Lindol sa Bohol (2013)
UTC time | ?? |
---|---|
Petsa * | 15 Oktubre 2013 |
Oras ng simula * | 0:12:31 UTC 8:12:31 PST[1] |
Haba | 30 segundo[2] |
Magnitud | 7.2 Ms |
Lalim | 33.0 km (20.5 mi)[1] |
Lokasyon ng episentro | 9°48′N 124°12′E / 9.80°N 124.20°E |
Uri | Tektoniko[1] |
Apektadong bansa o rehiyon | Pilipinas |
Pinakamalakas na intensidad | Intensidad VII (Tagbilaran, Bohol)[1] |
Pagguho ng lupa | |
Mga kasunod na lindol | 2,779 naitalang kasunod na lindol, kung saan 75 ang naranasan.(ayon sa mga pinakahuling opisyal na ulat mula sa NDRRMC, mula 7:00 n.g., 26 Oktubre 2013)[5] |
Nasalanta |
|
* Deprecated | See documentation. |
Nangyari ang lindol sa Bohol noong 2013 noong 15 Oktubre 2013 8:12 n.u. sa Bohol, sa Gitnang Kabisayaan, Pilipinas.[6] Naitala ito na 7.2 sa Eskalang sismolohikong Richter.[1][7] Ang episentro nito ay matatagpuan sa Carmen, Bohol at may lalim na 33 kilometro (21 mi).[1] Naramdaman ang lindol hanggang sa Lungsod ng Davao.[6]
Ito ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa Pilipinas sa loob ng 23 taon. Ang lakas ng lindol ay katumbas ng 32 bombang atomikong ibinagsak sa Hiroshima, Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[8] Nilindol na rin dati ang Bohol noong 8 Pebrero 1990 na nagtamo ng iilang pagkasira ng mga gusali at pagkakaroon ng tsunami.[9][10]
Mga Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naganap ang lindol habang nagdiriwang ang Pilipinas ng Eid al-Adha. Ang pambansang pagdiriwang na ito ay nakatulong sa pagbawas ng dami ng mga nasawi at nasaktan sapagkat ang mga paaralan, ilang tanggapan at negosyo ay sarado.[11]
May kabuuang ₱1.4 bilyong halaga ng pinsala sa mga daan, tulay at pampigil sa baha ang naiulat na napinsala sa Bohol at Cebu. May kabuuang 631,605 na mag-anak o mahigit sa 3.1 milyong katao ang naapektuhan ng pagyanig. Sa kabuuang bilang ng mga apektado, 66,041 na mag-anak o mahigit sa 336,000 katao ang nawalan ng tirahan.[12]
Bohol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naganap ang pinakamaraming pinsala sa lalawigan ng Bohol. Ayon sa pahayag na inilabas ng NDRRMC dakong 7:00 n.u. (PST; GMT+8) ng 26 Oktubre 2013, may mahigit na 199 na katao ang tiyak na nasawi, 648 na katao ang tiyak na nasaktan, at 8 ang kompirmadong nawawala. Tinatayang hindi bababa sa ₱2.2 bilyon ang inaasahang pinsala ng pagyanig.[13] Ang bayan ng Loon ang naitalang may pinakamaraming bilang ng nasawi. Halos 1,137,852 katao o higit sa 90% ng bilang populasyon sa pulo ang naapektuhan ng pagyanig.[12] Humigit kumulang 52,500 mga kabahayan ang napinsala o nawasak, kung saan ang mga bayan ng Tubigon, Carmen, at Calape ang labis na napinsala.[12]
Bahagya rin napinsala ang ilang mga gusaling pampahalaan sa lalawigan, kabilang na ang munisipyo ng walong bayan.[12] Gumuho rin ang Ospital sa Alaala ni Kinatawan Natalino P. Castillo, Sr. sa Loon, na nakapagpakulong at pumatay sa hindi matiyak na bilang ng mga pasyente.[14] May tinatayang 32 mga tulay, kabilang na ang karamihan sa Daang Pambansa, at 13 bahagi ng daan ay napinsala at hindi madaanan, na nakapagpapabagal sa pagbibigay ng tulong. Naputol din ang linya ng elektrisidad sa lalawigan.
