Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 30 Enero 1987 |
Punong himpilan | Bicutan, Taguig |
Taunang badyet | P24.268 bilyon [1] |
Ministrong may pananagutan | |
Websayt | www.dost.gov.ph |
Ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas (Ingles: Department of Science and Technology o DOST) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin sa koordinasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya sa Pilipinas, at may tungkulin ding magsagawa ng mga patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlaranang pambansa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Enero 30, 1987, pinirmahan ng noo'y pangulong Corazon Aquino ang Atas Ehekutibo Blg. 128 na nag-angat sa noo'y Pambansang Pangasiwaan ng Agham at Teknolohiya sa antas-gabineteng posisyon sa pamumuno ng isang kalihim na itatalaga ng pangulo at nagbago sa pangalan nito bilang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya[3]
Organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinamumunuan ang ahensya ng kalihim na itinalaga ng pangulo. Mayroong mga pangalawang kalihim at katuwang na kalihim na umaagapay sa pagpapairal ng araw-araw na operasyon ng kagawaran at sa pagmamanihala sa mga usbong na ahensyang nakapaloob sa kagawarang ito [4]. Mayroon ding mga rehiyonal na tanggapan ang kagawaran. Ang mga sumusunod ay ang kaugnay na mga tanggapan at ahensya ng kagawaran:[5]
Mga kalupunang tagapayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pambansang Akademya ng Agham at Teknolohiya (NAST)
- Surian sa Pananaliksik sa Likas-agham (NSRI)
- Pambansang Sanggunian sa Pananaliksik ng Pilipinas (NRCP)
Mga sangguniang pansektor
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Agrikultura, Akwatiko, at Likas na Yaman (PCAARRD)
- Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Kalusugan (PCHRD)
- Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Industriya, Enerhiya, at Bagong Teknolohiya (PCIEERD)
Mga Surian sa Pananaliksik at Pagpapaunlad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Surian ng Sulóng na Agham at Teknolohiya (ASTI)
- Surian ng Pananaliksik sa Pagkain at Nutrisyon (FNRI)
- Surian sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng mga Produktong Gubat (FPRDI)
- Surian sa Pagpapaunlad ng Teknolohiya Pang-industriya (ITDI)
- Sentro ng Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Industriyang Metal (MIRDC)
- Surian ng Pilipinas sa Pananaliksik Pang-nuclear (PNRI)
- Surian ng Pilipinas sa Pananaliksik ng Tela (PTRI)
Mga Serbisyong Surian sa Agham at Teknolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA)
- Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (PHIVOLCS)
- Sistemang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas (PSHSS)
- Surian ng Impormasyon sa Agham at Teknolohiya (STII)
- Surian ng Edukasyong Pang-agham (SEI)
- Surian sa Paggamit at Pagtataguyod ng Teknolohiya (TAPI)
Mga tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga tungkulin ng kagawarang ito ay ang mga sumusunod[6]:
- Lumikha at magpatibay ng komprehensibong Pambansang Plano para sa Agham at Teknolohiya at pangasiwaan at ayusin ang pagpopondo rito at ang implementasyon nito
- Isulong ang, tumulong sa, at kung saan nararapat, magsagawa ng, siyentipiko at teknolohikal na pananaliksik at pagpapaunlad sa mga larangang natukoy na mahalaga sa pambansang kaunlaran
- Isulong ang paglago ng katutubong teknolohiya at paghahalaw at pagpapaunlad ng naangkop na teknolohiyang inangkat sa ibang-dayo, at kaugnay nito, magsagawa ng pagbubuo ng teknolohiya hanggang sa komersyalisasyon nito
- Magsagawa ng pagdidisenyo at inhinyeriya upang mapunan ang kaakibat na tungkulin sa pananaliksik at pagpapaunlad;
- Payabungin ang, tumulong sa, at kung saan angkop, ay magsagawa ng, paglilipat ng resulta ng mga siyentipikong pananaliksik sa kapakinabangan ng kanilang mga gagamit
- Payabungin ang, tumulong sa, at kung saan angkop, ay magsagawa ng, serbisyong teknikal na kailangan ng agrikultura, industriya, transportasyon, at balana
- Magtipon ng, at mangasiwa sa, information system at kalipunan ng datos na may kinalaman sa agham at teknolohiya;
- Bumuo at magpatupad ng programa sa pagpapalakas ng kakayahan sa agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga tauhan at pagtatayo ng mga imprastraktura at surian
- Ipalaganap ang kamalayan sa agham at teknolohiya sa publiko;
- Magsagawa ng pananaliksik sa patakaran, pagtasa sa teknolohiya, at mga pag-aaral na teknikal at kainaman
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Agham at Teknolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext](*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo
Bilang | Pangalan | Larawan | Buwang Nagsimula | Buwang Nagtapos | Pangulong pinaglingkuran |
---|---|---|---|---|---|
1 | Antonio V. Arizabal | Enero 30, 1987 | Abril 6, 1989 | Corazon C. Aquino[7] | |
2 | Ceferino L. Follosco | Abril 7, 1989 | Hunyo 30, 1992 | ||
3 | Ricardo T. Gloria | Hunyo 30, 1992 | Hulyo 6, 1994 | Fidel V. Ramos[8] | |
4 | William Padolina | Hulyo 7, 1994 | Hunyo 30, 1998 | ||
Hunyo 30, 1998 | Enero 29, 1999 | Joseph Ejercito Estrada[9] | |||
5 | Filemon A. Uriarte, Jr. | Pebrero 1, 1999 | Enero 1, 2001 | ||
* | Rogelio A. Panlasigui | Enero 2, 2001 | Marso 11, 2001 | Gloria Macapagal-Arroyo[10] | |
6 | Estrella F. Alabastro | Marso 12, 2001 | Hunyo 30, 2010 | ||
7 | Mario Montejo | Hunyo 30, 2010 | Hunyo 30, 2016 | Benigno S. Aquino III[11] | |
8 | Fortunato dela Peña | Hunyo 30, 2016 | Hunyo 30, 2022 | Rodrigo Roa Duterte | |
9 | Renato Solidum | Hunyo 30, 2022 | kasalukuyan | Bongbong Marcos |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.pna.gov.ph/articles/1164866
- ↑ https://www.philstar.com/headlines/2022/12/07/2229210/dost-chief-solidum-gets-ca-nod
- ↑ Kautusang Tagapagpaganap Blg.. 128, s. 1987 (30 Enero 1987), Reorganizing the National Science and Technology Authority, inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2017, nakuha noong 6 Pebrero 2021
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-01. Nakuha noong 2023-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-03-29. Nakuha noong 2023-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-01-28. Nakuha noong 2023-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Corazon C. Aquino - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fidel V. Ramos - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-23. Nakuha noong 2014-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Joseph Ejercito Estrada - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-14. Nakuha noong 2014-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gloria Macapagal-Arroyo - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Benigno S. Aquino III - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)