Ng, na siyang ginagamit lamang sa dulo ng mga salita. Noong una, ang tilde o guhit na sa itaas ay pumapang-ibabaw sa n at g ("n͠g"), gaya sa salitang "pan͠galan", sapagkat ang payak na "ng" ay bibigkasing [ŋɡ] ("ngg"). Naging karaniwang uri ng n͠g ang "ñg" hanggang sa unang bahagî ng ika-20 dantaon sapagkat hindi kayang ipangibabaw ng mga tipaan ng makinilya ang tilde sa parehong mga titik..

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.