-
Catigbian
-
Clarin
-
Tubigon
-
Loon
Cebu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Cebu, sa pahayag na inilabas dakong 6:00 n.g. ng 26 Oktubre 2013 ng NDRRMC, 13 katao ang tiyak na nasawi, 89 na katao ang sugatan, at may kabuuang 365,944 mag-anak o mahigit sa 1.8 milyong katao ang naapektuhan ng pagyanig.[12]
Mayroon ilang mga gusali sa Lungsod ng Cebu ang nakatamo ng bahagya at malaking pinsala. isang gusali sa Pantalan ng Pasil sa Lungsod ng Cebu ang gumuho na agad na kumitil sa buhay ng limang katao at sumugat sa pitong katao.[14][15] Gumuho rin ang kampanaryo ng Basilica Minore del Santo Niño.[16] Ang Kapitolyo ng lalawigan ng Cebu ay labis din napinsala ng pagyanig.[15] Nakatamo rin ang ilang mga pagamutan gaya ng Cebu Doctors' University Hospital at St. Vincent Hospital ng mga pinsala.[12]
Ibang bahagi ng Kabisayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naitala ang Intensidad VI sa Hinigaran, Negros Occidental; Intensidad V sa Iloilo, La Carlota sa Negros Occidental, Guimaras, Abuyog sa Leyte, at sa Sibulan sa Negros Oriental; Intensidad IV sa Lungsod Roxas, Masbate, Bacolod, Bulusan sa Sorsogon, Patnongon at San Jose sa Antique, Tacloban, Bato, Baybay at sa Pulo ng Tabon sa Leyte, Hinunangan at Saint Bernard sa Katimugang Leyte; Intensidad II sa Borongan sa Samar at Laon sa Antique; at Intensidad I at II sa ilang mga bayan ng Aklan.[17]
Sa Negros Occidental, may mga pribadong gusali ang nakatamo ng ilang mga pinsala. Sa Iloilo, bahagyang napinsala ang tanggapang pampangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Iloilo. Sa Siquijor, isa ang namatay at tatlong tao ang nasugatan dahil sa pagyanig.[12]
Mindanao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nadama rin ang pagyanig sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Gingoog sa Misamis Oriental na may lakas na Intensidad V; Intensidad IV sa Lungsod ng Butuan; Intensidad III sa Lungsod ng Dabaw, Cotabato, Lungsod ng Zamboanga, Surigao, Bukidnon at sa Zamboanga del Norte; Intensidad II ang nadama sa Lungsod ng Tacurong subalit walang naiulat na mga nasawi.[17] Wala rin naiulat na pinsala sa mga pag-aari at mga imprastruktura sa Mindanao.[12]
Mga Epekto ng Pagyanig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang mga byahe ng eroplano mula sa paliparan sa Cebu at Bohol ang pansamantalang naantala bilang pagtitiyak sa kalagayan ng mga gusali ng paliparan. Binuksan din kinahapunan ang Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu;[11] subalit nakansela ang mga biyahe sa pagitan ng Maynila at Bohol dahil sa pagsuspinde ng operasyon ng Paliparan ng Tagbilaran.[18]
Kalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming mga mamamayan ng Bohol ang iniwang walang sapat na malinis na inuming tubig at mga maaayos na pasilidad. Samakatuwid tumaas ang mga bilang ng mga may karamdaman tulad ng pagdudumi at ilang mga sakit bunga ng hindi malinis na tubig. Labis na naapektuhan ang mga bayan malapit sa episentro, gaya ng Sagbayan, San Isidro, Calape, Tubigon, Clarin and Catigbian.[19]
May din banta sa pampublikong kalusugan. Ang mga sentrong pangkalusugan ng mga barangay at mga ospital ay delikado na upang gamitin, na nagdulot nang paggawa ng mga pansamantalang mga silid sa labas. Ang suplay ng pagkain ay naantala sapagkat maraming mga pamilihan ang sarado pagkatapos ng pagyanig. Dagdag pa rito, ang mga sumunod na pagyanig ang pumilit sa mga mamamayan na manirahan sa labas at gumawa ng pansamantalang mga tirahan.[19][20]
Suplay ng kuryente at tubig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa bawat limang mga kabahayan sa Bohol ang walang suplay ng kuryente isang linggo matapos maganap ang pagyanig. Ayon sa Kagawaran ng Enerhiya, 91 bahagdan ng 602 mga barangay sa lalawigan ang naibalik na ang suplay ng kuryente.[21] Noong 24 Oktubre 2013, ang Lungsod ng Tagbilaran lamang ang nag-iisang lugar sa lalawigan na naibalik ng buo ang suplay ng kuryente. At noong ika-3 ng Nobyembre, halos lahat na ng suplay ng kuryente ay naibalik na.[12]
