Pumunta sa nilalaman

Richard Nixon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iskandalong Watergate)
Richard Nixon
Larawang Pampangulo ni Richard Nixon
Larawan, c. 1969–1974
Ika-37 Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Enero 20, 1969 – Agosto 9, 1974
Pangalawang Pangulo
  • Spiro Agnew
    (1969–Okt. 1973)
  • Wala
    (Okt–Dis. 1973)
  • Gerald Ford
    (Dis. 1973–1974)
Nakaraang sinundanLyndon B. Johnson
Sinundan niGerald Ford
Ika-36 na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Enero 20, 1953 – Enero 20, 1961
PanguloDwight D. Eisenhower
Nakaraang sinundanAlben W. Barkley
Sinundan niLyndon B. Johnson
Senador ng Estados Unidos
mula California
Nasa puwesto
Disyembre 1, 1950 – Enero 1, 1953
Nakaraang sinundanSheridan Downey
Sinundan niThomas Kuchel
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan
mula sa California na ika-12 (na) distrito
Nasa puwesto
Enero 3, 1947 – Nobyembre 30, 1950
Nakaraang sinundanJerry Voorhis
Sinundan niPatrick J. Hillings
Personal na detalye
Isinilang
Richard Milhous Nixon

9 Enero 1913(1913-01-09)
Yorba Linda, California, Estados Unidos
Yumao22 Abril 1994(1994-04-22) (edad 81)
Lungsod ng Nueva York, Estados Unidos
HimlayanPamapanguluhang Aklatan at Museo ni Richard Nixon
Partidong pampolitikaRepublikano
AsawaPat Ryan (k. 1940–93)
Anak
  • Tricia
  • Julie
Magulang
  • Francis A. Nixon
  • Hannah Milhous
Edukasyon
  • Kolehiyo ng Whittier (BA)
  • Pamantasang Duke (LLB)
Trabaho
  • May-akda
  • abogado
  • politiko
PirmaKursibang lagda sa tinta
Serbisyo sa militar
KatapatanEstados Unidos
Sangay/SerbisyoHukbong-dagat ng Estados Unidos
Taon sa lingkod
  • 1942–1946 (aktibo)
  • 1946–1966 (di-aktibo)
Ranggo Kumander
Labanan/Digmaan
Mga parangal
  • Medalyang Komendasyon ng Hukbong-dagat at Pulutong Marino
  • Medalya ng Kampanyang Amerikano
  • Medalyang Kampanya ng Asyatiko-Pasipiko
  • Medalya ng Tagumpay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Medlayang Reserba ng Hukbong Sandatahan

Si Richard Milhous Nixon (Enero 9, 1913 – Abril 22, 1994) ay ang ika-37 pangulo ng Estados Unidos, na nagsilbi mula 1969 hanggang 1974. Isang abogado at kasapi ng Partido Republikano, dati siyang nagsilbi bilang isang kinatawan at senador mula sa California at naging ika-36 na pangalawang pangulo mula 1953 hanggang 1961 sa ilalim ni Pangulong Dwight D. Eisenhower. Nakita sa kanyang limang taon sa White House ng pagbawas ng pagkakasangkot ng Estados Unidos sa Digmaang Biyetnam, détente (o relaksasyon ng pilitang relasyon) sa Unyong Sobyet at Tsina, ang paglapag ng Apollo 11 sa Buwan, at ang pagkakatatag ng Environmental Protection Agency (Ahensiya ng Proteksyong Pampaligiran) at Occupational Safety and Health Administration (Adminstrasyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pagtratrabaho). Maagang natapos ang ikalawang termnio ni Nixon nang siya ang tanging pangulo ng Estados Unidos na nagbitiw mula sa kanyang opisina, bilang resulta ng Iskandalong Watergate.

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Richard Milhous Nixon noong Enero 9, 1913, sa noo'y presintong nayon ng Yorba Linda, California,[2] sa bahay na itinayo ng kanyang ama, na matatagpuan sa rantsong limon ng kanyang pamilya.[1][3][4] Ang kanyang mga magulang ay sina Hannah (Milhous) Nixon at Francis A. Nixon. Isang Quaker ang kanyang ina, at nagpalit ang kanyang ama mula pagiging Metodista tungong pananampalatayang Quaker. Sa pamamagitan ng kanyang ina, inapo si Nixon ng maagang nanirahang Ingles na si Thomas Cornell, na ninuno din ni Ezra Cornell, ang tagapagtatag ng Pamantasang Cornell, gayon din nina Jimmy Carter at Bill Gates.[5]

Ang pagpapalaki kay Nixon ay naimpluwensiyahan ng mga pagtalimang Quaker noong panahong iyon tulad ng pangilin mula sa alkohol, pagsasayaw, at pagmumura. Mayroon siyang apat na kapatid na lalaki: sina Harold (1909–1933), Donald (1914–1987), Arthur (1918–1925), at Edward (1930–2019).[6] Ipinangalan ang apat sa limang lalaking Nixon sa mga hari na naghari sa medyebal o makasaysayang Gran Britanya; si Richard, halimbawa, ay ipinangalan kay Richard I ng Inglatera.[7]

Iskandalong Watergate

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang gusali ng Otel ng Watergate kung saan nangyari ang iskandalo

Ang iskandalong Watergate ay iskandalong pampolitika noong termino ng Pagkapangulo ni Richard Nixon na nagresulta ng pagsasakdal at ng katiwalian ng ilang malalapit na tagapagpayo ni Nixon, at ang kanyang pagbitiw sa puwesto noong 9 Agosto 1974.

Nag-umpisa ang iskandalo nang mahuli ang limang lalaki dahil sa paglabag at pagpasok sa punong himpilan ng Democratic National Committee (Komite ng Pambansang Demokratiko) sa Kompleks ng Watergate sa Washington, D.C., noong Hunyo 17, 1972.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Richard Nixon Presidential Library and Museum" (PDF) (sa wikang Ingles). Setyembre 21, 2015. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 21, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Richard Nixon in the U.S. Census Records". National Archives (sa wikang Ingles). Agosto 15, 2016. Nakuha noong Agosto 31, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. NPS, Nixon Birthplace.
  4. Ferris, p. 209.
  5. Reitwiesner, William Addams. "The Ancestors of Senator John Forbes Kerry (b. 1943)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 27, 2019. Nakuha noong Agosto 31, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nixon Library, Childhood.
  7. Aitken, p. 11.