Venezuela

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Beneswela)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bolivarianong Republika ng Venezuela[1]
República Bolivariana de Venezuela
Pambansang Kasabihan: 
Pambansang Awit: 

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Caracas
10°30′N 66°58′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Kastila/Espanyol[2]
Pambansang wika Kastila/Espanyol (de facto)[2]
Pangalang-
turing
Venezuelan (Ingles); Venezolano, Venezolana (Espanyol)
Pamahalaan Pederal pampanguluhan Konstitusyonal Republika
 -  Pangulo Nicolás Maduro (PSUV)
 -  Pangalawang Pangulo Jorge Arreaza (PSUV)
Kalayaan
 -  mula sa Espanya Hulyo 5, 1811 
 -  mula sa Gran Colombia Enero 13, 1830 
 -  Kinilala Marso 30, 1845 
Lawak
 -  Kabuuan 916,445 km2 (Ika-33)
353,841 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.32[3]
Populasyon
 -  Pagtataya ng Oebrero 2008 28,199,822 (ika-40)
 -  Senso ng 2001 23,054,985 
 -  Kakapalan 30.2/km2 (Ika-173)
77/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $334.850 billion[1] (Ika-32)
 -  Per capita $12,933[1] (ika-62)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $333.529 billion[1] (ika-35)
 -  Per capita $11,827[1] (ika-58)
Gini (2007) 42.2[2] (mataas
TKT (2007) Increase 0.826 [3] (mataas) (Ika-61)
Salipi Bolívar fuerte[4] (VEF)
Pook ng oras UTC-4:30
Nagmamaneho sa kanan
Internet TLD .ve
Kodigong pantawag 58
^  Ang "Bolivarianong Republika ng Venezuela" ay naging buong opisyal na katawagan ng bansa mula noong ipinatupad ang bagong Saligang-Batas ng Venezuela noong 1999, nang ang estado ay ipinangalan sa karangalan ni Simón Bolívar.
^  Kinikilala rin ng Saligang-Batas ang lahat ng mga katutubong wikang sinasalita sa bansa.
^  Ang mga teritoryong pinangangasiwaan ng Venezuela ang kasama sa kabuuuang lawak ng nasasakupan.
^  Noong 1 Enero 2009, isang bagong bolivar, ang bolívar fuerte (ISO 4217 code VEF), na nagkakahalaga ng 1,000 VEB, ay ipinakilala.

Ang Venezuela /ve·nes·we·la/, na opisyal na tinutukoy bilang Bolivarianong Republika ng Venezuela ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika. Sinasakop ng teritoryo ng Venezuela ang lawak na 916,445 km2 (353,841 sq mi) na may tinatayang populasyon na 29,100,000. Itinuturing ang Venezuela na estado na may napakataas na biodiversity, na may mga naninirahang hayop at halaman mula sa mga kabundukan ng Andes sa kanluran hanggang sa mga kagubatan ng batis ng Amazon sa timog, na dumadaan sa malawak na mga kapatagan ng llanos at baybayaing Karibe sa gitna at sa Orinoco Delta sa silangan.

Napapaligiran ang bansa ng Dagat Karibe at Karagatang Atlantiko sa hilaga, Guyana sa silangan, Brazil sa timog, at Colombia sa kanluran. Sa labas ng pampang nito, matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba, ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago. Venezolano/Venezolana (Ingles: Venezuelan) ang tawag sa mamamayan.

Ang teritoryong kilala ngayon bilang Venezuela ay sinakop ng Espanya noong 1522 sa gitna ng paglaban ng mga katutubo sa Venezuela. Noong 1811, isa ang bansa sa unang mga kolonya ng Espanya sa Amerika na nagpahayag ng kasarinlan, na hindi naging tuluyang matatag hanggang 1821, nang ang Venezuela ay isang kagawaran pa ng republikang pederal ng Gran Colombia. Tuluyan nitong nakamit ang kasarinlan bilang isang hiwalay na bansa noong 1830. Noong ika-19 na dantaon, nakaranas ang Venezuela ng kaguluhang pampulitika at autokrasya, nanatiling pinangunahan ng rehiyunal na mga caudillo (mga malalakas na tao sa militar) hanggang noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon. Mula noong 1958, naranasan ng bansa ang serye ng mga pamahalaang demokratiko. Ang pagkagimbal sa ekonomiya noong mga dekada ng 1980 at 1990 ay nagdulot ng ilang mga krisis pampulitika, kasama ang mga nakamamatay na gulo (riot) ng Caracazo noong 1989, ang dalawang tangkang kudeta noong 1992, at ang pagtataluwalag (impeachment) ni Pangulong Carlos Andrés Pérez dahil sa katiwalian sa kaban ng bayan noong 1993. Ang pagbagsak ng tiwala sa mga umiiral na partido ang naghudyat sa pagkakaluklok noong halalan ng 1998 ng opisyal na dating kasama sa kudeta na si Hugo Chávez at ang paglulunsad ng Himagsikang Bolivariano, na sinimulan sa Asamblea sa Konstitusyon ng 1999 upang magsulat ng bagong Saligang-Batas ng Venezuela.

Ang Venezuela ay isang pederal na republikang pampanguluhan na binubuo ng 23 estado, ang Distritong Kabisera ng Venezuela (Venezuelan Capital District) kung saan kabilang dito ang Caracas, at ang mga federal dependencies ng Venezuela kung saan kabilang ang mga pulóng nakahiwalay sa Venezuela. Inaangkin din ng Venezuela ang lahat ng mga teritoryo ng Guyana sa kanluran ng Ilog Essequibo, isang malawak na sukat (tract) na tinaguriang Guayana Esequiba o ang Zona en Reclamación (ang sonang inaangkin).[4]

Ve-map.png

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga bansa sa Timog Amerika
Argentina | Bolivia | Brazil | Chile | Colombia | Ecuador | Guyana | Panama | Paraguay | Peru | Suriname | Trinidad and Tobago | Uruguay | Venezuela
Mga dumidepende: Falkland Islands | French Guiana