Naibalik na ang suplay ng tubig sa 42 mga bayan sa Bohol noong ika-20 ng Oktubre subalit ang mga bayan ng Calape, Cortes, Loon, Maribojoc, at Sagbayan ay wala pa rin suplay ng tubig.[22]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Earthquake Bulletin No. 2: 7.2 Bohol Earthquake". Surian ng Bulkanolohiya at Sesmolohiya ng Pilipinas. 15 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2013. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dennis Carcamo (15 Oktubre 2013). "93 dead in Visayas quake". The Philippine Star. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "SitRep No.2 re Effects of Earthquake in Carmen, Bohol" (PDF). National Disaster Risk Reduction and Management Council. 15 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-10-16. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Massive extremely dangerous earthquake in Bohol, Philippines – At least 93 people killed, 167 injured, around 4 billion PHP damage expected". Earthquake Report. 15 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2013. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "SitRep No.4 re Effects of Earthquake in Carmen, Bohol" (PDF). National Disaster Risk Reduction and Management Council. 16 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-10-16. Nakuha noong 16 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Frances Mangosing (15 Oktubre 2013). "Death toll from Bohol quake jumps to 85". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bulilit Marquez (15 Oktubre 2013). "Death toll in Philippines quake jumps to 93". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-15. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeannette I. Andrade (15 Oktubre 2013). "Bohol earthquake strongest to hit Visayas and Mindanao in over 20 years". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Floyd Whaley (15 Oktubre 2013). "Major Earthquake Strikes Central Philippines". The New York Times. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marc Jayson Cayabyab (15 Oktubre 2013). "Bohol quake as strong as 32 atomic bombs –Phivolcs". GMA News. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 Clarissa Batino & Joel Guinto (16 Oktubre 2013). "Aquino to Visit Philippine Earthquake Zone as Deaths Rise to 67". Bloomberg. Nakuha noong 16 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 12.6 12.7 12.8 "SitRep No. 35 re Effects of Magnitude 7.2 Sagbayan, Bohol Earthquake" (PDF). National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nobyembre 3, 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Disyembre 14, 2013. Nakuha noong Nobyembre 7, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ LBG/GMANews (26 Oktubre 2013). "NDRRMC: Death toll from Central Visayas quake now 213". GMANews. Nakuha noong 26 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Umberto Bacchi (15 Oktubre 2013). "Philippines Earthquake: Patients Trapped under Collapsed Hospital as Death Toll Reaches 93 [GRAPHIC PHOTOS]". International Business Times. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Avigail Olarte and Lala Olarte (15 Oktubre 2013). "7.2-magnitude earthquake stuns Bohol, Cebu". VERA Files. Yahoo! News Philippines. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pia Ranada (Oktubre 15, 2013). "Heartbreaking: 10 iconic churches in Bohol, Cebu damaged". Rappler. Nakuha noong Oktubre 15, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 Jeannette I. Andrade (Oktubre 15, 2013). "Bohol earthquake strongest to hit Visayas and Mindanao in over 20 years". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Oktubre 15, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elias O. Baquero, Gerome M. Dalipe and Katlene O. Cacho (16 Oktubre 2013). "Malls closed, sailing ban imposed in Cebu". Sun Star Cebu. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 16 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 "Serious public health issues in earthquake-hit areas of Bohol, Philippines". Manila, Philippines: Oxfam International. 21 Oktubre 2013. Nakuha noong 23 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bea Cupin (20 Oktubre 2013). "After Bohol quake: Worry, recovery". Tagbilaran City, Philippines: Rappler. Nakuha noong 20 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A fifth of Bohol households still without power as death toll hits 201 more than a week after quake". Interaksiyon. 25 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-27. Nakuha noong 25 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mildred V. Galarpe (20 Oktubre 2013). "Bohol officials warned vs selective assistance". Sun Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2013. Nakuha noong 25 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
- EQ articles needing UTC timestamp
- EQ articles using 'date' or 'time' (deprecated)
- EQ articles using 'origintime' (deprecated)
- EQ articles using 'aftershock'
- EQ articles waiting for ISC event id
- EQ articles needing ANSS url
- EQ articles needing 'local-date'
- EQ articles needing 'local-time'
- Lindol
- Bohol
- Lindol sa Pilipinas
- 2013 sa Pilipinas